Nagbalik ako ng tingin kay Roiden at siya naman ngayon ang nag iwas ng tingin. "Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo…" Pumikit ako ng mariin at mahaba ang naging pagbuga ko ng hangin. "Care to explain, Mr. Pundales?" Umigting ang kan'yang panga at malamig na ang mga mata niya nang ipukol niya iyon sa akin. "That Rick Dusi… lied to me. Hindi niya tinupad ang kasunduan naming dalawa. Ciao, Terese!" pagpapaalam niya at agad akong tinalikuran sabay naglakad siya papalayo. Naiwan ako sa kinatatayuan na naguguluhan. Anong kasunduan nila ni Rick? Hindi ko maintindihan! Bago ko pa man nakumbinsi ang sarili kong habulin si Roiden ay nawala na siya sa paningin ko. Tila tinangay siya ng hangin at nawala agad. Kahit isa ay wala akong naintindihan sa mga pinagsasasabi niya kanina. "Akala ko

