"Ayusin mo naman! Hindi ka naman pasmado at hindi naman nanginginig ang kamay mo pero puro blurry ang mga kuha mo! Wala ka talagang talent sa photography!" reklamo ko habang isa-isang tinitingnan ang mga kuha sa akin ni Roiden. "Maganda ka pa rin naman kahit blurred," sabay silip niya sa dslr na hawak ko. "Alam ko," tugon ko. Lumayo sa akin si Roiden. Ang akala ko kung ano na ang gagawin niya. Nagulat na lamang ako nang bigla ay sabuyan niya ako ng petals ng cherry blossoms. "Medyo mahangin ka rin, eh! Hindi ka talaga marunong magpaka-humble no?" aniya. "What? Sumasang-ayon lang naman ako sa sinasabi mo!" Nagpatuloy ako sa pag s-scan sa mga pictures. Habang si Roiden ay nagpapatuloy naman sa ginagawang pagpapapansin sa akin. Paulit-ulit siyang kumukuha ng iilang petals na nagkalat sa

