Story By CellaRocella
author-avatar

CellaRocella

ABOUTquote
Romance - Comedy - Drama - SPG Writer Hangad na makapagbigay aliw, lungkot, saya sa bawat mambabasa na may maiiwang aral. Suportahan niyo sana ang aking mga akda💗
bc
Love Between Guns
Updated at Sep 28, 2023, 22:05
Masipag, matulungin at mapagmahal na panganay na anak si Kristine Avelino. Siya kasi ang inaasahan sa kanilang pamilya dahil naulila na sila sa kanilang ama. Hindi inaasahan ni Kristene na siya ay matanggal sa trabahong kaniyang kasalukuyang pinapasukan, kung kaya't kaagad siyang naghanap ng trabaho. Magiging isa siyang crew sa isang burger store na pagmamay-ari ni Cloud De Vega. Kapag walang trabaho at hindi abala ang lalaki ay pumapasok ito sa kaniyang store para na rin makatulong sa kaniyang crew. Maaantig ang damdamin ni Cloud sa angking kasipagan at kalinisan sa trabaho ni Kristene. Unti-unting mahuhulog ang loob niya sa babae nang hindi niya namamalayan at ganoon din sa kaniya si Kristine. Magiging maayos ang kanilang pagsasama ngunit masisira ito nang malaman ni Kristene kung ano ang tunay na trabaho ni Cloud. Miyembro ito ng grupong Shoot to Kill kung saan binabayaran sila ng malaking halaga upang pumatay ng tao. Sa labis na takot sa lalaki ay napagpasyahan ni Kristene na magpakalayo-layo at hindi na muling magpakita pa sa kaniya. Magsisimula siya ng bagong buhay mag-isa at kalilimutan ang kanilang pinagsamahan. Mabubuo pa kayang muli ang nasira nilang pagsasama? Paano kaya maibabalik ni Cloud ang kanilang nasirang relasyon? Paano kaya mababawi ni Cloud si Kristine gayong malalaman niyang may anak pala sila nito?
like
bc
Kalampag sa Gabi (COMPLETED)
Updated at Apr 14, 2023, 09:36
Warning: Rated SPG Mga kuwentong pag-ibig na may maiinit na kaganapan, inspirasyon at katatawanan. Nagbibigay aliw, kasiyahan at mga aral. Kuwentong pag-ibig na naghahandog ng kilig sa bawat mambabasa.Written by CellaRocella
like
bc
Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)
Updated at Mar 19, 2023, 22:13
Warning: RATED SPG Naglalaman ng maseselang kaganapan Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan maraming foreigner ang nandoon. Sa kaniyang paghahanap, hindi inaasahang magtatagpo ang landas nila ng bilyonaryong si David Montero. Nagtungo roon si David upang makalimutan ang kaniyang ex-girlfriend na ipinagpalit siya sa kaniyang kaibigan. Dahil sa sobrang kalasingan, hindi na alam ni David ang kaniyang ginagawa hanggang sa mapunta siya sa tinutuluyan ni Akira. Ngunit hindi nila inaasahang ang gabing 'yon ay magbubunga. At dahil ayaw ni David na masira ang kaniyang pangalan, itinago niya ang tungkol dito. Ngunit paano na lamang kung unti-unti na pa lang nahuhulog ang loob ni David kay Akira? Mapipigilan niya kayang mahalin si Akira? Mas pipiliin niya kaya ang kaniyang mag-ina kaysa sa kaniyang pangalan at yaman?
like
bc
Owned Me Mr. Billionaire
Updated at Dec 28, 2022, 01:55
Isang hindi inaasahang pangyayari ang babago sa buhay ni Adora Alfonso. Magtatagpo ang landas nila ni Val Ford na isang bilyonaryo. Siya ay kasalukuyang naghahanap ng babaeng kaniyang pakakasalan bago siya tumuntong sa edad na tatlumpu. Ito ang kaniyang ipinangako sa yumao niyang ina. Ipinangako niya na siya ay magpapakasal na bago ito yumao ngunit sa kasamaang-palad ay namatay na ito nang hindi man lang nakikilala ang babaeng pakakasalan niya. Kaya naman isinumpa niya sa puntod ng kaniyang ina na tutuparin niya ang kaniyang pangako bilang pag-alala sa namayapa niyang ina. Paiinitin ni Val ang malamig na gabi ni Adora at magbubunga ito. Hindi niya pa nagugustuhan ang babae ngunit kailangan niya itong panagutan. Sila ay magsasamang dalawa at habang lumilipas ang panahon ay unti-unting makikilala ni Adora ang tunay na pagkatao ni Val at ang hindi kaaya-ayang pag-uugali nito. May mabubuo kayang tunay na pag-ibig sa kanilang dalawa o magsasama lang sila para sa kanilang anak? Kakayanin kaya ni Adora na manatili sa piling ni Val gayong may ugali itong hindi kanais-nais at puro sakit lamang ang dulot nito sa kaniya? Mahuhulog kaya sila sa isa't-isa o tatapusin na lamang nila kung ano ang mayroon sila?
like