Kabanata 8 - Mapagpanggap

1513 Words
"Cuddle your face!" bulyaw ko sa kan'ya saka nagmamadaling bumangon. Inabot ko ang calvin klein niyang brief na sumabit sa rearview mirror at padarag ko 'yong itinapon sa mukha niya. "What the..." reklamo niya saka padarag ring inalis ang brief na dumapo sa mukha niya. Naupo ako sa driver's seat at pinanood ko siya habang nagbibihis. "Mukhang maganda ang panaginip mo, ah! Napahaba ang tulog mo..." natatawang saad niya habang nagsusuot ng tshirt. "Wala akong naging panaginip. Sadyang pagod lang ako kaya napahaba ang tulog ko." Humalakhak siya. "Sinong hindi mapapagod? Eh, ikaw na lahat ang trumabaho." Inirapan ko siya at pumaroon na ang tingin ko sa harapan ng sasakyan. Kay aga-aga iyon agad ang laman ng pag uusap namin. "Saan mo gustong mag breakfast?" tanong niya. "Sa bahay. Gusto ko ng umuwi sa bahay ko, Roiden." Nilingon ko siya at nakita ko ang pag tango niya habang nakanguso. Bumaba siya ng kotse kaya agad akong lumipat sa passenger's seat. Nang makapwesto siya sa driver's seat ay agad akong lumingon muli sa kan'ya. Tahimik niyang binuhay ang makina ng kan'yang sasakyan at sinimulan ang pagmamaneho. Tahimik kaming pareho sa buong byahe na 'yon. Nagsalita lang ako nang ituro ko sa kan'ya ang direksyon ng bahay ko. "Thanks," sabi ko bago bumaba ng kan'yang sasakyan. "So... Kailan ulit?" tanong niya habang nakadungaw sa bintana ng kan'yang sasakyan. Kumunot ang noo ko. Seryoso ba talaga siya sa mga pinagsasasabi niya? Matatawag na bang cheating ang ginagawang ito ni Roiden? He's wanting me to be his f**k buddy. Okay lang sana sa akin 'yon kung pareho kaming single katulad noon pero hindi. He's married. For pete's sake may asawa siya. Kung anuman ang pagkukulang ni Vanilla sa kan'ya bilang asawa ni Roiden ay hindi ko dapat pinupunan iyon. Kung may pagkukulang man si Vanilla, siya pa rin dapat ang pupuno sa pagkukulang na iyon. "Roiden..." "What? We agreed to be f**k buddies again hindi ba?" "Roiden, ayaw kong maging kabit mo," diretsong saad ko. Iyon ang totoo. Niminsan sa buhay ko ay hindi ko pinangarap na maging involved sa lalakeng may asawa na. Jusko! Ang daming lalakeng nagkalat sa paligid. Hindi ako tanga para kumabit sa lalakeng pagmamay-ari na ng iba. Sarkastikong natawa si Roiden. "Hindi ka magiging kabit ko because there's no strings attached, Terese. Katulad noon, dating gawi... Walang feelings na involved. Kakamutin lang natin 'yong mga kati natin sa katawan." Marahas akong napabuga ng hangin at napatulala na lamang sa kan'ya. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Once a fuckboy always a fuckboy! "Fine, Roiden. Kamutin natin nang kamutin ang isa't-isa." Hanggang sa magkasugat tayong pare-pareho! Tumalikod na ako saka nagdiretso na sa pagpasok sa bahay. "Hindi mo ba ako aalukin man lang ng kape?" pahabol niyang sigaw pero itinaas ko lang ang kanang kamay ko at nakatalikod siyang kinawayan. Papasok na ako sa pintuan ng bahay nang narinig ko ang halakhak niya at ang pagharurot ng kan'yang sasakyan. Huminto ako sa paglalakad at saka siya nilingon. Naiwan ang mga mata ko sa tapat ng gate kung saan nakahinto ang kotse ni Roiden kanina. Matagal ng tumigil ang pagtibok ng puso ko para kay Roiden. Matagal na siyang nawalan ng puwang sa puso ko. Pero kahit ganoon ay natatakot pa rin ako. Natatakot akong bumalik ang feelings ko sa kan'ya. Fuck, Terese Flores! It will never happen again. Never again! "Where have you been? At sinong naghatid sa 'yo?" "Pakshet!" Napamura ako at agad na napahawak ako sa dibdib ko. Bumungad sa akin si Ate Irene. May bitbit siyang isang tasa ng kape habang naglalakad papunta sa couch. Kalalabas niya lang ng kusina ko. "What are you doing here? Papaano ka nakapasok?" Kunot-noong tanong ko. Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Baka nakakalimutan mong alam ko kung saan nakalagay ang susi ng bahay mo. At hindi mo pa sinasagot ang tanong ko... Saan ka galing at sinong naghatid sa iyo?" Napairap ako sa kawalan. "At kailan ka pa natutong makialam sa personal kong buhay ate? Tss! Mamaya na tayo mag usap. Aakyat na muna ako sa kwarto ko at maliligo." Hindi na ako naghintay pa ng tugon mula sa kan'ya at nagmadali na agad ako sa pag akyat sa kwarto ko. Naligo ako't nag bihis. Ang expectation ko'y makakatulog ako ng matiwasay pagkauwi ko. Pero sinampal agad sa akin ng reyalidad na hindi ko magagawa iyon ngayong nandito si Ate Irene. Nagluluto siya ng agahan pagkababa ko. Nag diretso ako sa ref at kumuha ng