"Huwag mo nga akong ginagago, Mr. Dwayne Buenaventura!" bulyaw ko sa kan'ya. Ngumuso lamang siya at tipid na ngumiti. Kinuha ko ang orange juice na inihanda para sa akin. Uminom ako roon habang sinusundan ng tingin ang baklang naglalakad palabas ng opisina ni Dwayne. "My employees were scared of me. I don't know why. Ikaw, bakit parang hindi ka natatakot sa akin?" Nagtaas ako ng isang kilay ko. "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? I am not your employee." He shrugged. "Well…" Marahan akong pumikit at bumuntonghininga saka muling nagmulat ng mga mata. Ibinaba ko ang basong hawak ko at mataman kong tinitigan si Dwayne. "Vanilla and I met…" Nanlaki agad ang kan'yang mga mata. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya. Pero agad niyang itinago iyon sa pamamagitan ng pagtikhim. Umayos siya ng up

