"Salamat sweetheart," wika sa kaniya ni Wyatt habang mahigpit siyang yakap nito sa kaniya likuran. "Para saan naman 'yang pasalamat mo, Mister Santillan?" sagot pa niya na hindi nag-abalang lumingon dito. "Sa pag-a-alaga, heart," sagot nito at ipinatong pa ang baba sa balikat niya. "Iyon lang ba? Kung gano'n bitaw na mister at tapos na ako rito," nagpunas na ng kamay na wika ni Lovelyn. "Sandali lang sweetheart, please," at Isang mahigpit na yakap galing dito ilang sandali kumalas din matapos ng ilang minuto. Hinatid pa siya nito pagbaba hanggang sa parking lot ng Santillan builders. Tila nga ayaw pa nga pumasok sa loob ng kompanya hangga't hindi nawawala sa paningin nito ang sasakayan nila. "Napakabait talaga ni Sir Wyatt," ani kuya Ron, nang makalayo na ang sasakyan nila sa paningi

