"There you go..." si Roiden sabay abot niya sa akin ng isang baso ng inuming kulay sky blue. Kulay pa lang masarap na.
Tinanggap ko iyon. "Siguraduhin mo lang na masarap ito, Roiden. Kung hindi..."
I took a sip on it. Napapikit pa ako habang ninanamnam ang lasa niyon. And he's right. It was very delicious.
"So?" Nagtaas siya ng isang kilay sa akin habang naghihintay sa maaaring sagot ko.
Tunay na masarap ang lasa ng s*x in the driveway. Pero hindi ko iyon aaminin sa kan'ya.
"Pwede na," sabi ko.
Mabilis na nangunot ang noo niya. Hindi naman lahat ng nakakalasing na inumin ay natikman ko na kaya hindi ko rin masabing ito na nga ang pinakamasarap. Pero so far, sa lahat ng mga nainom ko ay ito nga ang pinakamasarap.
"Right," aniya at lumabas mula sa bar counter. Lumapit siya sa akin at saka ako tinabihan.
"Masarap 'yan. Pero mas masarap ako. Is that what you mean?" bulong niya sa tainga ko.
"Are you trying to flirt with me, Roiden?" bulong ko pabalik sa matigas na tono.
"Nope," sabay iwas niya.
Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy na lamang ang pag inom. Nakikita ko sa peripheral vision ko kung paano akong tinititigan ni Roiden habang umiinom ako pero hindi na ako nag abala pang punain iyon.
Ilang sandali bago ko tinapos ang pag inom. Tumayo ako at agad na hinawakan si Roiden sa kamay.
"I wanna dance. Let's dance!" anyaya ko sa kan'ya.
Nakangiti niya akong inilingan. Nalukot agad ang mukha ko.
"At kailan ka pa natutong umayaw sa sayawan, ha!?" sabi ko.
Nakangisi lamang siya sa akin at muling umiling.
"Come on. Huwag kang KJ!" This time ay nakasigaw na ako. Mas lalo kasing lumakas ang music na nagmumula sa stereo.
"Ikaw na lang," sabi niya.
"Tss!" Ngumuso ako saka padarag na binitawan ang kamay niya. "Killjoy!"
Nagdiretso ako sa dance floor habang sumasabay sa indayog sa dagat ng mga tao. Nang nakarating sa pinakagitna ay hindi na ako nahiya pang kumembot-kembot. Isang baso lang naman ang nainom kong s*x in the driveway pero pakiramdam ko'y malaki ang naging epekto sa akin ng drink na 'yon. Ginawa nitong makapal ang mukha ko.
Habang sumasayaw ay napansin kong may sumasayaw sa likuran ko at bahagyang dumidikit sa akin kaya nilingon ko 'yon. Nginisihan agad ako ng mestizo at matangkad na lalake nang magkasalubong ang aming mga mata.
Kumurba ang labi ko habang nakatingin sa kan'ya at sumasayaw pa rin. I am finally free. Single na ako kaya pwede na akong lumandi hindi ba?
"What's your name?" nakasigaw na tanong sa akin ng mestizong lalake. Patuloy niya pa ring sinasabayan ang bawat galaw ko.
"Terese..." sigaw ko sa kan'ya pabalik.
"What?" aniya na inilapit pa ang tainga sa mukha ko.
"My name is Terese!"
"Nice name! I'm Froilan," sabi niya kasabay ng paglapat ng dalawang kamay niya sa magkabilang bewang ko.
Oops! Hindi ba parang mas'yado naman yata akong maluwang? O kailangan ko pa bang magpakipot pa? E, ano naman kung magpahawak ako sa mestizong lalake na 'to? Wala na akong fiance! Wala nang magagalit kung makipaglandian man ako dito.
"Hands off, dude!"
Nangunot agad ang noo ko nang makitang nasa gilid na namin si Roiden. Tila napapaso namang inilayo ng lalake ang kamay niya mula sa pagkakalapat nito sa bewang ko.
"Sorry. Is she yours?" tanong ng mestizong lalake na Froilan ang pangalan.
Imbis na sumagot ay nagtaas lamang ng isang kilay si Roiden kasabay ng bahagyang pagtagilid ng kan'yang ulo. Kahit sinong makakarinig at makakakita sa amin ay iisiping pagmamay-ari nga ako ni Roiden. Which is not.
"Sorry, dude." tugon ni Froilan at agad nang lumisan sa aking harapan.
Damn Roiden! Mukhang sisirain niya pa ang supposedly happy hour ko.
"What was that, Roiden!?" sigaw ko sa kan'ya. Mas lalo yatang lumakas ang tugtog sa stereo at pakiramdam ko'y kinailangan ko pang sumigaw ng full volume.
Imbis na makakuha ng tugon mula sa kan'ya ay bigla bigla na lang niya akong hinawakan sa palapulsuhan at basta na lang hinila paalis ng dance floor. Ang akala ko'y dadalhin niya lang ako sa ibang dako ng bar pero mukhang iuuwi na niya ako nang nakaabot na kami sa labas ng bar niya at hinihila niya pa rin ako.
"Roiden, what are you doing?" sabi ko.
"Uuwi na tayo," tipid niyang sagot.
Agad kong binawi ang kamay kong hawak niya dahilan upang matigil kaming pareho mula sa paglalakad.
"Maaga pa. Bakit tayo uuwi? I'm still having fun, Roiden. Don't be such a s**t. Naninira ka ng diskarte e!"
Kumunot ang kan'yang noo habang nakatitig ng malalim sa akin ang kan'yang mga mata.
