Sh-t akala ni Lovelyn biro lang ng asawa niya ang himatayan effect pero damn! Tunay ngang nawalan ito ng malay mas natakot pa ito sa kaniya. Letsugas dapat siya ang nahimatay pero ano't inunahan siya nito. Kahit nasa gitna ng pag-ire si Lovelyn sa anak nilang panganay hindi maiwasan ang tumingin sa nakayupyop na asawa. Ang lakas ng loob na samahan siya sa loob pero wala naman palang tapang. "Ayan na Misis malapit na si bunso, konti pang push," ani ni Doktora sa kaniya. "Misis one more malapit na ang bunso n'yo. Ayan na isa pa misis, push pa, misis," utos muli ng Doktora ni Lovelyn, kahit hinang-hina pa siya dahil sa paglabas ng panganay nila pinagbuti ni Lovelyn ang pagire. "Uhm..." mahaba niyang sigaw at halos bumaon ang kuko niya sa kamay ng walang pa ring malay na si Wyatt. Malakas

