KABANATA 1
Ilang segundo na akong nakatingin sa aking monitor. Nanlalambot ang aking mga kamay. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili ngunit hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang labis na lungkot. Marahan akong lumingon mula sa aking likuran nang hawakan ako sa balikat ng kaibigan kong si Elise. Mapait itong ngumiti habang hinahaplos ang aking balikat.
"Ayos ka lang ba Kristine?" malungkot ang kaniyang matang nakatingin sa akin.
Tipid akong ngumiti. "Sa totoo lang, hindi. Nanlalambot ako. Ang lungkot sobra. Paano na ako nito?"
Huminga siya nang malalim at saka ako hinawakan sa kamay. "Hindi ko alam Kristine pero alam kong may naghihintay sa iyong mas magandang trabaho. Alam ko na hindi madali sa iyo na iwan itong trabaho mo pero wala tayong magagawa. Kailangan nang magbawas ng tao ni sir. Wala na kasi siyang mapasusuweldo sa ating mga empleyado niya dahil humihina na ang kita niya. Alam ko iniisip mo na madali lang sa akin na pagsalitaan ka ng ganito pero sa totoo lang hindi talaga. Gustuhin ko man na manatili ka rito pero wala akong magagawa. Hindi naman ako maaaring umalis dito dahil ito ang trabaho ko na bumubuhay sa aking pamilya."
Mahina kong pinisil ang kaniyang kamay kasabay nang mahinang tawa. "Loka ka! Ayos lang. Hindi naman puwede na samahan mo ako palagi. Basta galingan mo na lang dito. Maghahanap na lamang ako kaagad ng mapapasukang trabaho. Ayokong manatili lamang sa bahay dahil wala kaming kakainin kung hindi ako kikilos."
"Pasensiya ka na Kristine. Wala akong magawa para matulungan ka," mahinang sabi niya sabay kagat-labi.
"Loka! Wala kang dapat ikahingi ng pasensiya diyan. Sige na bumalik ka na sa trabaho mo. Kailangan mo nang asikasuhin 'yan. Papapirmahan mo pa 'yan sa mga board members. Hindi ko na babasahin itong email na natanggap ko. Alam ko na rin naman ang laman niyan." Hinampas ko siya nang mahina sa kaniyang kamay at pagkatapos ay binaling ko na ang tingin ko sa monitor.
Gusto kong maiyak ngunit pinipigilan ko dahil ayokong makita ni Elise sobrang apektado ako. Nag-angat ako nang tingin dahil sa biglang pagpasok ng aming HR Manager sa opisina. Binati ko ito.
"Good morning Ms. Kristene Avelino. Please come to my office now. Thank you." Lumabas na kaagad siya ng pinto pagkasabi niyang 'yon.
Nilingon ko si Elise. "Punta lang ako sa HR Office."
"Sige," tipid niyang sabi sabay ngiti.
Kinuha ko ang aking suklay at saka tumayo na mula sa aking kinauupuan at dumiretso sa salamin. Sinuklay ko ang aking buhok at pinagmasdan ang aking sarili sa salamin kung maayos lang ba ang itsura ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng aming opisina.
Pagkarating ko sa Human Resource Department ay binalot ako nang kaba. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa pinto.
"Please, come in."
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sumilay ang ngiti sa labi ng aming HR Manager. Sumenyas siya na maupo ako sa kaniyang harapan. Bumuntong-hininga ito bago nagsalita.
"You know what Kristine, I'm really, really sorry kung napasama ka sa mawawalan ng trabaho ngayon. Alam ko na kailangan mo talaga ito pero wala akong magagawa. Mas priority ni Sir na maiwan ang mas matagal dito sa company. Alam mo naman na humihina na ang kompanya natin 'di ba?"
Marahan akong tumango. "Gustuhin ko man na manatili ka rito dahil sa napakasipag mo sa trabaho pero wala talaga akong nagawa. Sinubukan kong ipaglaban ka kay Sir pero sinabi niya na marami pa namang employee ang nandiyan kagaya mo."
Nanginginig ang aking mga labi dahil naiiyak na ako. "A-ayos lang po Ma'am. Naintindihan ko po 'yon. Mahirap naman po kasi kung mananatili akong magtatrabaho rito pero wala na akong suweldo. Siguro maghahanap na lamang ako kaagad ng mapapasukan."
Hinawakan niya ako sa balikat. "Kristine, alam mo kung gaano ako humahanga sa iyo. Marami pang naghihintay sa iyong magandang trabaho. At isa pa, aalis na rin ako rito dahil masyado nang mababa ang sahod. Hindi na rin sapat sa amin. Basta ito lang ang tandaan mo, marami pang nakaabang diyan na mas malaking opportunity para sa iyo."
Tuluyan na nga akong napaiyak. Hindi ko na ito napigilan. Tawa-iyak ang ginawa ko. Hinaplos ako sa balikat ni Ma'am. Kita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.
"Salamat po Ma'am. Sige po, balik na po ako. Tatapusin ko na po lahat ang mga gagawin ko para kahit papaano ay wala akong maiiwang trabaho." Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang panyo kong dala at saka tumayo na.
"Salamat Kristine."
Tipid na ngiti lang ang sinagot ko at saka lumabas na ako ng opisina. Huminga ako nang malalim bago naglakad pabalik sa aming opisina.
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw. Dumating na ang araw kung saan ito na ang huling araw na pasok ko. Ininom ko ang drinks na nasa harapan ko at pagkatapos ay muling sumubo ng aking pagkain.
