"W-what are you doing here? Bakit nandito ka sa bahay ko? Papaano ka nakapasok?"
Natataranta kong tanong. Roiden just crossed his arms making me more annoyed.
"Anong ngini-ngisi ngisi mo d'yan? Sagutin mo ang tanong ko! Anong ginagawa mo dito?" singhal ko sa kan'ya.
"Kasabay mo akong pumasok dito sa bahay mo kagabi, Terese. Kinausap mo pa nga ako. Hindi mo naaalala?" inosente niyang tanong.
Kaloka! Magtatanong ba ako kung may naaalala ako? Hindi ko natatandaang kasama ko siya kagabi. E, hindi ba nga ay umuwi siya kasama ang asawa niyang si Vanilla? I remember na nagha-hallucinate pa ako kagabi...
"Hindi ba hallucinations iyon?" Wala sa sarili kong naitanong.
I heard him chuckled. Otomatiko ko siyang pinanlisikan ng mga mata.
"What's funny?*
"You're cute."
Napaiwas ako ng tingin. s**t! Para akong college student na agad kinilig sa simpleng compliment na iyon. Ano na, Terese? Iyon pa lang... Tumitiklop ka na? Ang weak talaga.
"Get out of my house, Mr. Pundales!"
Padarag akong naupo muli at saka muling humigop ng kape. So siya pala ang nagtimpla nito at ang naghanda ng breakfast ko.
Taliwas sa iniutos ko sa kan'ya ay naupo si Roiden sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Naniningkit ang mga matang pinanood niya akong humigop sa kapeng gawa niya.
"Masarap?"
"I told you to get out, bakit nandito ka pa rin?"
"Ayos lang sa iyo na lalabas ako mula sa bahay mo na nakaganito lang?"
Napatingin ako sa dibdib niyang namumula bago ako napatingin sa suot ko. Kumpleto pa rin naman ang suot ko. Iyong kagabi pa rin.
Gosh! Hindi pa ako naliligo at amoy alak pa ako.
Mabilis akong tumayo at agad na tumakbo papuntang banyo. Humarap ako sa salamin at nakitang sabog na sabog pa ang buhok ko. Mabuti na lang at walang morning star ang mga mata ko.
"Hey! Nasusuka ka pa rin ba?* Narinig kong sigaw ni Roiden mula sa labas.
"Umuwi ka na Roiden! Bakit nandito ka pa rin? Nasaan ba ang asawa mo?" sigaw ko pabalik.
Naghilamos ako at ilang sandaling nag isip kung maliligo na ba o mamaya na. Wala akong dalang damit dito sa loob. Kung sakali mang maliligo ako, eh 'di lalabas akong nakatuwalya? Tapos nand'yan si Roiden sa labas? Eh 'di namanyak pa ako?
"Kung lumabas na lang kaya muna ako at kukuha muna ng damit?" mahinang bulong ko habang nakatitig sa salamin.
"Maliligo ka na ba?"
Agad akong napalingon sa pintuan ng banyo. Bakit nais niyang malaman kung maliligo na ba ako?
"You're not yet done with your breakfast, Terese. Wala ka na bang hangover?"
Ugh! Nakakainis! Bakit ba kasi nandito siya?
"Ihahanda ko na ba ang damit na susuotin mo? What do you prefer? Pambahay o pang alis? May OOTD ka rin ba kahit nasa bahay lang?"
Damn, Roiden!
Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko.
"Maliligo na ako. Ipaghanda mo ako ng damit na kahit anong makita mo."
"Okay, madame!" mabilis na tugon niya. Halatang nakangisi siya nang sabihin niya iyon.
Marahas pa akong bumuga ng hangin bago nagtungo sa shower at binuksan iyon. Pikit mata kong dinama ang bawat patak ng tubig sa mukha ko.
This time nandito na ang asawa niya. Hindi dapat ako nagpapadalos-dalos sa mga ikinikilos ko. I know that this isn't right. Alam ko iyon! Hindi na ako kailangan pang pagsabihan ng kahit sino dahil ako mismo ay alam na mali ang sitwasyong pinasok ko.
Pero nandito na ako. Hindi na ako aatras. Ang tanging iisipin ko na lamang ay... Hindi ako kabet. Magkaibigan lang kami ni Roiden. With benefits. No strings attached. Walang feelings na involved.
Nakatapis na ako ng tuwalya nang buksan ko ang pintuan. Tumambad agad sa mukha ko ang nakatuping damit na inihanda ni Roiden.
"D'yan ka na sa loob magbihis," aniya.
Pabalang kong tinanggap ang damit na inaabot niya. Itinaas-taas pa niya ang dalawang kilay niya habang nakangisi sa akin bago siya nagbaba ng tingin sa dibdib ko.
"Manyakis!* singhal ko sa kan'ya saka ko binagsakan ng pintuan.
"Aww! Kamuntikan na ilong ko do'n ah!" Narinig kong reklamo niya.
Agad akong nagbihis. Pagkalabas ko'y nakabihis na rin ng muscle tee at beach shorts si Roiden. Bagong ligo rin siyang tulad ko at umaalingasaw ang amoy ng shower gel ko.
"Ginamit mo 'yong shower gel ko?" Agad na bungad ko sa kan'ya.
Nakaupo siya sa higaan ko habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa likuran.
"Malamang! Wala naman akong dalang gamit maliban dito sa suot ko."
"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko at naupo na sa vanity kaharap ng kama.
"Last night..."
Napairap agad ako. Don't tell me pag uusapan namin ang tungkol sa pagdating ng asawa niya?
