Kabanata 9 - Schedule

1737 Words
Naupo ako sa couch habang naghihintay kay Ate Irene na matapos sa ginagawa. Abala na si Jeyan sa mga bagong damit at bagong laruan na binili ko para sa kan'ya. Kaya inabala ko na lang din ang sarili ko sa ipad ko. May bagong post si Roiden sa f*******: account niya. It's a picture of him on his bar na may caption na... "Me and Baby." Lalagpasan ko na dapat ang post niyang iyon pero hindi ko maintindihan kung paanong napunta ako sa comment section. Dwayne Buenaventura : Ang baduy! Zoren Russel : Baby mong kung sino-sino ang pumapasok. Gets mo ko, dude? Hahaha Neo Samaniego : Tambay kami d'yan tom. Vanilla Pundales : Ako pa rin ang original baby mo. Wait mo 'ko, baby. I'm going home na. Napatitig ako sa huling komentong nabasa ko. It's from Vanilla Pundales. Galing sa asawa ni Roiden. I clicked her name to see her profile. But I see nothing in there. Tulad ni Roiden ay naka-locked din ang profile niya. "What's wrong with these people?" Hindi ko napigilan at naibulalas ko. Narinig ko ang paghinto ng sasakyan sa labas ng bahay ni Ate Irene kaya agad akong tumayo at nagtungo sa hamba ng pintuan. Pinanood ko kung paanong alalayan ni daddy si mommy sa pagbaba nito mula sa sasakyan. My kind of inspiration. Gusto ko rin sana ng gan'yang klase ng pag-iibigan. "Terese, anak..." tawag sa akin ni mommy. Ngumiti ako at hindi na hinintay pang makalapit sila sa akin. Sinalubong ko na agad sila ng yakap. "Mommy..." "Ang bunso ko." "Dy," sabay yakap ko rin kay daddy matapos kong yakapin si mommy. "How's your heart, anak?" tanong ni daddy. "Fine, dy." Humiwalay at ngumiti ako sa kan'ya. "Nagluluto pa po si Ate Irene sa loob." "Let's talk about it later, Honey." Narinig kong sabi ni mommy kay daddy habang nangunguna ako sa pagpasok sa bahay ni Ate Irene. Sumalubong agad si Jeyan kina mommy at daddy nang nakita niya ang mga ito. Tahimik ko silang pinanood bago ako tumungo sa kusina upang ipaalam kay ate ang pagdating nina mommy at daddy pero hindi pa man ako nakakapasok sa kusina ay sinalubong na agad ako ni ate. "Ikaw na ang mag ayos ng mesa. Paliliguan ko muna ng mabilisan si Jeyan bago kumain." "Ako na ang bahalang magpaligo sa apo ko, Irene." "My, and'yan na po pala kayo." Nagtungo si Ate Irene kay mommy upang yumakap rito. "Kararating lang namin. Anong niluto mo para sa hapunan?" tanong ni mommy nang humiwalay siya sa pagkakayakap kay ate. "Iyong paborito niyo pong cheesy caldereta," malawak ang ngiti na tugon ni ate kay mommy. "That's why I love coming in here. Inii-spoiled mo ako mas'yado sa mga luto mo." My Ate Irene is a good cook. Kaya restaurant rin ang pinili niyang negosyo. She married a chef pero naroroon naman sa barko at naglalayag. "Nakakatampo na, ah! Bakit kasi hindi kayo mahilig sa sweets?" singit ko. "Mahilig naman ako sa kape, Terese. Kaya nga lagi akong umu-order sa cafe mo, hindi ba?" singit din ni daddy. "Iyon nga lang ay pinapabayad mo ako," dagdag niya sabay tawa. Nakitawa rin sina mommy at ate kay daddy. Kung meron man akong number one supporter sa cafe ko ay si daddy iyon. Kaya hindi ako nawawalan ng customer kasi siya ang pinakauna kong customer. Sa yaman ni daddy, hindi siya mawawalan ng pera pambili ng kape kaya ayos lang kung magpabayad man ako sa kan'ya. "Discounted rin naman kayo no!" saad ko. "Hayaan mo na si