"Two slice of dark chocolate cake with buttermilk pecan frosting, one americano for Gwyneth, and one capuccino for Sasha. Enjoy your sweets mga madame," nakangising saad ko bago naupo sa bakanteng upuan sa gitna nilang dalawa.
"This is very fabulous, Terese! Ang ganda ng pagkakagawa mo sa cake," ani Sasha.
Sarkastiko ko siyang nginitian. "Tss! Kahit sabihin mo pang iyang cake na 'yan ang pinakamasarap sa buong mundo, hindi mo pa rin ako mauuto. Babayaran niyo 'yan," sabi ko.
Nalukot ang mukha ni Sasha na agad namang pinagtawanan ni Gwyneth.
"Minsan na nga lang magpalibre."
"What do you expect from Terese Flores, Sha? Nagpapayaman nga 'yan, hindi ba?"
"Aanhin mo ang maraming pera kung hindi ka naman masaya?" sabi ni Sasha.
I rolled my eyes. "Sinong nagsabi sa iyong hindi ako masaya? I'm living the perfect life I wanted. Masaya ako, Sha!"
"Talaga? Sinong niloko mo?"
"Nag iwan ng limang milyon sa akin si Rick. His kind of compensation for my broken heart. Isn't it cool?" sarkastiko akong natatawa.
"Ang plastik talaga, beh!" si Gwyneth.
"Saan nga ulit siya nag abroad? Ipapahanap ko siya sa kuya ko," ani Sasha.
"Bakit pa? Tama na 'yong nag iwan siya ng pera sa akin no! Baka kapag hinanap niyo 'yong tao e bawian pa ako ng milyones."
Napapailing na lamang si Gwyneth habang sumusubo sa cake niya.
"Anyway, nakausap ko si Bruno last week. Nakita ka raw niya sa labas ng isang bar. Lasing at may kasamang gwapong lalake." Naniningkit ang mga mata ni Gwyneth habang sinasabi iyon sa akin.
"Woah! Pinalitan mo na agad si Rick, Terese?" si Sasha.
Nangunot ang noo ko. Si Roiden ba 'yong tinutukoy niya?
"May kasama lang na lalake, pinalitan agad?" si Gwyneth.
"Malay mo naman 'di ba? Si Terese kaya ito. Maraming lalake ang nagkakandarapa sa mukhang iyan no!"
"Thanks, Sasha."
"Pero sino nga 'yong lalakeng kasama mo raw na nakita ni Bruno?" si Gwyneth.
"Si Roiden," diretsong sagot ko sa tanong ni Gwyneth. Hindi ko na itinago pa. Para saan pa? Malalaman din naman nila. They were my best friends after all.
"Roiden? Roiden Pundales?" si Gwyneth.
Kunot-noong naibaba ni Sasha ang tasa ng kape na hawak niya.
"Roiden Pundales? Iyan ba 'yong..." Hindi magawa-gawang ituloy ni Sasha ang nais niyang itanong sa akin.
"Yes," sabay tango ko. "Iyang Roiden Pundales na iniisip niyo... Siya nga."
"Wait? How come? Bakit kayo magkasama?" si Gwyneth. I remember siya 'yong number one shipper ng loveteam kuno namin ni Roiden noon.
"Hindi ba ay may asawa na 'yong si Pundales?" si Sasha.
Napabuga ako ng hangin.
"Terese, don't tell me..." Bakas na agad ang pagdududa sa mukha ni Gwyneth.
Best friends nga kaming tatlo kaya kahit pinakatago-tago kong sekreto ay alam nila. But this time I will keep everything in secret. Not that I don't trust these two. I just felt the need to keep this one a secret.
Umiling ako habang sinasalubong ang mga titig ni Gwyneth.
"Iyon 'yong araw na nakipaghiwalay sa akin si Rick. Kaya tumambay ako sa bar at nagpakalasing. Hindi ko naman alam na siya pala ang may ari ng bar na napuntahan ko. Kaya ayon at nagkita kaming dalawa."
"Nag bar kang mag isa? Hindi mo man lang kami naisipang imbitahin?" reklamo ni Sasha.
"May ari na ng bar si Roiden? Saang bar 'yan at nang mapuntahan nga," si Gwyneth.
"Neon Nights," simpleng tugon ko.
Bahagya kong itinaas ang kamay ko upang kunin ang atensyon ni Lovely. Isa sa mga empleyado ko dito sa cafe.
"What!? Neon Nights? E, iyon 'yong pinakasikat na bar dito 'di ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gwyneth.
"Dalhan mo 'ko ng isang frozen caramel latte please," utos ko kay Lovely. Nang tumungo siya at umalis ay doon lang ako nagbalik ng tingin kay Gwyneth.
"Ah huh! Inaway ko 'yong bartender doon sa bar na 'yon. Tapos biglang umeksena itong may ari na si Roiden pala. Ni hindi ko na nga siya halos makilala. Ang laki ng ipinagbago niya. Mula sa mukha, sa hubog ng katawan, sa kung paano mag flex 'yong mga muscles niya sa braso... Everything has changed."
Tumikhim agad ako nang napansin ang mga tingin nina Gwyneth at Sasha sa akin.
"What?" halos ibulong ko ang pagkakatanong ko niyon.
"So... saan kayo nagpunta?" tanong ni Gwyneth. May bahid na talaga ng pagdududa ang boses at ang mga tingin niya.
"Hinatid niya ako sa bahay."
Nagkatinginan silang dalawa. Halata sa mga mukha nilang hindi sila naniniwala sa akin.
"Bakit ba natin pinag-uusapan itong si Roiden?" tanong ko.
