Kabanata 14

1562 Words
"Nag breakfast ka ba bago pumunta rito?” tanong ko kay Jeyan. Pasakay na kami ng kotse ni Roiden. Sasamahan niya raw ako sa schedule ko ngayon na ipasyal si Jeyan. Hindi ko alam kung paano niyang nagagawang magdesisyon na sumama sa amin ni Jeyan ngayon. Hindi ba siya natatakot na baka makita kami ng asawa niya? Kahit pa may ibang lalake itong si Vanilla... Ayaw ko pa ring isipin niyang kabet ako nitong asawa niya. "Opo. But I forgot to bring my milk," tugon ni Jeyan sa akin pagkatapos niyang maupo sa back seat. "Tumabi ako sa kan'ya at agad na humarap sa nakalingon sa aming si Roiden mula sa driver's seat. "Daanan muna natin siya ng gatas. Magkaka-world war three kapag ipinasyal natin siya na walang baong gatas." Ngumuso si Roiden, nagpipigil ng tawa ang gago. Sinasagad talaga ang pasensya ko. Malamig na mga mata ang ipinukol ko kay Roiden. "Anong mukha iyan, Mr. Pundales?" Bakas ang pagkakairita sa boses na tanong ko sa kan'ya. Tuluyan nang sumilay ang ngisi sa kan'yang labi. "Gwapong mukha, Ms. Flores." Humugot ako ng malalim na hininga saka iyon pasinghal na ibinuga. Halos maiyak na ako sa inis! Tinalikuran ako ni Roiden nang may ngisi pa rin sa labi saka niya binuhay ang makina. Nanatili ang iritadong tingin ko sa kan'ya. Kinalabit ako ni Jeyan kaya lumipad sa kan'ya ang atensyon ko. "Yes, baby?" "Bilhan mo rin po ako ng pagkain, Tita Ninang ha? Ha? Ha?" aniya habang nagpapa-cute pa sa akin. Natawa na lamang ako habang tinatanguan siya sabay gulo sa may kataasan niyang buhok. Kumuha ako ng suklay at rubber band sa maliit na back pack ni Jeyan. Mabuti na lamang at hindi nakakaligtaan ni ate ang pagpapabaon ng suklay at rubber band sa anak niya. Marahan kong sinuklay ang buhok ni Jeyan and then I tied it. Nagiging sagabal kasi ang may kahabaan niyang buhok sa mga mata niya. "Ayaw mong magpa-cut ng hair, baby? Mahaba na oh! Hindi bagay sa boys 'yong mahaba na buhok.* Mabilis at sunod-sunod na umiling si Jeyan. "Ayaw." "Okay then," pagsuko ko. Hindi ako mamimilit kung ayaw niya. Baka magkagulo pa. Umayos ako ng upo. Napansin ko sa rearview mirror ang paninitig sa akin ni Roiden kaya pinagtaasan ko siya agad ng kilay. "Nagpi-pills ka?" Out of the blue niyang tanong. Kumunot agad ang noo ko. "Anong klaseng tanong iyan? Of course hindi." "Why? Hindi ka takot mabuntis?" seryosong dagdag niyang tanong. Rick and I never tried contraceptives. We make love na walang kahit anong bala laban sa pagkakabuntis. Not even withdrawal. Isang taon na pero nagkahiwalay na lamang kami ay hindi pa rin ako nabubuntis. Hindi ko alam kung ano o sino ang may problema sa aming dalawa. "Isang taon kaming sumubok ng ex-boyfriend ko. Pero hindi ako mabuntis-buntis." Ngayon ay siya naman ang nagtaas ng isang kilay sa akin. "Bakit raw?* "I don"t know at hindi pa kami sumubok na magpa-check up sa obstetric gynecologist. At ano na namang tumatakbo ngayon sa utak mo at naitanong mo ang bagay na ito?" "I just wanna know if pwede ba akong mag donate ng sperm sa iyo," natatawang sabi niya. Marahas akong napabuga ng hangin. "Gago ka talaga!" naibulalas ko. Without thinking na may bata pala kaming kasama dito. "Gago! Gago! Gago!" panggagaya sa akin ni Jeyan. Jeyan is indeed a good imitator. Tinakpan ko agad ang bibig niya. Narinig kong humalakhak si Roiden pero mas itinuon ko ang atensyon ko sa bata. "Jeyan, huwag mo na ulit sabihin iyon ah? Bad iyon!* "If it is bad... Bakit mo sinabi?" Nanlumo ako. Hindi ko alam kung paano itong ipapaliwanag sa bata. Ang sarap niyang biyyan ng mahabang explaination pero tinatamad ako. "Kapag siguro nagkaanak ka, Terese—" "Shut up, Roiden!" pagpuputol ko sa kung anumang nais niya pang i-komento. Nagpigil na naman siya ng tawa. Maling desisyon yata ang isama siya sa araw na ito. Naging tahimik naman ang byahe namin matapos ang ilang minuto. Huminto sa isang department store si Roiden at agad niya akong pinigilan nang tangkain kong bumaba ng sasakyan. "Ako na ang bibili. Ano ba ang gatas niya?" "Promil, iyong pang three years old." Tumango si Roiden at aabutan ko na dapat siya ng pera pero kaagad na siyang nag jog papasok kaya hindi na ako nag abala pang tawagin siya para sa pera. Ibinalik ko na lamang iyon sa pitaka ko. "Is he your boy friend, Tita Ninang?" Ngumiti at tumango ako kay Jeyan. "Yes, baby. A friend. A boy... Friend." "Bakit hindi ko na nakikita si Tito Ninong?