"Anong diskarte ba ang ginagawa mo, Terese? Ibig mo bang sabihin ay pakikipaglandian ang talagang pakay mo dito?"
"E ano naman kung pakikipaglandian nga? Single na ako, Roiden! Pwede na akong makipaglandian kung saan, kailan at kanino ko man gustuhin."
Umangat ang gilid ng kan'yang labi.
"You're right. Bakit nga ba ako nag-aalala. Tss! Bumalik ka na roon, Terese. I'm sorry for acting so strange," aniya at agad akong tinalikuran.
Now, anong drama 'to?
Kunot-noo ko siyang pinanood nang nag diretso siya sa kan'yang sasakyan. Napairap ako sa kawalan at napabuntonghininga na lamang saka ako sumunod sa kan'ya.
Tahimik akong pumasok sa passenger's seat.
"Bakit hindi ka pa bumalik? Gusto mo ng fun 'di ba?"
"What's wrong with you, Roiden?"
"Nothing is wrong with me, Terese." sabay iwas niya ng tingin.
"Gusto mong bumalik ako doon sa loob tapos aalis ka. Sinong maghahatid sa akin sa bahay? Tanga ka ba? Wala akong dalang sasakyan. Wala rin akong dalang pera. Ihatid mo na lang ako."
"Sa condo niyo ng ex mo?" tanong niya habang binubuhay ang makina.
"Sa mismong bahay ko."
Hindi nakaligtas sa akin ang pagngisi ni Roiden. Ayaw kong punain iyon. Pero hindi pwedeng hindi. Nararamdaman kong may kababalaghan na namang tumatakbo sa manyak niyang utak.
"Gusto mo ng ice cream?" Bigla ay tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe.
"Diretso na akong matutulog pagkauwi ko ng bahay. Ayokong kumain ng ice cream."
Sinabi ko na sa kan'yang hindi ako kakain ng ice cream pero nagawa niya pa ring huminto sa tapat ng convenience store.
"Ako, gusto ko ng mocha flavored ice cream," nakangising panunuya niya saka bumaba.
Damn it! Paboritong flavor ko 'yon.
Binuksan ko na lamang ang bintana sa side ko saka ako pumangalumbaba roon habang naghihintay kay Roiden. Malakas ang ihip ng hangin. Pero hindi ako giniginaw. Dahil marahil iyon sa nainom ko kanina kaya ang init-init ng pakiramdam ko.
Umayos ako ng upo at agad na isinarado ang bintana nang nakita kong lumabas si Roiden mula sa convenience store na pinasukan niya.
"Sigurado kang ayaw mo?" nakangising tanong niya sa akin at bahagya pang itinaas ang hawak na supot na may isang tub ng ice cream.
"Ewan ko sa iyo, Roiden. Nakakainis ka na talaga!"
Humalakhak siya. "Naaalala ko noon laging napapawi ang inis mo sa akin sa tuwing binibigyan kita ng mocha flavored ice cream."
"Alam na alam mo kasi talaga kung anong kahinaan ko e."
Muli niyang binuhay ang makina. Nakanguso na ako habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kan'ya at sa supot ng ice cream na nakapatong lang sa dashboard.
Sinubukan kong kunin iyon pero mabilis na tinampal ni Roiden ang kamay ko. Ang sama!
"Huwag kang madamot, Roiden! Pahingi ako!"
"Ayaw mo 'di ba?" ngingisi ngisi niya.
"Kanina." nakangusong saad ko.
Humalakhak siya. Unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa huminto nga iyon sa gilid ng kalsada. Pinili pa talaga niyang sa may sira na poste huminto.
Malaki agad ang ngisi ko nang buksan niya ang supot at iniabot niya sa akin ang isang plastik na kutsara.
"Buti na lang bumili ako ng kutsara."
Napatitig ako sa kan'ya. Na-curious ako kung ganito rin ba siya sa asawa niya. I mean, ganito rin ba sila ng asawa niya. Noon kasi ay ito ang lagi naming ginagawa.
"Kumuha ka na. Ano pang tinutunga-tunganga mo d'yan?"
Ngumuso ako at sumandok na rin sa ice cream.
"Hindi pa nakakauwi ang asawa mo?" Naisip kong itanong sa kalagitnaan ng pagkain namin ng ice cream.
"She'll be here next week," simpleng tugon niya.
"Oh..." That means hindi na kami pwedeng magkita ulit ni Roiden ng ganito.
Naipilig ko ang ulo ko. Ano bang ini-expect ko? One night stand lang 'yong nangyari sa amin. Ang sabi ni Roiden ay throwback nga lang daw. Mag hunos-dili ka kung ayaw mong maging kabit, Terese Flores!
"What are you thinking?" nakangisi niyang tanong.
"Ha?" Agad akong umiling.
"Wala naman. Naisip ko lang na hindi na pala tayo pwedeng magkita ulit tulad nito. Baka magalit ang asawa mo," sabay tawa ko.
"Sino namang nagsabi sa 'yo na hindi na pwede?" natatawa na ring tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean..."
"Hindi naman kita kabit, Terese. You're an old friend. Magkaibigan tayo. Kaya walang masama kung magkita man tayo."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Anong walang masama sa pagkikita namin? The very first night na nagkita kami ulit matapos ang ilang taon ay may nangyari na agad sa amin. Hindi ba ay napakasama noon? Given the history of us and he's f*****g married already!
"Ang masama ay kung papayag kang maging f**k buddy ko ulit."
Nalaglag ang panga ko. Damn it! Anong klaseng tanong 'to?
"Ano, payag ka?"