"Yaya... Daddy..." excited na tawag ni Lovelyn, nang matanaw ang ama na papalabas ng airport kasama ang yaya at isang nurse na tulak ang Dad niya na nakaupo sa wheelchair patungo sa kinaroroonan nila ni Wyatt. Nang hindi nakatiis si Lovelyn na makarating sa kinatatayuan nila, patakbo niyang sinalubong ang mga ito kahit na narinig n'ya ang pananaway ng Asawa, hindi naging hadlang kay Lovelyn ang nais na gawin. "Sweetheart, dahan-dahan lang," wika ni Wyatt sa kaniya. Ang bilis ng araw naka isang buwan na pala mula ng manggaling sila sa operation ng ama at ito nga nakabalik na sa bansa ang Daddy niya na ligtas. Lovelyn couldn't describe how she was feeling at that time umaapaw ang labis na kasiyahan sa puso niya, sa wakas panatag na siya na magaling na talaga ang ama. "Tigas ng ulo," N

