"Guys, later na lang ulit," sabi ko. Lumapit ako sa iPad upang patayin ang tawag pero napatigil ako sa sinabi ni Gwyneth. "Subukan mong patayin ang tawag, magkakalimutan talaga tayo!" "Ang harsh, Gwy!" halakhak ni Sasha. "Good morning, girls," nakangiting bati ni Roiden sa kanila. "Good morning, Roiden," malambot ang boses na tugon ni Sasha. Gwyneth on the other hand just sneered. Nilingon ako ni Roiden. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Bakit kasi bigla-bigla na lang siyang sumusulpot? At ayos lang sana kung hindi niya ako niyakap. Kaso... "Ano 'yong nakita namin, Roiden at Terese?" sarkastiko ang boses na tanong ni Gwyneth. Nakagat ko ang labi ko bago ako marahang bumuntonghininga. "Nahuhulaan ko na..." natatawang sabi ni Sasha. Pinatay ko ang stove sa likuran bago ako muling hinar

