Kabanata 11

2000 Words
Mabibigat ang mga hakbang ko habang papasok ng bar ni Roiden. Siksikan ang mga tao at may mga lasing pang kahit maluwag naman ang daan ay sinasadya ka talagang banggain. "First time kong pumasok dito kasama ka, Terese..." si Sasha na hindi na mapigilan ang hindi mapasayaw habang naglalakad papasok. Nasa entrada pa lamang kami ay maririnig na ang malakas na tugtog na nagmumula sa naglalakihang stereo mula sa loob. Si Sasha ay isang make-up artist. Madalas ay nasa mga tapings siya ng kung sino-sinong artista. While Gwyneth on the other hand is a freelance model. Parehas kaming tatlo na mahilig sa clubs and parties kaya iyon ang madalas naming ginagawa noong college. Minsan ay binibisita nila ako sa Italy kapag hindi hectic ang mga schedule nila. Pero no'ng bumalik ako dito sa Pilipinas kasama si Rick ay hindi na ako muling nakakapunta sa mga galaan at nakakasama sa kanilang dalawa. Rick was a strict boyfriend to me. Pero hindi ako nagrereklamo tungkol sa bagay na 'yon. Naiintindihan ko naman kasing para sa ikabubuti ko at sa relasyon namin ang lahat ng ginagawa ni Rick. "Siyempre malaya na 'yan, eh!" si Gwyneth. Naupo kami sa napiling couch ni Sasha. Paletrang c iyon na may maliit na parihabang lamesa sa gitna. "Ngayong malaya ka na, Terese? Anong feeling?" tanong ni Sasha. May dumulog agad na waitress sa table namin at agad na tinanong kung anong nais naming order-in. Si Gwyneth ang sumagot no'n. Kaya nagkaroon ng pagkakataon si Sasha na tanungin ako. "Siyempre masaya," sabi ko. Totoo naman talagang masaya 'yong malaya ka. I just realized that I almost lost half of my life. Kung natuloy pala ang kasal namin ni Rick at natali ako sa kan'ya... Hindi ko na pala talaga mararanasan ulit ang buhay na ganito. My night life. "Ngayon na-realized mo na no? Na mas'yadong mahigpit 'yang si Rick sa 'yo. That's why noon pa man ay hindi ko na talaga siya gusto para sa 'yo. Pero sinuportahan pa rin kita kasi mahal mo 'yong tao. Pero kung ako talaga ang nasa sitwasyon mo ay matagal na akong nakipaghiwalay sa kan'ya. Nakakasakal kaya 'yong gano'n." "Pero wala naman akong problema sa gano'n, Sasha. Mahal ko si Rick kaya kung gusto niyang manatili lang ako sa tabi niya at huwag nang gumala ay pipiliin ko pa ring sundin siya." "Ang boring ng relationship niyo. Ano ba 'yan! Hindi ka ba nasasakal sa gano'n? Lahat na lang ng bagay kontrolado niya." Umiling ako. "Hindi. Kasi mahal ko nga siya at gusto ko rin naman ang gano'n. Nasasakal lang naman ang isang tao kapag salungat ang nais niya sa nais ng karelasyon niya." "Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit nakipaghiwalay siya sa 'yo at iniwan ka na lang basta gayong lahat naman ng gusto niya ay sinusunod mo," singit ni Gwyneth. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko talaga yata maiiwasan ang ganito. Kahit isang linggo na ang dumaan ay napag uusapan pa rin namin ang tungkol sa hiwalayang naganap sa amin ni Rick. This is the disavantage of having an open relationship. Iyong kulang na lang ay alam ng buong mundo ang tungkol sa relasyon niyo. Kaya kapag may hiwalayang naganap ay talagang talk of the town kayo. Mabuti na nga lang at hindi sa mismong araw ng kasal ako iniwan ni Rick. Kasi kapag gano'n... mas nakakahiya at mas mahirap tanggapin. "Hayaan niyo na. Gano'n naman talaga ang buhay. Hindi lahat ng bagay pabor sa atin. Ano ba kayo!? Nandito ba tayo para pag usapan 'yan?" "Of course not! Remember the deal?" Natatawang sabi ni Sasha. "You know what, Terese. Kung sana talaga hindi ka umalis noon... Mas gusto ko talaga si Roiden para sa 'yo, e. Tsk!" "Gwy, kasal na 'yong tao. Don't you ever forget that!" sabi ko. "Hindi ko naman nakakalimutan no! Sinasabi ko lang. Mahal na mahal ka ni Roiden noon, e." Hindi ko alam kung anong nangyari kay Roiden after graduation. Walang ibinalita sa akin ang mga kaibigan