Kabanata 12

1584 Words
Marahas kong inalis agad ang mga kamay ni Roiden na nakapatong sa magkabila kong balikat matapos marinig ang bulong niyang iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan ko at nakitang nakatulala sila habang nakangiti sa mukha ni Roiden. Sobrang hina ng pagkakabulong na iyon ni Roiden sa akin. Isama mo pa ang malakas na tugtog mula sa stereo. Kaya sigurado akong hindi iyon umabot sa pandinig ng mga kaibigan ko. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit ganito na lamang sila kung makatitig at makangiti kay Roiden. "Long time nga... Ilang years na nga ulit?" nakangiting tanong ni Roiden sa kanila. "Six, seven? Sobrang tagal na. Huling kita natin no'ng graduation pa," tugon ni Sasha. "That's because nag Batanes ako pagkatapos ng graduation. Ilang taon din akong nanatili roon," sabi naman ni Roiden. Tumikhim si Gwyneth at agad akong pinagkunutan ng noo. Kumunot rin ang noo ko habang nakatingin sa kan'ya. Nagtaas siya ng isang kilay. Para bang sinisenyasan ako. Mas lalong kumunot ang noo ko. Tumabi siya sa akin at agad na kinurot ang tagiliran ko. Napadaing ako sa ginawa niya. "Ano ba, Gwy?" reklamo ko. "Girl, iyong dare. Nakalimutan mo na?" bulong niya sa akin at pinandilatan pa ako ng mata. Umawang ang labi ko. Napatingin ako kay Roiden at Sasha na nag uusap at mukhang binabalikan 'yong mga nangyari noong college. Humugot ako ng malalim na hininga. Saka ako kagat labing humakbang palapit kay Roiden. Hinawakan ko siya sa braso upang kunin ang atensyon niya at humarap siya sa akin. "Roiden..." Naroroon pa ang multo ng ngiti sa kan'yang labi nang harapin niya ako. Marahan akong nagbuga ng hangin habang nakatitig ako sa mapupula niyang labi. "Yes, Terese?" "Uhh..." Pumikit ako ng mariin. Ilang sandali akong nag ipon ng lakas ng loob para isagawa 'yong nakakalokang dare ng mga kaibigan ko. "I just wanna know if you still have feelings for me..." sabi ko sabay hawak sa kwelyo niya. Hihilahin ko na dapat siya palapit sa akin upang halikan. Pero natigilan ako nang biglang may yumakap kay Roiden mula sa kan'yang likuran. "I missed you, Baby!" Kitang-kita ko kung paanong manlaki ang mga mata ni Roiden. Napalunok ako kasabay ng paghila sa akin ni Gwyneth at Sasha. "V-vanilla!" Naibulalas ni Roiden matapos niyang harapin iyong babaeng bigla bigla na lang yumakap sa kan'ya. "Yes, Baby! It's me..." Hinalikan niya si Roiden sa labi nito. Malalim ang halik na iyon at hindi mababaw. Halatang na-miss nila ang isa't-isa. "Wrong timing yata tayo girl." Humahagikhik sa gilid ko si Sasha at Gwyneth. Naningkit ang mga mata ko nang mapagsino 'yong babaeng yumakap kay Roiden. Siya 'yong babaeng binigyan ko ng lipstick kanina sa CR. Bigla ay nilukob ako ng inis. Bakit hindi ko siya namukhaan? Nakita ko na ang mukha ng asawa ni Roiden sa wedding picture nila. Bakit hindi ko 'yon natandaan? Nag iwas ako ng tingin at naupo na lamang sa isang stool malapit sa akin. "Gusto mo po ng drinks, ma'am?" tanong sa akin no'ng bartender. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya kung saan nakadikit ang kan'yang name tag. His name is Jon. "I want the s*x in the driveway, Jon. Bigyan mo ako ng gano'n." Ngumiti sa akin iyong bartender saka siya umalis sa harapan ko upang gawin ang inumin ko. "Hindi mo ba ako na-miss?" Narinig ko ang malakas na boses na iyon ng asawa ni Roiden. "Let's go get out of here," tugon naman ni Roiden. Hindi na ako nagtangka pang magbalik ng tingin sa kanila. Naramdaman ko ang pag upo ni Gwyneth at Sasha sa magkabilang gilid ko. "Nakaalis na," anunsiyo ni Gwyneth. "Ang tagal mo kasi... Naunahan ka tuloy," patutsada ni Sasha habang nakaplaster ang nakalolokong ngisi sa kan'yang labi. "Naunahan saan? Mabuti na nga lang at hindi ko pa nahahalikan 'yong tao. Dahil kapag nagkataon na iyon ang naabutan no'ng asawa niya ay siguradong gulo ang kasasangkutan ko," mahabang sabi ko. Humalakhak si Gwyneth. Kunot-noo ko siyang nilingon. "Pahamak kasi talaga kasi 'yang dare niyong 'yan, e!" singhal ko sa kan'ya. "Aba aba! Bakit mukhang kasalanan pa namin? E, pumayag ka naman 'di ba?" Napairap na lamang ako. Oo na at pare-pareho lang naman kaming may kasalanan. Hindi ko lang talaga alam kung saan ko ibubunton ang inis na nararamdaman ko ngayon. Napahiya ako sa harap ni Roiden kanina. At saka bakit nandito na agad ang asawa niya? Ang akala ko ba'y ilang araw pa mula ngayon ang dating niya? "Bakit mukhang iritado ka yata?" si Gwyneth. "No, I am not." Eksaktong inilapag ni Jon ang inumin ko. Napatitig ako roon at bahagya pang inikot-ikot ang glass straw. "Enjoy your drink, Ma'am Terese." Nag angat agad ako ng tingin kay Jon