Dahil nakalimutan kong gagala kami ni Jeyan sa araw na 'to. Hindi ko tuloy naihanda ang katawan ko. Kung sana'y hindi ko nakalimutan, e 'di sana'y hindi ako naglasing nang naglasing kagabi. "Feeling exhausted already?" tanong agad ni Roiden nang tabihan niya ako sa bench na inuupuan ko. Hindi ako sumagot at nagpatuloy ako sa clover na kinakain ko. "Ganito pala 'yong feeling na may anak no?" Ilang sandali lang ay dagdag na sabi niya. Lumingon ako sa kan'ya at nakitang nakatitig na siya kay Jeyan na ngayo'y abala sa pakikipaglaro sa mga batang kaedaran niya. Hapon na at pauwi na dapat kami nang biglang magyaya si Jeyan na gumala rito kaya tumigil na muna kami rito at kinuha ko na rin ang tsansang makapagpahinga habang ini-enjoy ang masarap na simoy ng hangin sa parkeng ito. *Dalawang ta

