Nasa restaurant niya si Lovelyn ng araw na iyon upang dalawin ang negosyo nila ng kaibigan si Crissa. Magkikita rin sila ngayon dadalhin ang napaka-cute nitong baby girl. Madalng na ito pumarito hands on mommy ang bestfriend niyang 'yon at ilang araw na lamang ang aantayin magiging gano'n din siya sa darating n'yang mga babies. Work from home na si Wyatt, subalit may importante meeting sa office nito na kailangan ng presence nito kaya malaya siyang nakatakas kahit hindi siya pinapayagan nito na umalis at baka raw abutan pa siya manganak sa daan. E, sa tigas ng ulo niya walang nagawa ang pagbabawal nito. Na ngingiti pa nga si Lovelyn, nang halos umuusok ang ilong ng asawa niya pagtawag kanina. Sa kulit nito at palaging naka-check sa kalagayan niya napilitan si Lovelyn na i-off kanina ang