Terese, dy. Alam naman nating mukhang pera iyan!" panunukso ni Ate Irene sa akin na agad nilang sinundan ng tawanan. Normal lang ang maging mukhang pera. Walang taong hindi nangangailangan ng pera. Hindi mabubuhay ang tao kung walang pera kaya ano ngayon kung mukha akong pera? Normal lang naman iyon. Ibig sabihin lang no'n... Normal na tao ako. Nagpaalam na muna sina mommy at daddy upang paliguan si Jeyan. Tumulong na lamang ako kay Ate Irene sa paghahanda ng hapunan namin. Family dinner is fun. Not until tanungin ako nina mommy at daddy tungkol sa hiwalayang naganap sa amin ni Rick. "He fell out of love. Iyon 'yong tamang sagot sa lahat ng katanungan natin," tipid na sagot ko matapos kong nguyain ang huling kanin at ulam na isinubo ko. "The last time we talked... mas'yado pa siyang inlab sa iyo. Bakas pa nga ang tuwa sa kan'yang mukha habang kini-kwento sa amin ng daddy niyo ang plano niya sa magiging pamilya ninyo, Terese. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit biglang ikinansela ninyo ang kasal at nalaman na lamang naming naghiwalay na kayo at nangibang bansa na pala si Rick." "My, hindi naman po kasi natin masasabi kung kailan natutupok iyong apoy ng pagmamahal. Parang whirlwind romance lang... Today he fell in love, and then he fell out of love the next day." "Sa nakikita ko'y may ibang dahilan si Rick sa pakikipaghiwalay sa iyo, anak." "Tulad ng ano, dy?" tanong ko. "Hindi kaya may ibang babae siya?" si Ate Irene. Matapos marinig iyon kay ate ay agad kong binalikan ang araw na nakipaghiwalay sa akin si Rick. Nangunot pa ang noo ko habang iniisip iyon. Sinabi niya sa aking tigilan na namin ang nakakapagod na relasyon naming dalawa at ang pagpapanggap na masaya. Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko. s**t! Kahit lumipas na ang panahon ay para pa ring tinutusok ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang araw na iyon. Naramdaman kong may humawak sa kamay kong nakapatong sa lamesa at nanginginig na pala habang hawak-hawak ang kutsara. Nang magdilat ako ng mga mata ay nakita kong si mommy ang nakahawak sa kamay ko na nasa tabi ko. "I know you're not okay, Terese. Iiyak mo 'yan dahil pag iyak ang sulosyon para mawala ang pananakit ng iyong dibdib." Lumamlam ang mga mata ko habang nakatingin kay mommy. Naninikip na ang dibdib ko pero pinilit ko pa ring ngumiti. "Ayos lang ako, my." "Terese, hindi mo kailangang magpanggap sa harapan namin. Alam naming nasasaktan ka at naiintindihan ka namin anak," si daddy. "Kaya ko pa, dy. Pinalaki niyo kong matapang hindi ba?" nakangiting saad ko. Natawa si daddy sa akin. "Nagmana ka nga sa mommy mong mahirap paiyakin." "Idinamay na naman ako," ani mommy. "Basta, anak kapag kailangan mo kami ng mommy mo. Don't hesitate to call for us. Lagi kaming may oras para sa 'yo," dagdag ni daddy. "Thanks, dy." Umuwi ako sa bahay nang gabing iyon na walang paninikip sa dibdib. Ang malamang nasa tabi ko lang ang pamilya ko na pwede kong takbuhan ay sapat na para hindi ko pagluksaan ang hiwalayan namin ni Rick. "Tama na, Terese! Huwag ka nang magpaka-stress! Ang dami-daming lalake sa world. Hindi ka mauubusan." Ibinagsak ko ang katawan ko sa water bed ko at agad na hinarap ang ipad ko. Kabubukas ko pa lang sa f*******: ko at bumungad agad sa akin ang mukha ni Roiden. He changed his display picture. From