ko tungkol sa kan'ya. Hindi rin ako nakatanggap ng mensahe galing kay Roiden. All I had was a letter from him saying that I should forget about him and moved on from my life. And that he will do the same. That is why I had no idea on how deeply in love he was to me before. "Noon... May iba na siyang mahal ngayon. Come on guys! Move on!" saad ko. Dumating ang drinks na in-order ni Gwyneth. Kaya panandaliang napunta roon ang atensyon namin. Ilang sandali lang ay may lumapit sa aming dalawang nag-ga-gwapuhang lalake na halata sa mga mukha na may lahing banyaga. Nakangisi ang isa sa dalawang lalake at agad na dumiretso sa gitna ni Sasha at Gwyneth. "The name is Direk," pagpapakilala nito kay Sasha sabay lahad ng palad rito. "Sasha..." tugon naman ng kaibigan ko sabay tanggap sa kamay nitong si Direk. "And you are?" sabay harap nito kay Gwyneth. Tipid na ngumiti si Gwyneth. "Sorry but I am not here for that. My friend Sasha will entertained you so if you don't mind... lubayan mo ako." Well... That's a bit harsh. Ngumuso ang lalake sa naging tugon ni Gwyneth pero mukhang nirerespeto naman nito ang gusto ng kaibigan ko at pinili na lamang niyang kausapin si Sasha. The other guy's still standing in front of me. Naroroon ang kaliwang kamay niya sa kan'yang batok at marahang kumakamot roon. Hindi ako tanga para hindi makuha ang nais niyang ipahiwatig. Halata sa mukha niyang gusto niyang makipagkilala sa akin pero sad'yang mahiyain siya. Sumipol ako at uminom ng isang shot bago ko kinuha ang ipad ko at doon ko itinuon ang aking atensyon. Kung nahihiya siyang magpakilala sa akin ay bahala siya. I may be easy to get pero hindi ko ugali ang nagfi-first move sa lalake. "Anton! Come on! Wala kang makukuhang babae kung gaganyan-ganyan ka!" Narinig kong paninita no'ng Direk kay Anton. Kabubukas ko pa lang sa account ko at agad nang bumungad sa akin ang mukha ni Roiden. He's f*****g video calling me! Agad kong pinatay ang ipad ko. Kunot-noo naman akong tiningnan ni Gwyneth. Malalaman pa yata ng mga kaibigan kong may contact pa ako kay Roiden. s**t! Ise-sekreto ko nga dapat 'to. Pero mukhang mabubuking pa ako. Ano ba kasing pumasok sa kukote ko at naisipan kong mag online? "Who's calling you? Mukhang lalake iyon ah!" si Gwyneth. "Possible buyer ng condo," agad na tugon ko. Well, I am good at lying kaya nakumbinsi ko agad si Gwyneth. Tumango siya at hindi na muling nagtanong. Tumayo si Sasha kasabay no'ng Direk. Nagpaalam silang dalawa na sasayaw daw. Tumayo rin ako upang magtungo sa ladies room. Bakas ang pag alma sa mukha ni Gwyneth pero hindi ako nagpapigil at agad nang umalis. Naiwan tuloy siya kasama no'ng Anton. Bahala siya. Ako : Why are you trying to call me? Agad na mensahe ko kay Roiden nang nakapasok ako ng ladies room. Kaka-send ko lang at agad rin niya itong nabasa. Halatang naka-abang siya sa mensahe ko. Roiden : Where are you? Ako : Bakit gusto mong malaman? Roiden : I'm bored. Pwede ba tayong magkita? Ako : Busy ako. Roiden : Isali mo kasi ako sa schedule mo para alam ko kung kailan ako pwedeng mangulit. Roiden : Ano bang schedule ko sa 'yo? Roiden : Pwede bang MWF? Hindi ako naka-reply at kunot na kunot ang noo ko habang nakatitig sa screen ng ipad ko. Kailangan ba talagang may schedule-schedule 'yong ganito? Noon naman ay wala kaming schedule na sinusunod. Basta kung saan kami aabutan ng kakatihan ay doon na. Pero ngayon... Ganito ba talaga kapag may kani-kan'yang buhay na? Feeling ko talaga ginagawa akong kabet nitong si Roiden. Kung hindi lang talaga sa sinabi niyang no strings attached ay maniniwala na talaga akong kabet nga ako. Putcha! Ako : Nasaan ka ba? Inilapag ko nang panandalian ang ipad ko at dumukot ako ng pulang lipstick sa purse na dala ko. Marahan akong naglagay sa labi ko. Mula sa labi kong namumula ay agad na lumipad ang paningin ko sa kulot at maputing babaeng tumabi sa akin. Hindi niya ako napansin kasi abala siya sa paghahalughog sa sling bag na dala niya. "Damn! Naiwan ko pa yata..." bulong niya. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng lipstick. Muling lumipad ang paningin ko sa babae nang humarap siya salamin at naglagay ng foundation. Napatingin siya sa akin kaya halos mapatalon ako sa gulat. "I-im sorry for staring. Hindi ko sinasadya..." sabi ko. Ngumiti siya sa akin. "It's rude. But it's okay." Ngumiti rin ako pabalik. Napatingin siya sa lipstick na hawak ko kaya napatingin din ako roon. "I forgot my lippie. Nasa luggage ko yata. Namumutla kasi ako galing pa akong airport. I wanna surprise someone in here but I looked very unpleasant. If you don't mind..." Matamis ang naging pagngiti ko sa kan'ya bago ko dinukot sa purse ko ang extra red lipstick ko na hindi ko pa nagagamit. "Hindi ko pa nagagamit ito. Sa iyo na lang," sabay abot ko sa lipstick. "Oh my god! Wait, babayaran kita," sabi niya matapos tanggapin ang lipstick na inaabot ko. "Naku! Hindi na kailangan." "Are you sure?" Tumango ako at pinulot na ang ipad kong nakalapag sa tiles. "Thank you, ah!" Muli akong ngumiti sa kan'ya. "Walang anuman. I should go," pagpapaalam ko at agad nang naglakad palabas ng powder room. "Yeah. See you around! Uhh... Wait, what's your name?" tanong niyang hindi ko na nasagot dahil tuluyan na akong nakalabas. Bumalik ako sa table namin at nakitang naroroon pa rin iyong Anton na ngayo'y nakaupo na sa tabi ng nakabusangot na si Gwyneth. "Ang tagal mo!" reklamo niya agad nang nakita ako. Tumayo siya at agad akong hinawakan sa palapulsuhan. "Let's go find that Sasha," aniya sabay hila sa akin papunta sa dance floor. Nagpatianod ako sa kan'ya at hinayaan siya sa nais niyang mangyari. Hindi rin naman naging matagal ang paghahanap namin at agad rin naming nakita si Sasha na malanding nakikipagsayawan doon sa Direk. "What?" natatawa pa nitong tanong matapos siyang hilahin ni Gwyneth. "May dare pa tayo kay Terese 'di ba? Tapusin na muna natin 'yon! Bago ka makipaglandian dito sa dance floor!" Akala ko'y nakalimot na si Gwyneth... Hindi pala. Imbis na bumalik sa table ay nagdiretso kami sa bar counter. Napataas agad ang dalawang kilay no'ng bartender nang nakita ako. "Nasaan ang amo mo?" diretsong tanong ni Gwyneth. Hindi man lang naisipang magpaka-polite. "Po?" tanong no'ng bartender at nagawa pang magnakaw ng tingin sa akin. "Si Roiden Pundales ang may ari ng bar na ito 'di ba?" tanong ni Sasha. Tumango naman 'yong bartender. "O-opo..." "Nasaan siya? We want to meet him," ani Gwyneth. Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko bago ko binuksan muli ang ipad ko. Umatras pa ako ng kaunti para lang hindi makita nina Gwyneth at Sasha kung sinong ka-chat ko. Maybe I should bring my cellphone from now on kaysa dito sa ipad. Masyado kasi itong malaki. Hindi pwede sa mga taong may sekreto katulad ko. Damn it! Kailan pa ako natutong mag sekreto sa mga tao sa paligid ko? Ngayon lang. Ngayon lang talaga! Kasalanan ito ni Roiden Pundales. As I was about to open Roiden's message ay may biglang humawak sa magkabilang braso ko. "Bakit ninyo ako hinahanap?" baritono ang boses na tanong niya. Tumalikod ako at nakita si Roiden na nakatutok ang mga mata sa mga kaibigan ko. "Roiden!" masiglang saad ni Gwyneth. "Long time no see!" si Sasha. Kumunot pa ng ilang sandali ang noo ni Roiden bago siya nagpakawala ng pilyong ngisi. "Nice to see you again, Sasha and Gwyneth." Bumaba siya ng kaunti sa lebel ng tainga ko at marahang idinikit ang labi niya roon. Bagay na agad ikinabigla ko. Agad na naghuramentado ang puso ko. "And it was very very nice to see you again, Babe." namamaos ang boses na bulong niya sa akin. Kairita itong si Roiden! Alam na alam talaga kung paanong gisingin ang natutulog kong kalandian. -- Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD