"Magandang araw, Kristene. Napakaganda mo talaga. Mas maganda ka pa sa sikat ng araw." Nakangiting sabi sa akin ni Bulbulito.
Umirap na lang ako sa hangin. Kasalukuyan akong bumibili ng napkin dahil mayroon ako ngayon. Kaya pala sumasakit ang puson ko kagabi dahil magkakaroon na ako.
"Ano ba!" sigaw ko nang mabangga ko si Bulbulito. Nasa likuran ko pala siya.
"Sorry, Kristene. Huwag ka ng magalit sa akin. Kapag nagagalit ka kasi sa akin parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko. Nasasaktan ako kapag nagagalit ka sa akin. Iba kasi talaga ang tama mo sa akin. Parang sa iyo lang umiikot ang mundo ko."
Napairap na lang ako sa inis. Tumingin ako sa paligid ko. Nakangiti ang mga tsismosa naming kapitbahay na para bang inaasar ako.
Kaloka! Kinikilig pa yata ang mga ito!
"Alam mo Mr. Bulbulito, humanap ka na lang ng iba. Mas maigi pa kaysa umasa ka sa akin dahil wala ka talagang mapapala ni isang porsyento wala. Kung ako sa iyo, hanapin mo 'yong babaeng mahal ka. Huwag mo na akong distorbohin pa dahil marami pa akong kailangang gawin."
Lalakad na sana ako paalis nang humarang siya sa harapan ko. Pinanlakihan ko siya ng mata.
Buwisit talaga 'tong matanda na 'to!
"Sinabi ko naman sa iyo, Kristene, hangga't wala pa akong nakikita na nobyo mo, hindi ako susuko sa iyo. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. At kung ipilit mo man ako sa iba, hindi ka magtatagumpay dahil ikaw lang ang laman ng puso ko." Itinuro niya ang kaniyang kaliwang dibdib sabay ngisi.
Nagtilian naman ang mga tsismosa sa paligid naming dalawa. Napakamot na lang ako sa ulo. Nakangiwi akong nakatingin kay Bulbulito na wagas kung makangiti.
"Hindi ko magawang tumingin sa iba dahil ikaw lang talaga ang sinisigaw ng puso ko. Ikaw lang at wala ng iba. Ikaw lang sapat na sa akin. Ikaw lang talaga."
"Grabe naman 'yan Mr. Bulbulito! Tagos sa puso ang kilig namin dito!" sigaw ng tsismosa number one.
"Naku kung ako si Kristene, sobrang kilig na kilig na ako! Baka nga napaihi na ako sa panty ko dahil sa kilig!" sabi ni tsismosa number two.
"Ano na, Kristene? Push na 'yan! Sagutin mo na si Mr. Bulbulito nang umahon ka na sa kahirapan! Malay mo, siya na pala ang hinahanap mo para yumaman ka!" sabi naman ni tsismosa number three.
Nilingon ko silang tatlo at saka matalim na tiningnan. Nawala ang mga ngiti nila sa labi habang nakatingin din sa akin.
"Alam ninyo, kung wala kayong magawa sa buhay ninyo, huwag niyo akong pakialam. Wala na nga kayong ambag sa buhay ko, madami pa kayong sinasabi. Buti sana kung may ambag kayo baka sinunod ko pa ang payo ninyo. Hindi naman ako paralisado para umasa sa lalaking mayaman. Kaya kong magtrabaho at kumita ng pera para sa pamilya ko. Kaya kayo, kung wala kayong masagap na tsismis, isara ninyo 'yang mababaho ninyong bibig! Wala na nga kayong ambag sa lipunan pakialamera pa kayo!" inis na sabi ko sabay lakad palayo.
Hindi ko na sila naringgan pa hanggang sa ako ay makasakay. Nang makasakay ako ay napairap na lang ako sa inis.
Mga buwisit na tsismosa! Humaba sana mga nguso niyo!
Pagkarating ko sa store ay mabilisang kilos agad ang ginawa ko. Nakakunot lang ang noo ko dahil naiinis pa rin ako sa tatlong iyon. Nakasasawa na kasi ang pakikialam nila sa buhay ko. Noong una pinagkalat nila na buntis ako kahit hindi naman. Pangalawa may asawa raw ako na mayaman pero kabit ako. Tapos ngayon kay Bulbulito na naman. Nakakainis talaga ang mga buwisit na 'yon!
"Hoy! Bakit ka nakasimangot!"
Nagulat ako nang lumitaw sa harapan ko si Elise. Napatayo ako bigla sabay lapit sa kaniya.
"Bakit ka nandito?"
Ngumisi siya. "Well...natanggap ako bilang crew diyan sa sioma-an! Start na ako today! Ang saya ko dahil kasama kita!" aniya sabay halakhak.
"Talaga? Ang saya naman!" sabi ko sabay apir sa kaniya.
"Nga pala, bakit nakakunot ang noo ko nang makita kita? May problema na naman ba sa bahay ninyo? Nag-away na naman ba kayo ng Mama mo?"
Umiling ako. "Hindi. Naiinis ako sa mga tsismosa sa amin tapos kay Bulbulito. Buwisit na matanda iyon ayaw pang tumigil! Naiirita na ako!"
"Tapos nakikisali 'yong mga mga tsismosa sa inyo na sagutin na siya? Para yumaman ka, ganoon?"
