Wyatt NANG gabing 'yon ay overtime si Wyatt, hanggang alas diyes ng gabi dahil sa nalalapit na pag-launch ng Santillan tower kung saan siya ang tumatayong head engineer ng nasabing project. Siya rin ang tumatayong COO ng kompanya nila at Daddy niya ang kasalukuyang CEO. Malapit na itong magretiro at siya ang papalit sa iiwan nitong p'westo habang ang kapatid n'yang nasa college ay siyang papalit sa kan'ya. Sobrang nababarkada ang kapatid niyang iyon maliban pa roon hindi talaga seryoso sa pagaaral madalas may trouble na siyang dahilan ng away ng Papa niya. "Sir, may tawag po kayo sa private number mo. Tumawag po rito kanina dahil hindi n'yo raw po sinasagot ang tawag," wika ng kan'yang secretary. "Sige po i-connect mo ako sa line abangan ko po para sagutin," wika ni Wyatt sa kaniya sekr

