Kinaumagahan nagising si Lovelyn na may nakaguhit na masayang ngiti sa kaniya labi. Sa pag-uusap nila ni Wyatt kagabi masasabi ni Lovelyn sa sarili niya tuluyan na siyang naka move on sa nakaraan. Kaya tinanghali siya ng gising at halos abutin ng madaling araw silang nag-usap ng asawa sa dami nang isiniwalat nito na kwento sa kaniya. Uminit ang pisngi ni Lovelyn, dahil sa labis na kilig doon sa part na nahulog sa alindog niya ang magkapatid na Wyatt. Diba? Haba ng hair niya simula pala talaga sa banggaan nila ng sasakyan kunwari lang si Wyatt, na galit daw sa kaniya pero 'yon pala may hidden desire sa kaniya may pa supladong image pang nalalaman ang asawa niya noong una nilang engkwentro pero gusto na pala talaga siya nito halikan. Nasabi na sa kaniya ng asawa wala nang itinatagong lihim

