Gusto ko mang alisin sa utak ko ang mga impormasyong natanggap ko kanina mula kay Sasha ay hindi ko magawa. Gustuhin ko mang balewalain iyon ay patuloy akong ginugulo ng utak ko. Hindi ako makatulog kaiisip kung gaano iyon katotoo. “Damn!” naibulalas ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at agad na minanipula ang ipad ko. Maybe it’s true… That in order for you to move on, you have to feel the pain. Kailangan mong namnamin ‘yong sakit. Hayaan mong manuot iyon sa kaibuturan ng pagkatao mo para unti-unti kang masanay, unti-unting mamamanhid ang puso mo. Hanggang sa tuluyan ka ng hindi makakaramdam ng sakit. In the end, makakalimutan mo rin. Makakapagsimula ka ulit. Simpleng ‘Finally!’ lamang ang caption ng pictures na ini-upload ni Roiden. So, it is true. They’re having a baby. Natu

