Pagdating nila sa Santillan builders sandaling nawaglit sa isip ni Lovelyn, ang sekreto na nalaman kay kuya Ron. Masaya pa siyang nakangiti pagkababa ng sasakyan pagkatapos ay nagpaalam dito. "Kuya Ron, sandali lang ako sa taas ha? Pagnatapos nang kumain ni boss Wyatt, baba ako agad. Sa restaurant tayo pagkatapos dito," bilin pa ni Lovelyn dito. Mabilis naman na tumango sa kaniya si kuya Ron, pagkatapos niya iyon sabihin at nagbiro pa bago siya tuluyang makalayo rito. "Kaya ho pala palaging maganda ang ngiti ni boss Wyatt, dahil palagi n'yo pinagluluto Ma'am," natutuwa nitong wika. "Iyon nga ho kuya Ron, talaga bubusugin ko siya ng husto," sakay na biro ni Lovelyn dito. "Iyon talaga ang the best, Ma'am, kaya talaga mahal na mahal ka noon," ani nito sa kaniya. Ngumiti si Lovelyn, at ma

