"Puko..." malambing na boses na tawag sa akin ni Ulap. Lumapit ako sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa beach resort. Ewan ko sa lalaking ito dahil biglaan lang ang pagpunta namin dito. Ang sabi niya, balak daw niyang magdagat kaming dalawa dahil matagal na siyang hindi nakakapunta sa dagat. "Bakit, Tiko?" Nakangiting tanong ko sa kaniya. Huminga siya nang malalim at nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko. Pagkatapos ay may kinuha siyang singsing mula sa kaniyang bulsa. "Puko, will you marry me?" Naestatwa ako mula sa aking kinatatayuan at hindi ako makapagsalita. Totoo ba ito? Tunay ba? True ba? Really? 'Di nga? Pakakasalan ako ng lalaking ito? Ang bongga naman pala kung ganoon! "Tiko, sure ka ba diyan? Baka nahilo ka lang o ano." Mahina siyang tumawa. "Oo, Puko. Sigurado ako

