bc

Kalampag sa Gabi (COMPLETED)

book_age18+
931
FOLLOW
3.0K
READ
billionaire
HE
second chance
arrogant
blue collar
bxg
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Warning: Rated SPG Mga kuwentong pag-ibig na may maiinit na kaganapan, inspirasyon at katatawanan. Nagbibigay aliw, kasiyahan at mga aral. Kuwentong pag-ibig na naghahandog ng kilig sa bawat mambabasa.Written by CellaRocella

chap-preview
Free preview
HENRY X YVONNE 1
"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit kinukuha niyo ang mga naiwan sa akin ng Papa ko? Wala na nga halos naiwan sa akin pero kukunin niyo pa? Anong klase kayo?" Umiiyak na sambit ni Yvonne. Wala na kasing natitira pa kay Yvonne. Ang bahay ng kan'yang ama na dapat sana sa kaniya ipapamana ay kinuha na ng kambal dahil sa napakalaking atraso ng kaniyang ama sa dalawa. Kulang pa nga 'yong pambayad kaya naman wala na talaang matitira pa kay Yvonne. Malakas na tumawa si Henry. "Eh bakit sa amin? Ano bang kinuha sa amin ng Papa mo? Ang mga magulang namin, 'di ba?" Galit na galit na sigaw ni Henry habang nanginginig ang kalamnan. "Pero patay na si Papa. Wala na siya kaya bakit niyo ako dinadawit sa kalanan ng Papa ko? Wala naman akong ginawang masama sa inyo!" sigaw naman ni Yvonne. "Oo wala na ang Papa mo at isa 'yon sa mas lalong nagpapagalit sa amin dahil na namin siya magagawang gantihan. Hindi naman siya mapapahirapan pa kaya ikaw ang pahihirapan namin. Ikaw ang magbabayad sa kasalanan ng Papa," sabi naman ni Harold. Napaiyak na lang si Yvonne. Kasalanan naman kasi talaga ng ama niya kung bakit namatay ang mga magulang ng kambal na sina Henry at Harold. Personal secretary kasi ang Papa niya ng mga magulang ng kambal. Pero nagpasilaw sa pera ang Papa niya at nagawang pagnakawan ang mga magulang ng kambal. Hinabol ng mga magulang ng kambal ang kaniyang ama hanggang sa madisgrasya ang mga ito at mamatay. "Mayroon pang limang milyon na utang ang Papa mo, may pambayad ka ba?" tanong ni Henry kay Yvonne. Marahang umiling si Yvonne. "Wala. Wala na kasing iniwan sa akin si Papa. Kailangan ko pang magtrabaho para makaipon." Ngumisi si Harold. "We have an offer for you. Dahil wala ka namang limang milyong pambayad sa amin, puwede mo naman itong bayaran nang wala kang ilalabas na pera." Kumunot ang noo ni Yvonne. "Ha? Paano?" "Magiging alipin ka namin sa loob ng tatlong buwan. Hindi na rin masama, 'di ba? Lahat ng iuutos namin ay susundin mo. Huwag kang ma -alala, hindi naman kami mag-uutos ng kung ano sa iyo. Parang magiging alipin ka lang talaga namin. Payag ka ba?" Nakangising saad ni Harold. "Pero puwede ka namang tumanggi kung hindi mo kakayaning maging alipin namin. Kaya lang, dapat magbayad ka agad. Dahil kung hindi, ipakukulong ka namin," dagdag pa ni Henry. Napalunok si Yvonne. Alam niyang mas mahirap pa sa isang kasambahay ang dadanasin niya sa kambal na ito dahil magiging alipin siya. Pero wala naman siyang sapat na halagang pambayad at ayaw niya ring makulong. "Hihintayin ka namin bukas ng umaga sa bahay namin. At kapag sumapit na ang tanghali at wala ka pa, isa lang ang ibig sabihin no'n, tumanggi ka sa offer namin kaya magbabayad ka dapat agad," sabi ni Harold sabay talikod. Ilang segundo muna siyang tiningnan ni Henry bago tuluyang umalis. At nang mawala na sila sa paningin ni Yvonne, bagsak ang balikat ng dalaga nang umupo sa upuan. Malalim siyang bumuntong hininga. "Mukhang kailangan kong maging alipin ng dalawang 'yon. Pero syempre, hindi ako papayag na alipustahin nila ako. Gagantihan ko sila sa ibang paraan," bulong ni Yvonne sa kaniyang sarili. Kinabukasan, nagtungo na si Yvonne sa bahay ng kambal. Malalim siyang bumuntong hininga bago nag-doorbell. Pinagbuksan siya ng isang kasambahay. "Hello po…nandiyan po ba ang kambal?" tanong ni Yvonne sa kasambahay. "Opo. Kayo na po ba si Ms. Yvonne?" sabi naman nito. "Opo. Ako nga po," tugon ni Yvonne. "Halina po kayo sa loob. Kanina pa po nila kayo hinihintay." Huminga muna ng malalim si Yvonne bago sumunod sa kasambahay. Naabutan niyang nasa sala ang dalawa habang nanunuod. Napangisi si Harold nang makita siya. Madali niya lang malaman sa dalawa kung sino si Harold at Henry dahil hindi naman sila masyadong magkamukha. Hindi sila identical twins kagaya ng iba. At isa pa, may mga tattoo sa katawan si Harold habang si Henry naman ay wala. "Maiwan niyo na po muna kami, Manang Belen," sabi ni Harold sa kasambahay. "Mabuti naman at nandito ka na. Akala ko tatanggi ka sa offer namin. Sabagay, imposible 'yon dahil wala ka namang pera," sabi ni Henry sabay tawa. Inirapan lang siya ni Yvonne. Ngumisi naman si Harold. "Ilagay mo na ang mga gamit mo diyan sa kuwartong 'yan." Itinuro ni Harold ang magiging kuwarto ni Yvonne. "Bilisan mo ang kilos mo. Ayoko ng mabagal. Bawal dito ang kilos pagong," dagdag pa ni Henry. Tumango na lang si Yvonne kahit na medyo naiinis na siya kay Henry. Nagtungo naman sa kuwartong itinuro ni Harold si Yvonne. Maayos naman ang itsura nito at katamtaman lang din ang laki. Inilagay niya ang mga gamit niya sa aparador. Mamaya na lang niya ito aayusin. Lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa sala para harapin ang kambal. "Suotin mo 'yan. 'Yang ang uniform mo. Iba ang uniform mo sa kanila dahil alipin ka namin," sabi sa kaniya ni Henry. Kinuha naman ni Yvonne ang mga uniform na nasa harapan niya at saka nagtungo sa kuwarto upang magbihis. Sa kaniya ay kulay itim habang kulay asul naman ang nakita niyang uniform ng dalawang kasambahay dito. Matapos niyang magbihis ay lumabas na siya ng kuwarto. "Okay. Yvonne, simple lang naman ang gusto naming gawin mo. Lahat ng iuutos namin ay dapat mong sundin. Kagaya ng pagtitimpla ng kape or juice, pagbili ng ganito o ganiyan at iba pa. Naiintindihan mo ba?" Nakangising sabi ni Henry. "Yes po," sagot naman ni Yvonne. "Okay sige. Magpunta ka sa kusina at ipagtimpla ako ng kape," sabi ni Henry sabay baling sa kaniyang cellphone. Agad namang nagtungo si Yvonne sa kusina. Naghanap siya ng kape at asukal. Medyo natagalan pa nga siya sa kahahanap dahil inutusan agad siya nang wala man training bago magtrabaho. Nangangapa tuloy siya dahil ito ang unang beses niyang magtatrabaho bilang kasambahay o alipin para sa kambal. "Asukal ba ito? Bakit walang mga label? Ay baka asukal nga kasi katabi ng kape," bulong ni Yvonne sa sarili at nagsimula nang magtimpla ng kape. Matapos makapagtimpla ni Yvonne ng kape, ibinigay na niya ito kay Henry. "Linisin mo ang kuwarto ko. Bilisan mo," utos naman ni Harold kay Yvonne. "Okay po," sagot ng dalaga at saka nagmamadaling kumuha ng panlinis. Naibuga naman ni Henry ang kapeng hinigop niya. "Ano ba, Henry? Kadiri ka naman! Muntik mo pang mabugahan ako sa mukha!" Inis na sabi sa kaniya ni Harold. Magkasalubong naman ang kilay ni Henry habang galit na ikinuyom ang kamay. "Yvonne!" Malakas na sigaw niya na bumalot sa buong bahay. Nataranta namang bumaba ng hagdan si Yvonne. Hinihingal siyang tumayo sa harapan ni Henry. "Po? Bakit po?" Matalim siyang tinitigan ni Henry. "Siraulo ka ba?! Bakit asin ang inilagay mo sa kape ko?" Gigil na sigaw nito sa kaniya. Nanlaki naman ang mata ni Yvonne. "Hindi ko po alam na asin 'yon. Wala kasing label na nakalagay. At isa pa, katabi siya ng kape kaya akala ko asukal," katwiran naman ni Yvonne. "Eh ano naman kung katabi ng kape? Paano kong nalagay lang doon? Bakit hindi mo muna tinikman bago ka ng timpla ng kape kung hindi ka pala siguradong asukal 'yon? Hindi mo naisip 'yon?" sabi ni Henry sabay lapit sa kaniya. Napayuko naman si Yvonne. "Sorry po. Hindi na po mauulit." "Ayusin mo nga ang mga galaw mo. Nakakasira ka ng araw," wika ni Henry sabay alis sa harapan niya. Napailing naman ni Harold. "Ano ba naman 'yan! Unang araw pa lang, katangahan na agad ang pinairal." Umirap na lang sa hangin si Yvonne bago niligpit ang kape na itinimpla niya. Pagkarating niya sa kusina, lihim siyang napangiti. "Bagay lang sa iyo ang kapeng maalat, Henry unggoy," bulong ni Yvonne sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook