"Saan ba kasi tayo pupunta Wyatt?" Gabing-gabi aalis sila, ibang klase din ang trip nitong asawa niya. Dahil ayaw naman nito siya sagutin nanahimik siya sa kinauupuan. Habang nasa biyahe naka idlip pala si Lovelyn, hindi niya namalayan na sa Santillan builders pala ang tungo nila. Anong gagawin nila rito ng gabi? Kahit ang mga tauhan ay unti-unti nang naglalabasan galing sa pag-overtime pero sila ng asawa ay papasok pa lamang. "H'wag mong sabihin na magtra-trabaho ka ngayon dahil kung Oo ay iiwanan kita rito!" irap niya sa katabing asawa. Hindi ito sumagot inalalayan lang siya bumaba ng kotse pagkatapos ay hinawakan sa kamay pagpasok sa loob ng Santillan builders. "Magandang gabi Sir, Wyatt at Ma'am Lovelyn," magalang na bati ng duty g'wardiya. Binati ito pabalik ng asawa pero siya t