* He's pertaining to Rick. "May pinuntahan kasi si Tito Ninong mo." "Babalik pa po ba siya?" Panandalian akong naubusan ng isasagot at napakurap-kurap na lang habang nakatingin sa kan'ya. "I... I don't know. Maybe?" "Bakit hindi niyo po alam?" Napakamot ako sa ulo ko. "Bakit ang dami mong tanong?" "Hindi naman po..." Bumalik si Roiden at agad niyang iniabot sa akin ang malaking supot na dala. Isang 2kg na box ang binili niya at may mga naka-plastic bottle na mga juice, chichirya, at tsokolate pang kasama. "What the—" naibulalas ko matapos makita ang mga pinagbibibili niya. "Why? What's wrong?" inosente niyang tanong. "Ano ito, Roiden? Isang araw lang tayong gagala. Dalawang kilong gatas na agad ang binili mo? Pupwede naman na 'yong isang sachet na malaki!" "Anong problema sa dalawang kilo ng gatas, Terese? Hindi mo na naman na babayaran sa akin 'yan!" "Kahit na no! Nag-aaksaya ka ng pera!" "Pera ko naman iyong inaaksaya ko. Hindi naman iyo. Kapag hindi ka titigil sa kaka-reklamo hahalikan talaga kita sa harap ng pamangkin mo." Otomatiko akong natahimik at napatingin kay Jeyan na ngayo'y abala na sa mga tsokolateng binili ni Roiden. Pangisi-ngisi si Roiden nang bumalik siya sa pagda-drive. Pare-pareho na kaming tahimik sa buong byahe. Sinasabayan kong kumain ng tsokolate si Jeyan at paminsan-minsang nagpapang-abot ang mga namin ni Roiden sa rearview mirror. Iniirapan ko siya pero nginingisihan niya lang ako. "And we're finally here!" anunsiyo ni Roiden matapos ang matagumpay na pagpapa-park niya sa parking lot. "Hello again, Kidzania!* Puno not energy na sigaw ni Jeyan at nagmadali na agad sa pagbaba ng sasakyan. Agad rin akong bumaba at sumunod kay Jeyan. "Where are we going first?" tanong ni Roiden nang tumabi siya sa akin. "Sasama ka talaga sa amin sa loob?" tanong ko. "Yeah." "Why? Aren't you afraid? Baka may kakilala kang makakita sa atin, Roiden. At baka isumbong pa tayo sa asawa mo." "Wala iyan. This place is for kids, Terese. Kaya imposibleng may kakilala ako dito." Malakas ang kumpyansa ni Roiden. Wala raw. Maniniwala na sana ako kung hindi ko lang narinig na may tumawag sa pangalan niya galing sa likuran. "Roiden Pundales! What the hell, dude?" nakangising sabi ng kaibigan niya na minsan ko nang nakita sa bar niya noon. "Dwayne, what are you doing here?" Gulat na naibulalas ni Roiden ang kan'yang tanong. "May ipapasyal akong baby. Sheena, bilis!" sabay lingon nito sa kan'yang likuran. Naroroon ang isang babaeng kalalabas lang ng kotse niya. Maiksing palda ang suot nito at nakatube-top. Mukhang isang hawi lang sa suot niya ay mahuhubaran na siya. Nilingon ko si Roiden at Dwayne at pareho ang pinapakawalang ngisi ng dalawa. Alam ko na agad kung bakit nandito ang Dwayne na 'yan. "Dito talaga sa theme park na ito, dude?" "Mas maingay mas maganda. Mas may thrill," nakangising tugon ni Dwayne sa tanong ni Roiden. "Tita Ninang, let's go!" Hinihila na ako ni Jeyan kaya nagpapatianod na ako sa kan'ya. "Who is she? Siya na ba ang ipapalit mo kay Vanilla?" Narinig ko pang tanong ni Dwayne kay Roiden habang papalayo kami ni Jeyan. Hindi ko na narinig pa ang naging tugon ni Roiden o kung may itinugon ba siya roon. Pero hindi ko na gustong alamin pa kung anong itinugon niya. Ayaw kong maging magulo ang takbo ng utak ko. Natatakot akong baka kapag narinig ko ay magbago ang pag tingin ko kay Roiden. "Ba't kayo nang iiwan?" habol ni Roiden sa amin. "May kausap ka pa, 'di ba?" "Tss. Si Dwayne iyon. Ipinakilala ko na siya sa iyo last time 'di ba?" "Akala ko ba walang makakakita sa iyo dito na kakilala mo?" "Akala ko rin. Hindi ko naman alam na pati pala dito ay may koneksyon ang kaibigan kong iyon. Pati ba naman sa theme park na ito ay maghahasik siya ng lagim?" Kumunot ang noo ko habang pinakikinggan si Roiden. "Anong paghahasik ng lagim sinasabi mo?" "Hindi mo ba siya kilala, Terese? He is Dwayne Buenaventura. Kilala 'yon sa pagiging f**k boy!" "Oh?" may pagtataas ng dalawang kilay na tugon ko sa kan'ya. "Anong oh?" aniya. Tumaas ang isang gilid ng labi ko. Sarkastiko akong ngumiti sa kan'ya pagkatapos. "Birds from the same feather flock together nga naman talaga no? He's a f**k boy... You're a f**k boy. Kaya pala magkaibigan kayo." "Ang sama mong magsalita, Terese Flores! Loyal naman akong f**k boy," bulong niya sa akin. "I only f**k you. Gusto mo rin ba ng f**k dito? Sabihin mo lang at agad akong maghahanap ng pwesto," dagdag na bulong niya. "Tita Ninang! I want to be a pilot!" sigaw sa akin ni Jeyan. "Yes. Of course, baby. Tara doon tayo," sabi ko at agad nang umalis sa kinatatayuan namin. Iniwan namin si Roiden roon na ngayo'y hindi na matigil-tigil sa paghalakhak. Sarap bigwasan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD