Kabanata 20

1746 Words

Agad kong binitawan ang natitipuhan kong damit. Nagmadali ako sa pagsunod kina Rick. Malaki ang botique kung nasaan ako at nasa malayo sina Rick. Gustuhin ko mang tawagin siya pero nauunahan ako ng aking hiya. Isang grupo ng mga college girls ang humarang sa daraanan ko dahilan upang mahinto ako sa paglalakad ng mabilis. Pati tuloy ang paningin ko kina Rick at doon sa kasama niya ay naiwala ko. Hindi ako pwedeng magkamali... Si Rick ang nakita ko! Napakurap-kurap ako at agad na naghanap ng mauupuan. Nanghina ako bigla. Nangangatog ang mga tuhod ko. Akala ko ay ayos na sa akin ang lahat. Ang buong akala ko ay balewala na sa akin kung ano man ang rason ni Rick sa pakikipaghiwalay niya sa akin. Pero hindi ko inaasahang ganito kasakit pala ang makitang nakangiti siya sa iba habang marahang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD