Day-off ni Kristine ngayong araw. Medyo malungkot ako ngayon sa store. Wala na kasi akong ibang crew bukod sa kaniya. Ayoko na magdagdag pa ng iba. Hindi dahil sa nagtitipid ako o ano pa man, ayoko lang na magdagdag pa. At isa pa, wala na akong ibang mahanap na kagaya niya. Masipag at malinis sa trabaho si Kristene. Talagang hindu lang siya nagpapabibo kapag nandiyan ako dahil kapag bigla akong sumusulpot dito sa store, talagang malinis ang paligid. At isa pa, mapagkakatiwalaan siyang tao. Ni hindi pa siya nangupit sa akin. Kuwentado ko kasi lahat ang nandito sa store. Kaya naman natutuwa ako sa kaniya. Iniisip ko na nga kung anong reward ang ibibigay ko sa kaniya. Kahit na medyo balahura ang bunganga niya ay ayos lang sa akin. Sa totoo lang, gusto ko ang pagkatao ni Kristene. Wala siyang

