Kinailangan ko pang kapalan ang concealer ko sa mukha para lang matakpan ang pamumugto ng aking mga mata. Medyo kinapalan ko rin ang make up ko upang itago ang lungkot na nagsusumigaw doon. Hapon na nang nakarating ako sa bahay nina mommy at daddy. Naroroon na si ate at nakabusangot ang mukha habang naghihintay sa aking makarating sa kinaroroonan niya. Umuwi pa kasi ako ng bahay ko at ilang oras pang nagpahinga. Hindi ko kayang humarap sa kanila na busted ang mukha ko. Ayaw kong malaman nila ang pinagdadaanan ko. Hindi palabas ang buhay ko para i-broadcast ko sa lahat. Agad kong ibinaba sa lamesa ang mga pinamili ko bago ko nagawang iangat ang paningin ko kay ate. “Bakit ang tagal mo?” Halata na ang inis sa kan’yang boses nang tanungin niya ako. “Umuwi pa kasi ako ng bahay,” sabay singh

