Paglabas sa office ng dalawang bisita ni Wyatt, ay pilyang ngumiti si Lovelyn na humarap sa asawa. Tumaas naman ang sulok ng labi nito. Dahil abot kamay lang siya ni Wyatt, hinila siya palapit sa kinauupuan nito. "Bakit pakiramdam ko may meaning ang mga ngiti mong 'yan, misis ko?" wika nito sa kaniya nang hilahin siya palapit dito gamit ang kanang kamay at ipinulupot sa baywang niya. "How's your shopping going, sweetheart?" ani nito, ang kaninang isang braso ay naging dalawa na at pumirmi sa baywang niya, paminsan-minsan humahaplos pababa, taas sa baywang niya. Yumuko si Lovelyn malapit sa tainga ni Wyatt at bumulong doon. "May gusto akong bigyan ng award," may pilya sa tinig na bulong dito ni Lovelyn, na siyang kinagitla ng asawa niya kaya lalong natukso si Lovelyn, na tudyuin ito. "

