Kahit sa sasakyan hindi kinakausap ni Lovelyn itong katabi niya sa driver seat na si Wyatt. Mag contest pa sila ng patagalan sino mapapanisan ng laway bahala itong kinaiinisan n'yang asawa. Naiinis siya at the same time na pogian dito gusto nga niya itong kurutin nauunahan lang siya ng hiya. Bago pa matukso sa urong sulong n'yang isip minabuti na lamang niya abalahin ang mata sa bawat daraanan kaysa katabi n'yang asawa isipin pa nito okay na sila. Hindi niya maintindihan itong sarili kung side effect ba sanhi ng pagka himatay niya kahapon kaya may mood swing siya. 'Baka gano'n nga siguro sagot niya sa sariling katanungan.' "Hijo, maari ka pang pumasok sa office pagdating ng bahay 'wag ka nang mag-alala ako na ang bahala sa asawa mo," nang malapit na sila pumasok sa subdivision ng kinaroro