Tumango ako. "Mga pakialamera, 'di ba? Akala mo sila makikipagrelasyon. Naku kahit gumuho na ang mundo hinding-hindi ako papatol sa matandang 'yon. Baka mamaya kadiri ang pututoy no'n. Bulok na. Baka mamaya kulubot na kulay dark brown na mabuhok. Ew talaga."
Humagalpak ng tawa si Elise. Napatingin tuloy sa kaniya ang mga dumadaan. Hinampas ko siya sa braso.
"Hoy! Baka akala mo nasa bahay ka lang. Siraulo ka! Nasa mall tayo!"
Patuloy pa rin siya sa pagtawa pero hindi na ganoon kalakas. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan.
"Piste ka! Natawa ako sa sinabi mo na bulok na pututoy na kulay dark brown na mabuhok!" sabi niya sabay tawa muli.
"Hay naku ewan ko sa iyo! Bumalik ka na sa puwesto mo dahil baka mamaya pagalitan ka pa sabihin puro ka tsismis!"
"Oo na. Sige balik na ako. Bye muna my friend!" Kumaway pa siya sa akin bago bumalik sa kaniyang puwesto.
Sinundan ko siya nang tingin. Hindi ko siya masyadong makita mula sa puwesto ko. Napailing na lang ako. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala pang customer kaya wala pa akong gagawin. Kinuha ko ang basahan para punasan ang mesa sa labas at upuan. Matapos kong punasan ito ay pinunasan ko naman ang glass window namin dahil may alikabok na.
"Very good, Kristene."
"Ay puwet ng kabayo mabaho!"
Nagulat ako sa biglang pagdating ni Cloud. Tipid siyang ngumiti pero sa ngiti niyang iyon ay para bang umikot na ang mundo ko.
Ang guwapo niya!
Tumikhim ako at saka pumasok na sa loob ng store. Nilibot niya ang paningin sa paligid bago bumaling sa akin.
"Good. Palaging malinis ang paligid. Tama 'yan Kristene kasi pagkain ang itinitinda natin. May mga customer pa naman na maaarte."
"Ako pa ba, Sir? Alam ko 'yan!"
Tumango lang siya. "Nag-almusal ka na ba?"
"Magsasabi na ako ng totoo, hindi pa Sir. May papakain ka ba sa akin? Chariz! Nakakahiya naman. Ayos langako Sir, gumagalaw pa ako. Chariz!"
Umiling siya sabay tawa. Pasimple akong ngumiti.
Ang guwapo niya talaga! Dapat lagi ko siyang mapapatawa para lumigaya siya sa akin!
Chariz!
"May dala akong palabok. Paborito ko kasi ito. Ito ang madalas kong almusal." Inilabas niya ang styrofoam at binuksan ito.
Tumambad sa akin ang palabok na may napakabangong amoy. Nanuot ang amoy nito sa aking ilong kaya naman natakam ako bigla.
"Parang tutulo na ang lamay ko, Sir. Parang ang sarap niyan."
Ngumisi siya. "Ito ang sa iyo. Mag-almusal ka muna."
Kaagad akong kinuha ang inabot niyang palabok. Parang nanginginig pa ako nang mahawakan ko ito. Napalunok ako dahil amoy pa lang alam ko nang masarap ito. Marami itong itlog at may hipon pa na malalaki. Mukhang mamahalin ang palabok na ito.
"Salamat Sir! Makakatikim na ako ng palabok na mamahalin! Puro kasi tig bente lang ang nakakain ko. 'Yong maalat na, kaunti pa ang itlog. Kaloka! Paborito ko pa naman ang itlog. Mapaluto o mapahilaw. Mapapatay o mapabuhay."
"Ha? Anong mapapatay at mapabuhay?"
Namilog ang mata ko. "Chariz lang Sir! Kain na tayo Sir. Salamat sa pakain ninyo. Susunod ako naman ang kainin ninyo."
"Ha?"
"Chariz! Bingi ka, Sir. Magtanggal ka na ng tutuli mo. Sabi ko, sa susunod ako naman ang magpapakain sa iyo."
"Ha?"
Ngumiwi ako. Nagtataka siyang nakatingin sa akin kaya napakamot ako ng ulo.
May mali ba sa sinabi ko? Sabi ko lang naman na ako ang magpapakain sa kaniya?
Mariin akong napapikit sabay tawa. Pasimple kong hinamapas ang bibig ko. Nakatingin lang siya sa akin.
"Ang ibig ko bang sabihin, Sir, sa susunod ako naman ang magdadala ng pagkain para makain mo."
"Okay."
Nagsimula na kaming kumain dalawa. Pasimple ko siyang pinagmamasdan. Habang kumakain siya, parang may kung ano akong nararamdaman. Ang guwapo niya kasing kumain. Tapos parang nakakaakit?
Parang ang sarap magpakain kay Cloud!
Chariz!
"Baka matunaw naman ako. Kumain ka na."
Nagulat ako nang tumingin siya sa akin kaya alanganin akong ngumiti.
"Sorry, Sir. Ang guwapo niyo kasi. Walang bahid ng pang-uuto."
Natawa siya. "Ikaw rin naman. Maganda ka."
Awtomatikong napangiti ako dahil sa sinabi niya.
Piste! Parang tumibok ang t*nggil ko!