Abbegail's kiss "Don't get drunk too much Abbegail. Sasakit ang ulo mo niyan kinaumagahan." Binawi niya sakin ang hawak hawak kong baso. Hindi na ako nagprotesta pa. Ganito ba talaga pag mahal mo ang isang tao? Napapasunod ka nila sa gusto nila. Nagiging tautauhan ka sa sarili mong nararamdaman. "Ikaw? Okay lang ba na nandito ka? Hindi ba magagalit ang mga pinsan mo?" tanong ko. Hindi ko maaninag dito ang couch nila. Natatakpan kasi ng kumpol ng tao lalo na't dim rin ang paligid na nagiging neon color bigla. "Hindi. They won't mind." sagot nya. Sandaling nasentro ang atensyon ko sa entrance dahil sa pumasok na pinsan niya na may kasamang babae. If I'm not mistaken that girl is Hana. Schoolmate ko siya. Boyfriend niya pala ang pinsan niya? "Boyfriend ni Hana ang pinsan mo?" tanong ko.