gatas. Naglagay ako sa isang baso at saka ako naupo sa stool. "So... Ngayong fresh ka na, baka pwede mo ng sabihin sa akin kung saan ka nanggaling buong magdamag?" Marahan kong ibinaba ang baso after taking a sip on it. "Pumunta ako sa condo namin ni Rick." Kunot noo siyang lumingon sa akin. "Nag impake ka? Saan ang gamit mo kung ganoon?" "Hindi ako nag impake. I just visited it. Baka nag iwan ng sulat si Rick. Naisipan ko ring ibenta na lang ang condo na 'yon." "Ibenta? Baka bumalik si Rick." Tumalikod siyang muli sa akin upang harapin ang kan'yang niluluto. "Hindi na iyon babalik, ate. At kung bumalik man siya ay wala na siyang magagawa. Ibebenta ko ang condo at ipangbabayad ko sa mga pinagkunan namin ng pera habang inaayos pa namin ang kasal namin." "Ohhh! Iyon nga pala ang ipinunta ko dito." Pinanood ko siyang ilapag sa harap ko ang sunny side up, hotdogs at tocino na katatapos niya lang lutuin. Nanatili akong tahimik at hindi na nag abala pang tumugon sa sinasabi niya. Hinintay ko siyang matapos sa paghahanda sa lamesa. At nang naupo siya'y hinarap niya ako. "Nag iwan ng limang milyon si Rick sa account mo? Hindi mo ba na-check?" Literal na nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang aking panga. s**t! Limang milyon? Pakshet! Ang laking pera no'n! "Seryoso ka ba d'yan, ate?" Tumango siya habang seryosong nakatingin sa akin. Hindi ako makapaniwala! "Teka... Papaano? B-bakit?" Pikit mata akong humugot ng malalim na hininga. Ang hirap talagang paniwalaan. Kung ito ang kabayaran ni Rick sa pag iwan niya sa akin at sa pagiging brokenhearted ko... Aba! Hindi na ako iiyak pang muli dahil sa kan'ya. Oo na at mukha talaga akong pera. Pero hindi ibig sabihin no'n na mababaw na ang naging pagmamahal ko kay Rick. Sobrang mahal na mahal ko 'yong tao at kung papipiliin man ako kung siya ba o ang limang milyon ay siyempre siya ang pipiliin ko. Pero pinili niyang iwan ako at may milyones siyang iniwan kaya hindi na ako magluluksa. "Natahimik ka na... Alam mo ikaw, Terese. Ang sama-sama mo talaga. Nakarinig ka lang ng pera mukhang hindi ka na agad brokenhearted." "Ate? Magpaka-praktikal na tayo. Limang milyon iyon! Limang milyon! Pwede na akong magtayo ng ilang branch ng cafe ko gamit ang limang milyon na iyon!" Inirapan niya ako. Naglagay siya ng kanin at ulam sa plato niya. Ganoon rin ang ginawa ko pero hindi katulad kay Ate Irene ay malawak ang ngiti ko habang ginagawa iyon. Imbis na matulog sa araw na iyon ay nag waldas ako ng pera. Nag grocery ako at nag shopping ng mga bagong designer bags, shoes at mga damit. Inasikaso ko rin ang pagbebenta sa condo namin ni Rick. Kinagabihan ay ako naman ang bumisita sa bahay nina Ate Irene. Bitbit ang ilang mga paperbags na may lamang mga damit at laruan para sa tatlong taong gulang kong pamangkin na si Jeyan. "Jeyan! How are you?" "Tita ninang!" salubong nito sa akin. "I have something for you!" Iniangat ko ang mga paperbags na dala at ipinakita iyon sa kan'ya. Abot tainga naman ang ngiti niya habang tinatanggap ang mga iyon. Nasa labing lima ang mga iyon at dalawa lang ang kayang buhatin ng maliit niyang katawan kaya inalalayan ko siya habang papunta sa playpen niya. "Nagwaldas ka nga..." komento ni ate kasabay ng malalim niyang pagbuntonghininga. "Well, hindi rin naman kita masisisi." "Talagang hindi. Ako 'yong iniwan, ate. Heler!" Itinagilid niya ang ulo niya. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa siya nag iwan ng pera sa iyo." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kan'ya. "Baka compensation, ate. Huwag mo na nga lang i-s-tress-in ang sarili mo sa kaiiisip ng dahilan. Kung iisipin ay apat na taon rin naman siyang naging maligaya sa piling ko. Isipin na lang nating kabayaran iyong limang milyon sa apat na taon," may halong pait sa boses na saad ko. Pasinghal siyang natawa. "Hindi ko rin maintindihan kung paano kang naging mapagpanggap, Terese." Umiling na lamang ako at saka naupo sa kulay baby pink na couch ni ate. "Maiwan ko na muna sa iyo si Jeyan at magluluto na muna ako ng hapunan. Pupunta rin pala sina daddy at mommy ngayon dito." "What?" naibulalas ko. Tinalikuran na ako ni ate kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Simula nang naghiwalay kami ni Rick ay hindi pa kami nagkakausap nina mommy at daddy. I don't know how to face them after the failed relationship me and Rick had. Hindi ko kayang tanggapin ang disappointments na maaari kong makita sa mukha ni dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD