Nasa labas na ako ng building kung nasaan ang condo namin ni Rick at hinihintay ko na lamang ang pagdating ni Roiden. Nakaupo ako sa gutter habang yakap-yakap ang dalawang tuhod ko. Nagmumukha akong tuta na walang may ari dito. Kung sabagay ay wala na naman na talagang nagmamay-ari sa akin. Wala na siya. Iniwan na niya ako.
Nag angat ako ng tingin nang may humintong sasakyan sa harapan ko. Pinanood ko ang pagbukas ng pintuan ng driver's seat at ang paglabas ni Roiden. Nakangisi na agad siya habang naglalakad palapit sa akin.
"Tara, s*x?" aniya sabay hawak sa palapulsuhan ko.
Inirapan ko siya at padarag kong inalis ang kamay ko mula sa hawak niya. Tumayo ako at nagdiretso sa passenger's seat.
"Pikon talaga kahit kailan." Narinig kong bulong niya. Sumunod rin siya sa akin at pumasok na rin sa driver's seat.
"Gusto mo bang sa bar ko na lang? O sa driveway talaga?" tanong niya na agad niyang sinundan ng halakhak.
Sa ikalawang pagkakataon ay inirapan ko siya at humarap ako sa bintana ko.
"Joyride na lang, Roiden."
"What? Mag aaksaya ka ng gas?"
"Ihinto mo sa pinakamalapit na gasoline station at ifu-full tank natin 'tong kotse mo. Huwag kang mag alala, sagot kita!" saad ko.
Ang totoo ay gusto ko lang talaga ng kasama. Natatakot akong mapag isa. Kanina lang ay naisipan kong maglaslas ng pulso. Lecheng buhay 'to! Hindi naman ako suicidal pero ang bigat kasi talaga sa dibdib.
"Dapat noon mo pa ako sinagot. Ikaw sana ang asawa ko ngayon," bulong na naman niya. Mahina 'yon na sa sobrang hina ay halata kong hindi niya gustong iparinig sa akin pero malas niya. Ipinanganak akong may malaking tainga kaya I heard it. Loud and clear.
Nanatili akong tahimik habang nakatingin ako sa mga street lights.
"Terese, akala ko ba gusto mong tikman 'yong s*x on the driveway ko?" Ilang sandali lang ay tanong niya.
"Nagbago ang isip ko, Roiden. Gusto ko na lang palang libutin ang buong Maynila."
Nagulat ako sa biglaang paghinto niya sa gilid ng kalsada kaya agad akong napatingin sa kan'ya.
"Niminsan ay hindi ko pinangarap na maging driver mo, Miss Terese Flores. Saan ba talaga ang tungo natin?"
Nanatili akong nakatingin sa kan'ya at hindi nakasagot. Nakaawang ang labi ko at nagnanais na magsalita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kan'ya.
Lumamlam ang mga tingin niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko nang nabasa ko ang awa mula sa mga mata ni Roiden.
"Anong problema?" Malumanay at puno ng pag aalalang tanong niya.
Pumikit ako ng mariin at bumuga ng hangin bago ako nagmulat ng mga mata.
"Gusto ko lang ng kasama, Roiden."
Umawang ang labi niya habang nakatingin sa akin. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa matapos no'n.
"Naaalala mo ba 'yong naikwento ko sa 'yo tungkol sa fiance ko? Tuluyan na niya akong iniwan, Roiden. Umalis na siya ng bansa."
Naramdaman ko ang unti-unting pag init ng gilid ng aking mga mata. Gusto kong ilabas at sabihin kay Roiden lahat ng sakit pero hindi ko alam kung paano. Isang linggo akong kinukumusta ng pamilya ko pero kahit isa sa kanila ay walang nakakaalam sa totoo kong nararamdaman. Walang nakakaalam kung gaano akong naaapektuhan sa hiwalayang naganap sa amin ni Rick. Walang nakakaalam na pinipilit ko lang ang sarili kong magmukhang wala lang sa akin ang nangyari. Kahit ang totoo ay sa bawat segundong dumadaan ay halos mabaliw ako sa kaiiisip kung paanong sa isang iglap lang ay nawala ang relasyong dapat ay may happy ending.
Pinipilit ko lang ang sarili kong magmukhang matapang sa harapan nila dahil nahihiya ako. Naaawa ako sa sarili ko.
Nagtaas ng isang kilay sa akin si Roiden.
"So?" tanong niya. Nangunot agad ang noo ko. Anong so sinasabi niya? Nagsisimula na akong maglabas ng sama ng loob sa kan'ya pero heto siya at so lang ang itutugon sa akin? Mas'yado naman niyang pinapahalata na wala siyang pake sa akin at sa pagiging broken hearted ko.
"Halata sa 'yong ayaw mong makinig, Roiden. Pwede ka namang makipag plastikan! Tss!"
Nag iwas ako ng tingin at humarap na lamang muli sa bintana na nasa side ko.
I heard him chuckled. This is too much to bear. Mas'yado niya akong ipinapahiya!
"Mag drive ka na nga lang ulit," sabi ko.
"Okay sige. Ano ba kasing nangyari? Nakipaghiwalay siya sa 'yo at umalis siya ng bansa? Tapos ano, Terese? Anong gusto mong gawin?"
Umiling ako at naroroon pa rin ang paningin sa bintana.
"Hindi ko alam." Pumiyok ang boses ko.
"Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano kang ico-comfort. I just know how to make you smile and laugh, Terese. Oh! And moan too."
Natawa ako sa huli niyang sinabi. Still the Roiden I know way back in college. Tagasalo ng mga hinanakit ko sa mga exes ko.
"But anyway, wala ba siyang sinabi sa 'yo kung bakit biglang nawala 'yong pagmamahal niya sa 'yo? Kasi Terese, rason na 'yon, e. Mahirap tanggapin pero kailangan."
"Madali lang sabihin, Roiden. Pero ang hirap hirap gawin. Sobrang hirap kalimutan 'yong apat na taong nasayang dahil lang nawala 'yong spark. Dahil nawala 'yong pagmamahal."
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa isang kamay kong nakapatong sa kandungan ko.
"Hindi mo naman kailangang kalimutan. Tatanggapin mo. Magkaiba 'yon, Terese."
"But still have the same process, Roiden. I have to feel the pain."
"Napapagod ang puso, Terese. At kapag napagod siya, doon ka pa lang tuluyang makakalaya."
Napatitig ako kay Roiden. Hindi ko inaasahang magiging matured ng ganito si Roiden. Maging sa pag ibig ay nagbago ang pananaw niya. Naaalala ko pa noon kung paano niyang paglaruan ang mga damdamin ng mga kaklase naming nagkakagusto sa kan'ya. Halos nga lahat ng kaklase namin ay ginirlfriend niya pero hindi nagtatagal ng isang linggo. Babaero si Roiden noon kaya hindi ko lubos maisip na ganito siya kung makapagsalita sa usaping pagmamahal.
"Ang problema din naman kasi sa 'yo ay hindi ka marunong umiyak. Lagi mong isinasarili ang lahat."
Lumaki ako sa pamilyang hindi tinatanggap ang pagiging mahina. Nakasanayan kong maging matatag sa kabila ng mga hamong dumarating. Sa ilang taon kong namuhay dito sa mundong 'to. Niminsan ay hindi ko nakita ang sarili kong umiiyak sa mga magulang ko dahil lang nasaktan ako.
"May kani-kan'ya tayong problema. Dadagdag pa ba ako?"
Narinig ko ang mahaba niyang pagbuga ng hangin.
"Alam mo, Terese. Mas mabuti pa kung sa bar ko na lang tayo tumambay. Ipapatikim ko rin sa 'yo ang pangmalakasan kong s*x in the driveway." Kinindatan niya ako sabay buhay niya sa makina.
Hindi na ako sumagot pa at nanahimik na lamang habang nagda-drive siya papunta sa bar niya.
"s**t! Anong ginagawa niyo dito?" Naibulalas ni Roiden pagkarating na pagkarating namin sa bar niya. Nasa likuran niya ako at dahil humaharang siya sa daraanan ko ay sumiksik ako sa gilid niya upang sumilip.
"Ohhhh!" Ungol ng mga lalakeng nasa harap ni Roiden matapos akong makita.
"Damn, man! Kaya ba ayaw mo kaming papuntahin dito ay dahil may chiks kang tinatago?" Nakangising tanong ng lalakeng nasa unahan.
"Dwayne, shut up! She's an old friend. "
Malakas na humalakhak ang mga kaibigan ni Roiden. Bahagya ko siyang itinulak dahilan upang pumaroon siya sa gilid at nabigyan niya ako ng daan. Nilagpasan ko siya at nag diretso ako papasok sa loob. Napatingin pa ako sa wristwatch ko nang napansing marami pang tao.
Nagdiretso ako sa bar counter at naupo. Nilingon ko si Roiden at nakitang nakabusangot ang mukha niya habang naglalakad palapit sa akin. Ang mga kaibigan niya'y nakasunod sa kan'ya at nagsisipagtawanan. Halatang tinutukso nila si Roiden.
Nagbalik ako ng tingin sa harapan ko at nakitang panay ang tingin sa akin no'ng bartender na nakaaway ko no'ng nakaraan. Sigurado akong naaalala niya ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya tinalikuran niya ako at inabala ang sarili sa pagmi-mix ng drinks.
"Reto mo na kasi ako."
"Hindi ka papasa sa taste niya, Zoren!"
Lumingon ako sa gilid ko nang naupo si Roiden sa tabi ko.
"Zoren nga pala." Humarang sa pagitan namin ni Roiden ang nakangising mukha ng isa sa limang kaibigan ni Roiden. Naglahad siya ng kamay sa akin. At hindi ko maikakailang gwapo rin ang isang 'to. Kaso ay halata ang pagiging chicboy.
Umangat ang gilid ng labi ko saka ko pinaunlakan ang pakikipagkamay niya.
"Terese," pagpapakilala ko.
"Pleased to meet you," nakangising tugon niya at akmang hahalikan ang likod ng palad ko pero hindi natuloy dahil itinulak siya paalis ni Roiden.
"Doon na nga kayo!"
Humalakhak ang mga kaibigan niya. Pinanood ko pa silang umalis at umakyat sa second floor bago ako nagbalik ng tingin kay Roiden.
"I'm sorry, mas'yadong makulit si Zoren."
Tumango ako. "Gawin mo na 'yong s*x in the driveway na sinasabi mo, Roiden."
Napabuga ako ng hangin matapos sabihin 'yon. That drink! Mas'yadong bastos pakinggan. Pero gusto ko 'yong tikman.
"Sure thing..." sabay ngiti niya. Tumayo siya at saka nagtungo sa loob. Marahan niyang inilagay ang dalawang palad niya sa bar counter na ngayo'y nakapagitan na sa aming dalawa. Saka siya yumuko at inilapit ang kan'yang mukha sa akin. Napaatras ako.
"Brace yourself, Miss Terese Flores. Dahil baka pagkatapos mo itong matikman ay makalimutan mo na ang ex fiance mo at mahulog ka na sa akin." And then he winked.
I smirked.
"Siguraduin mo iyan, Mr. Roiden Pundales."