nang narinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Bakas ang pagtataka sa mukha ko pero nginitian niya lang ako. "Anong drink 'yan? Ang cute ng kulay!" si Sasha. "s*x in the driveway po 'yan, ma'am. Isa po 'yan sa best seller namin rito. Gusto niyo rin po?" "Sige nga. Bigyan mo rin kami." "Ang cool ng pangalan ah!" natatawang saad ni Gwyneth. "Anyway, ang ganda pala ng asawa ni Roiden no?" si Sasha. Tss! Hindi hamak naman na mas maganda ako doon. She's got white and pale skin. Iyon lang ang lamang niya sa akin. Mas maputi lang siya kumpara sa akin pero mas maganda pa rin ako. What the hell? Bakit ko ba ikinokompara ang sarili ko sa kan'ya? Who cares kung sinong mas maganda sa amin? Damn it! Ano na ba itong pinag-iiisip ko? "Ganoon naman talaga ang mga type ni Roiden. At saka sa gwapo niyang iyon, malamang ay makakabingwit talaga siya ng maganda," tugon naman ni Gwyneth. "Mas gumwapo si Roiden ngayon no? Kamuntikan ko na siyang hindi makilala." "Parang gusto ko na tuloy magpa-reunion sa batch natin. Gusto kong makita ulit iyong mga mukha ng mga kaklase natin noon." "Huwag na no!" agad na angal ni Sasha. "Bakit? Natatakot kang baka magpang-abot na naman kayo ng mga ex mo? Kalokohan mo rin naman kasi e. Para kang itong si Terese. Nangongolekta ng lalake!" "At least I graduated with flying colors," mayabang na sabi ko. "Ako, at least I graduated," natatawang sabi ni Sasha. "Kamuntikan pa ngang hindi," panunukso ni Gwyneth. Nagtawanan kami dahil sa pinag uusapan. Nahinto lang nang dumating ang drinks ng dalawa. Nagyaya si Sasha na bumalik sa table namin kaya iyon ang ginawa namin. Failed iyong dare but we enjoyed the night naman. Ramdam na ramdam ko 'yong pagod ko pagkadating ko sa bahay. Ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa water bed ko. Gosh! Kahit sa pagpikit ay umiikot ang paningin ko. "Napasobra ka yata sa pag inom at mukhang lasing na lasing ka." Ah huh! Maging sa panaginip ay hinu-hunting ako nitong si Roiden. "Mmm..." ungol ko sabay yakap sa unan ko. Gusto kong bumangon at lumipat sa couch. Mas lalo akong nahihilo dahil sa alon na nararamdaman ko sa higaan ko. Pero tinatamad na akong bumangon. s**t! Bakit napasobra ako sa alak? "Ungol mo pa lang nasasarapan na ako, Terese." "Ughh! Get out of my head, Roiden Pundales! Bakit ba naririnig ko 'yang boses mo!?" Inis na sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko. Narinig ko ang paghalakhak ni Roiden kaya natigilan ako. This is not hallucinations! Totoong halakhak ang naririnig ko. Hilong-hilo man ay bumangon ako at pinilit ang sariling abutin ang switch ng ilaw. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa inaantok kong mga mata ang gwapong gwapo na si Roiden. Nasapo ko ang ulo ko. Nararamdaman kong tumitibok-t***k iyon na para bang puso. Ipinikit ko ang mga mata ko at ibinagsak ko ang sarili ko sa sahig. "I'm sure nag ha-hallucinate lang ako dulot ng kalasingan." bulong ko sa sarili. "But of all people? Bakit si Roiden pa? Pwede namang si Rick na may dalang pera para sa akin. Tsh!" Ang huling naaalala ko ay bumagsak ako sa sahig. Pero agad akong nagtaka nang nagising ako sa mismong higaan ko. Naipikit ko ulit ng mariin ang mga mata ko matapos kong masilaw sa sikat ng araw na lumalagpas sa puting sheer curtain na nakasabit sa glass door patungong balcony. Nang magdilat akong muli ay idinahan-dahan ko na. Ipinagtaka ko ang bukas na glass door. Naiwan ko pa yatang bukas ito kagabi. "Next time, hindi na talaga ako maglalasing," bulong bulong ko habang naglalakad patungo sa balcony. I need fresh air. Baka sakaling mawala ang hangover. Kumunot agad ang noo ko nang salubungin ako ng masarap na amoy ng pagkaing nakahain sa round table ko dito sa balcony. Nandito ba si ate? Ang sweet naman niya kung ganoon at nagawa pa akong hatiran ng breakfast dito. May egg, bacon, sausage at fried rice na nakahain sa mesa. At may isang baso rin ng black coffee na siguradong para sa hangover ko. Makakatikim talaga si ate ng pera mula sa akin mamaya. Naupo ako sa upuan at agad na uminom ng kape. Sa unang tikim pa lang ay nabuhay na agad ang lasing kong kaluluwa. "Sobrang sarap ng kape na ito. At siguradong hindi si Ate Irene ang nagtimpla." Hmm... Who could it be? Inilapag ko ang baso na hawak ko at saka ako tumayo upang hanapin si Ate Irene sa baba. Pero kakapihit ko pa lang patalikod ay nanlaki na agad ang mga mata ko matapos kong makita ang walang t-shirt na si Roiden. Na tanging boxer shorts at apron lang ang suot. "Good morning, sleepyhead!" Fuck this! Anong ginagawa niya dito? Papaano siya nakapasok sa bahay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD