"Manang-mana talaga sa daddy ang baby namin," ani Sasha habang pinapatayo-tayo si Elio sa kandungan niya. Siya ang katabi ko. Siya ang nasa passenger seat habang si Gwyneth ay tulog na tulog sa back seat. Ihahatid namin sila ni Elio sa airport dahil ngayon ang alis nila ng bansa. "Anong oras ba kayo nakauwi kagabi at mukhang pagod na pagod ang Gwyneth?" Nilingon ni Sasha si Gwyneth sandali sa backseat bago niya muling itinuon ang buong atensyon kay Elio. "Pagkatapos mong umalis kagabi ay umalis na rin agad kami ni Amadeo. At kaninang umaga lang din ako umuwi kaya I have no idea kung anong oras siya umuwi sa bahay mo kagabi." Tiningnan ko si Gwyneth mula sa rearview mirror. Tulog na tulog talaga siya at mukhang pagod na pagod. Naitutok ko ang paningin ko sa kalsada. Ayokong pansinin ito

