"Bilisan mong kumain. Pupunta tayong cloud 9 ngayon." Mabilis na umangat ang paningin ko kay Roiden mula sa plato ko. Sarap na sarap ako sa kinakain kong pork tocino nang banggitin niya 'yong mga sinabi niya. Anong cloud 9? Iba ang naiisip ko. "Ha?" tanong ko. "Sabi ko, bilisan mong kumain. Pupunta tayong cloud 9." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kan'yang ngumunguya pa. Ilang sandali rin siyang nakatingin sa akin bago kumunot ang kan'yang noo at uminom ng tubig. "Anong sinasabi mong cloud 9? s*x na naman, Roiden?" Napaatras ako ng bahagya matapos makita ang pagkakasamid niya. Ano ba yan? Umubo-ubo siya habang pinupusan ang bibig niya ng tissue. Pagkatapos ay natatawa niya akong tiningnan. "Anong s*x pinagsasasabi mo? Sa cloud 9, Terese! Lugar 'yon dito sa Siargao. Doon tayo

