Pagdating ni Lovelyn sa restaurant, masaya siyang bumati sa mg employee. Madalang na pumupunta ngayon si Crissa at masilan ito ngayon sa trimester ng pagbubuntis. Wala naman problema iyon kay Lovelyn at madalas naman siya narito at mapagkakatiwalaan ang kinuha nilang assistant na si Jennylyn. Kung hindi sila puwedeng magkaibigan multitasking pa nga ito kung maraming tao natulong sa pag serve. Hindi pa dumarating ang kausap niya kaya minabuti muna ni Lovelyn na magtungo sa kitchen at nang mabatid na walang problema sa mga tauhan ay sa counter naman siya nagtungo. Busy si Jennylyn sa tatlong magkasunod na customer kaya nag-antay si Lovelyn na matapos ni Jennylyn ang ginagawa. "Ma'am. Mabuti naman po at pumasyal kayo rito nakailang tawag na si Sir Wyatt, akala ko po may tampuhan kayo," bung