a whole body picture to a close up one. Naka-pout pa ang gago at nag caption ng... "I miss you already. Hindi na ako makapaghintay na makita ka ulit." Siyempre at binaha na naman ng komento ang litrato niyang iyon. Art Griego : Sarap sapakin ng mukhang iyan. Magbayad ka kamo ng utang! Dwayne Buenaventura : Gwapong-gwapo sa picture, hindi naman nagbabayad ng utang. Roiden Pundales : Tangina niyo mga ulol! Spike Guillermo : Manglibre ka kasi sa bar mo! Hindi mo ikalulugi ang limang bucket ng tanduay ice, dude. Hahahaha Vanilla Pundales : Hello there handsome! Zoren Russel : Iyan na 'yong handsome para sa iyo, Van? Wait lang, sendan kita ng picture ko. Vanilla Pundales : There's no need, Zoren. Hahaha Roiden Pundales : Huwag nga kayong mag-comment rito. Puro kayo kalokohan! Neo Samaniego : Akala mo naman hindi maloko! Sino ba 'yang nami-miss mo? Curious ako. Hahahaha Ikinansela ko na iyong litratong niyang iyon na napupuno ng komento galing sa mga barkada niya at ibang taong hindi ko naman kilala. Napansin kong walang kaibigan si Roiden sa account niya na kahit isa man lang sa mga naging kaibigan namin no'ng college. Habang ako'y lahat yata ay friends ko dito sa f*******:. Tumunog ang notification bell ng messenger ko. Roiden just sent me a message kaya dali-dali ko iyong binuksan. Roiden Pundales : Ngayon ka lang nag online? Agad akong nagtipa ng reply. Ako : Ano naman? Roiden Pundales : Sungit. Nagtatanong lang. Buong araw kang offline. Naghintay ako. Tulog ka ba buong araw? Napagod ba kita? Nagpang-abot ang dalawa kong kilay. Ano naman sa kan'ya kung hindi ako mag online? At saka bakit naman niya ako hinihintay? Ako : Why we're you waiting for me? Roiden Pundales : Bawal ba? Ayaw mo 'kong ka-chat? Ako : Stop being clingy, Roiden! Roiden Pundales : I'm not being clingy, Terese. Ako : Your wife might read this convo. That's if Vanilla knew about Roiden's email and password. Roiden Pundales : She's not into my account, Terese. We respect each other's privacy. Natigilan ako ng ilang sandali. Ako : Good for you then. Rick and I used to exchange accounts. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi na namin nirerespeto ang kani-kaniyang pribado naming mga buhay. We're in a relationship. Mali bang malaman ang pribadong buhay ng isa't-isa? What's the use of being as one kung may private life naman pala kayong dalawa ng karelasyon mo? Roiden Pundales : Kita tayo tom? Ako : I have business to attend tomorrow. Hindi ako pwede. Roiden Pundales : How 'bout the next day? Ako : May lakad kami ng pamangkin ko. Which is true. Nangako ako kay Jeyan na ipapasyal ko siya sa paborito niyang theme park. Roiden Pundales : How about the next next day? Ako : May ka-meet up akong buyer ng condo unit namin ng ex ko. Roiden Pundales : The day after that? Ako : I'm still busy. Roiden Pundales : And the day after the day that you were busy is the day of my wife's arrival. We don't have much time, Terese. Ako : Ginagawa mo talaga akong kabet mo no? Roiden reacted haha on my message. Roiden Pundales : Iniisip ko lang 'yong s*x time nating dalawa, Terese. Baka nakakalimutan mong we agreed to be f**k buddies again. Hahaha Nalukot ang mukha ko. Hindi ko nakakalimutan iyon. Damn it! Hindi na niya kailangang ipaalala ang kakatihan naming ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD