"Ma'am, saan ba talaga kayo patungo?" tanong ng driver kay Lovelyn, na pa 'tasked' siya, dahil patuloy niyang sinasabihan na magmaneho lang ngunit hindi tumigil sa katatanong sa kaniya. "Basta Kuya, sasabihin ko kung saan, magmaneho lang po muna kayo ngayon," mahinang wika ni Lovelyn. Mabuti na lamang kumalma na sa kauusisa nito dahil wala siyang lakas na makipagusap ng matagal. Pagkatapos niyang mag-walkout sa library deretso siya sa gate at tuluyang lumabas ng kanilang bahay. Saktong may dumaan na taxi paglabas at ito nga kanina pa tanong nang tanong akala mo naman hindi niya ito kayang bayaran. "Ma'am, tama ang ibabayad n'yo po ha? Bawal manghingi ng discount at marami akong anak," ani pa nito. Sumama ang tingin niya rito, "Kahit magkano Kuya, babayaran ko h'wag po kayo mag-alala,"