"Nakapagpaalam ka na ba sa lahat?" tanong sa akin ni Elise. Tumango ako.
"Ayos ka lang ba?"
Mabilis akong tumango. "Oo naman. Ano ka ba? Huwag mo akong alalahanin. Ako 'to si Kristine! Ang babaeng walang kapaguran! Happy lang! Strong kaya ako. At saka bukas ng umaga aalis ako para magtingin-tingin kung saan ako puwedeng pumasok."
"Bakit ayaw mo sa mga opisina ulit magtrabaho?"
Umiling ako. "Sa susunod na lang muna. Susubukan ko muna ang iba pang klase ng trabaho."
Maloko siyang ngumisi. "Ikaw Kristine, baka mamaya pagbebenta ng laman ang papasukin mong trabaho," saad niya sabay tusok sa tagiliran ko.
Hinampas ko siya sa kamay. "Siraulo. Anong pagbebenta ng laman? Ano 'yon? 'Yong makikipagkantunan ka?"
Tumawa siya. "Oo tama. Kantunan nga. Pancit canton. Tapos babayaran ka nang malaking halaga. Depende sa performance mo kung magaling ka ba sa ganiyan."
Natawa ako bigla. "Siraulo. Alam mo namang hindi ako magaling diyan. Ayoko nga nang ganiyang trabaho. Hindi naman sa nanghuhusga ako sa mga taong ganiyan ang uri ng kanilang trabaho. Sadyang kahit maghirap pa ako nang sobra, hindi ko papasukin 'yan. Baka riyan pa ako mamatay. Hindi ko maatim na maraming papasok na espada sa kuweba ko." Nilagok ko ang drinks ko at pagkatapos ay dumighay.
"At saka matagal na akong walang boyfriend. Ilang taon na rin simula nang lokohin ako ng gago kong ex."
Tumawa siya. "Kapal din ng lalaking 'yon. Akala mo kung sinong guwapo para lokohin ka pa! Akala mo naman napakalaki ng alaga niya pero hindi naman."
Humalukipkip ako. "Hay naku kung alam mo lang. Kikiam lang 'yon. Kiliti lang ang hatid hindi sarap. Nagpapanggap na nga lang akong nasasarapan kahit hindi talaga."
Humagalpak siya nang tawa. "Gago paano 'yon? Kunwari natirik mata mo? Pinapatirik mo na lang?"
Tumango ako. "Oo para kunwari masarap kahit sa totoo lang hindi. Kapal nga niya, mahilig masyado wala namang kuwenta. Ako pa ang gumagastos kapag umaalis kami. Pulubi."
Umiling siya. "Hayaan mo na 'yon. Mamamatay din 'yon. Makahahanap ka rin ng seryosong lalaki na mamahalin ka nang tunay. Makahahanap ka ng lalaking guwapo, mayaman at higit sa lahat malaki ang oten!"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil lumakas ang boses niya. "Siraulo ka baka marinig tayo!"
Luminga-linga ako sa paligid kung may natingin ba sa aming dalawa. Inalis niya ang kamay ko sa kaniyang bibig.
"Basta, bahala na bukas. Bilisan mo na riyang kumain dahil gabi na. Kailangan ko nang makauwi dahil baka mamaya wala pang ulam sa bahay."
"Oo na madam Kristine," tumatawang sabi niya.
Kinaubukasan, maaga akong nagising. Pinaghandaan ko muna ng pagkain ang mga kapatid ko pati si Mama. Naglinis muna ako ng aming bahay. Niligpit ko ang mga nagkalat na baraha sa sahig. Bumuntong-hininga na lamang ako habang isa-isa itong pinupulot. Gusto ko mang pigilan si mama sa kaniyang pagkalulong sa sugal ngunit wala na akong magawa. Ito na rin kasi ang naging libangan niya para limutin si papa. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin matanggap na wala na si Papa. Masakit kasi para sa amin ang pagkawala niya lalo pa't hindi siya namatay sa sakit. Binaril siya sa isang inuman. Hindi namin nakilala kung sino ang may gawa no'n kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakukuha ang hustisya sa pagkamatay ni Papa.
Matapos kong maligo't magbihis ay kaagad akong umalis. Sinarado kong maigi ang gate. Nagbilin na rin ako sa dalawa kong kapatid kung ano ang kakainin nila dahil nag-iwan na rin ako ng pera. Pupuntahan ko ngayon ang nakita kong burger-an. Hiring kasi ito. Hindi ito basta burger lang na katulad sa Angel's o Minute burger. Mas mahal at mas sosyal itong tingnan. Mukhang masarap din ito dahil na rin sa itsura nito at may kamahalan din. Nakita ko ito kagabi habang nag-i-scroll ako ng aking Facebok.
Nang makarating ako sa mall kung saan nakapuwesto ang store ay kaagad akong nagtanong sa guard. Itinuro niya sa akin kung nasaan ito. Kaagad akong nagpasalamat at saka naglakad.
"Krusty Krab..." banggit ko nang matapat ako sa store. Huminga ako nang malalim bago tuluyang naglakad patungo sa store.
Sumilip ako sa loob. Nanlaki ang mata ko sa nakita kong lalaki na nagluluto ng burger. Mabilis ang bawat galaw nito. Kitang-kita ko ang tila nagniningning na mata ng babaeng bumibili habang hindi kumukurap na nakatingin sa kaniya. Napakaguwapo nito. Artistahin ang mukha.
"Sino kaya siya?" mahinang banggit ko.
Bigla akong nakaramdam nang pananabik. Siya na kaya ang magiging prince charming ko?