"So inaamin mong gusto mo nga ako noon?" natatawang tanong ko kay Dwayne. "Tss… Hindi na ngayon!" "Noon nga!" giit ko. "Does it matter? My point is masyado kang stress! Kaya hindi mo na napagtutuunan ang pagpapaganda mo!" Ngumiwi ako. Kailangan ko pa ba 'yon? Wala ako sa mood para roon. Hindi ko na nga alam kung saang direksyon ko itutuon ang buhay ko. Sa totoo lang wala na akong nakikitang inspirasyon para mabuhay. Isang masamang panaginip ang gumising sa akin kinabukasan. Napanaginipan ko na naman ang daddy ni Serra. Humihingi siya ng tulong sa akin. Halos isang oras kong iniyakan 'yon sa kama ko bago ako tuluyang bumangon. Mugto ang mga mata ko nang lumabas ako ng kwarto bitbit ang ipad ko. Nagdiretso ako sa kusina at nagsalin ng gatas sa baso. Habang umiinom ay nilibang ko ang sa

