Dahil matagal ang inaantay niyang si Wyatt, napagpasyahan ni Lovelyn na bumalik na lamang sa pagkakahiga sa kama. Subalit kalaunan dinalaw agad siya ng antok kahit pilit niyang nilalabana ito. Nasa pagtulog na ang diwa ni Lovelyn, nang lumundo ang kama, hindi niya pinagkaabalahang tingnan at panigurado naman siya na asawa niya ang dumating, tama naman ang sapantaha niya si Wyatt nga ang dumating. "Sorry sweetheart, maraming tao na bumibili," naalimpungatan niyang mahina nitong boses. "Sweetheart, hindi mo iinumin 'to?" masuyo ulit na tanong nito. Tinatalo ng antok si Lovelyn kaya umiling siya, "Nagmadali pa ako sa pagbili kinausap ko pa ang sinusundan ko at binayaran ng five hundred dollars para lang paunahin ako sa pila, tutulugan lang pala ako ng misis ko," narinig pa ni Lovelyn, n