"What about last night?" tanong ko nang hindi niya itinuloy ang kan'yang sinasabi.
"I heard you talked about me still having feelings for you."
"Oh!" Natigilan ako at marahang naibaba ang lagayan ng day cream na hawak ko. Ang isang kamay kong may cream ay naiwan sa ere. Tumingin ako kay Roiden mula sa salamin at nakitang nakatitig na pala siya sa akin.
"Are you still have feelings for me, Terese?" seryosong tanong niya nang hindi nag aalis ng tingin.
Umawang ang labi ko. Nilamon kami ng panandaliang katahimikan. Anong klaseng tanong ito? Labag ito sa rules... We shouldn't talked about each other's feelings.
Sarkastiko akong humalakhak matapos ang ilang sandali.
"Iyong kagabi... Dare lang iyon sa akin nina Sasha at Gwyneth. They just want to see if you still have feelings for me by kissing you. But I know wala na, Roiden. I was about to kiss you last night but your wife happens."
Bago ako nag iwas ng tingin ay nakita ko pa kung paanong nag igting ang kan'yang panga.
"Malalaman mo ba talaga ang feelings ko sa pamamagitan ng paghalik? We even had s*x, Terese. Nalaman mo ba?"
Nagpatuloy ako sa paglalagay ng cream sa mukha ko.
"Hindi. I don't wanna know either."
Hindi niya ako sinagot. Pagkatapos kong maglagay ng cream ay umikot ako upang maharap siya.
"Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo? Kung kagabi ka pang nandito... Malamang ay hinahanap ka na no'n."
"Hindi niya ako hahanapin. Mas'yado siyang abala sa ibang bagay para mapansing wala ako sa bahay namin."
Ibig sabihin wala rin sa bahay nila ang asawa niya. Kawawa ang bahay nila kung gano'n.
"Now that your wife is back. Pwede mo na akong tigilan, Roiden. Malapit na siya sa iyo. She can do the job na."
Sarkastikong natawa si Roiden. "She's having an affair with my brother, Terese. So she can't do her duties to me."
Natigilan ako. Laglag ang panga akong napatitig Kay Roiden. Kitang-kita ko kung paanong nag alab ang apoy ng galit sa kan'yang mga mata nang sabihin niya iyon.
Hindi ko alam kung anong itutugon ko. Wala akong ideya kong paano siyang ico-comfort. O kung kailangan ko ba siyang i-comfort. I didn't see this one coming. Nabigla ako.
"I... I am sorry," mahinang sabi ko.
Tumawa lamang si Roiden. Napabuga ako ng hangin. Biglang nag ingay ang doorbell ng bahay kaya agad akong napatayo.
"D'yan ka lang!" agad na sabi ko sa kan'ya nang tangkain niyang tumayo.
Tumayo ako at agad na lumabas ng kwarto upang tingnan kung sino ang nag do-doorbell at mukhang sisirain pa yata ang doorbell ko. Nakakabingi ang paulit-ulit na pag pindot na ginagawa niya. Tila ba gigil na gigil!
"Ano ba! sino ba 'yan!?" sigaw ko habang naglalakad sa bakuran.
"Tita ninaaaang!"
Bumulaga sa akin ang nakangiti ng malawak na pamangkin ko pagkabukas ko ng gate. Doon ko lang naalalang nangako pala ako sa kan'ya na gagala kaming dalawa ngayon.
"Jeyan!* Naibulalas ko.
"May bisita ka?" tanong ni Ate Irene at nililingon pa ang sasakyan ni Roiden na nakaparada sa gilid ng kalsada.
"Uhh..."
"Nevermind, Terese. Mamamasyal kayo ni Jeyan ngayon, right? Can you promise me the whole day? May biglaang catering kasi ako. Ikaw na bahala sa anak ko ah? Huwag mong iwawala," sabi niya at agad nang bumalik sa kan'yang sasakyan saka iyon pinaharurot paalis.
Tila hindi ko pa naipo-proseso ang mga pangyayari. Hinila ako ni Jeyan papasok sa loob na bahay kaya napasunod ako sa kan'ya.
And then I remember, Roiden.
I know Jeyan's just three pero masyadong matalino ang batang ito.
"You're just wearing your dolphin shorts, Tita Ninang? Hindi ba tayo aalis?"
"Who's he?" tanong ng kabababa lang na si Roiden.
"Ate Irene's son. Pinangakuan ko siyang ipapasyal ko siya ngayon sa Kidzania," tugon ko.
Pinaupo ko si Jeyan sa couch at saka ko ibinigay ang iPad ko para may pagkaabalahan siya sandali. Maraming naka-install na pang batang apps roon at sa edad niyang tres ay alam na niya kung saan hahanapin ang mga paborito niyang applications.
"Aalis kayo? What about my schedule?"
"Oh my god, Roiden! Stop talking about schedule! I'll just call you na lang."
Nalukot ang mukha niya. "What? Ano ako call boy? Paano kapag kailangan kita? Ano? Maghihintay pa rin ako sa tawag mo?*
"No! Malamang ay tatawagan mo ako."
"Ano ka, call girl?"
"Bwiset na 'yan, Roiden! Saka na tayo mag usap. May bata pa akong kailangan bantayan!"
"Nanay na nanay ang datingan ah!" sabay halakhak niya.
"Bwiset! Bwiset! Bwesit!" Jeyan chanted.
Na-alarma ako at agad na tinakpan ang kan'yang bibig. Mas lalong humalakhak si Roiden.
"Hindi ka pwedeng maging ina. Bad example ka!"
Inis ko siyang pinanlisikan ng mga mata pero mas lalo lang siyang natawa.