"Pagkatapos ka niyang hinatid sa bahay mo? Anong sunod na ginawa niyo?" si Sasha.
"Siyempre ay umuwi na siya agad. Ano ba 'yang mga iniisip niyo?"
"Ahh... walang throwback na nangyari?" si Gwyneth.
Nahugot ko ang sariling hininga. Papaano niya naisip na may throwback ngang naganap? Ganito na ba talaga katalino 'tong mga ito?
"Anong throwback pinagsasasabi mo?" sabay iwas ko ng tingin nang dumating si Lovely.
Hindi agad sumagot si Gwyneth at katulad ko'y pinanood rin niya ang marahang paglalagay ni Lovely sa latte na in-order ko.
Nang umalis muli si Lovely ay doon lang siya muling nagsalita.
"Throwback! Ano ba, Terese? Hindi naman kayo iba ni Roiden sa isa't-isa. Kahit kami nitong si Sasha ay alam kung anong sekreto niyo noon. Wala man lang bang kumustahan na nangyari?"
"Yeah. Hindi kayo na-tempt na bumalik sa nakaraan?" natatawang dagdag ni Sasha sa tanong ni Gwyneth.
"Kaytagal na no'ng nakaraan na sinasabi niyo guys! Wala na akong planong ungkatin pa 'yon."
"Are your heart still okay? I mean, hindi ba siya nagwala no'ng makita nito si Roiden matapos ang ilang taon?" si Sasha.
"Naaalala ko pa kung paano kang kargahin ng kuya mo noon kasi dumikit ka na sa malaking haligi ng NAIA," natatawang sabi ni Gwyneth.
"Gosh! Nakakahiya ka no'n, Terese!" si Sasha at nakitawa na rin kay Gwyneth.
Napapailing na lamang ako habang pinapakinggan ang tawanan nilang dalawa habang binabalikan ang mga nangyari noon sa airport no'ng araw na umalis kami ni Kuya Welvorn ng Pilipinas pagkatapos na pagkatapos ng graduation namin no'ng college.
Sa totoo lang ay hindi ako natutuwa sa tuwing binabalikan iyon. Sinong matutuwa? Eh grabe 'yong kahihiyan ko no'n habang ngumangawa at pinagtitinginan ng mga tao doon sa airport. Hindi ko gustong umalis ng Pilipinas noon at nagdesisyon akong ipaglaban ang pagmamahal ko kay Roiden. Pero matigas si Kuya Welvorn. Napilit niya akong isakay sa eroplano no'ng araw na 'yon.
"Magtigil ka, Terese! Hindi pa panahon para sa pag-ibig pag-ibig na 'yan! Ang isipin mo ay 'yong kinabukasan mo! Kaka-graduate mo pa lang! Isakatuparan mo muna ang mga pangarap mo!"
"Pero, kuya si Roiden po ang pangarap ko! Kaya nga hindi na lang ako sasama sa 'yo sa Italy!"
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo!? Ha!? Terese!? Wala sa lalakeng 'yon ang maganda mong kinabukasan! Ang magandang kinabukasan na sinasabi ko ay nasa Italy at naghihintay na sa iyo!"
Ipinagpatuloy ko ang buhay ko noon sa Italy. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nakalimot ang puso ko. Nakalimutan ko si Roiden. Nag move-on ako sa buhay ko because I thought I'll be living in Italy for good. Ang akala ko ay hindi na ako babalik pa dito sa Pilipinas.
But just five years ago... I met this half filipino half italian guy named Rick. And a year after that he asked me to be his girlfriend. On that same year, bumalik kami ng Pilipinas kasi nandito ang mommy niya. Kaya andito ako ngayon...
Bumabalik sa bayan kung saan ko naiwan ang kapiraso ng puso ko.
"Ano, Terese? Payag ka?"
Napakurap-kurap ako nang humarap sa akin si Sasha at bigla'y tinanong ako. Naglakbay na naman sa kung saan ang isip ko kung kaya't hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nilang dalawa.
I took a sip on my latte. Naghihintay silang dalawa sa magiging tugon ko. At hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayaw ko rin namang malaman nila na hindi ako nakikinig sa usapan dahil iniisip ko 'yong nakaraan. Kaya imbis na itanong sa kanila kung anong tinutukoy nila ay tumango na lamang ako bilang tugon.
"Siyempre naman... Why not?" Nakangising sabi ko.
"Cool!" sabay na sabi nilang dalawa at nagawa pang mag high-five.
Hindi ko alam kung tanga ba akong talaga o ano. Nagawa kong umuo sa kanila nang hindi man lang inaalam kung ano ang pinag-uusapan.
Ngayon ay halos ayaw ko ng bumaba sa likod ng kotse ni Sasha. Nasa harapan namin ang napakaraming tao na labas-masok sa sikat na bar ni Roiden.
"I'm so excited to finally meet Roiden Pundales again!" sigaw ni Sasha.
"What the! May asawa na 'yong tao, Sasha!" saway ni Gwyneth sa kan'ya.
"E ano naman? Hindi naman siya aagawin ni Terese mula sa asawa niya no! Hindi ba, Terese?" sabay lingon sa akin ni Sasha.
Nakagat ko ang labi ko. So here's the deal pala...
Papasok kami sa bar na 'yan. Hahanapin ko si Roiden... at hahalikan to see if he's really over me.
Jusko! Kung alam ko lang na nakikipag deal pala sa akin ang dalawa... Eh hindi sana'y umatras ako.
May pa-why-not-why-not pa akong nalalaman kanina. Kaloka!