Wala akong ibang nakikita sa mga mata ni Roiden kung 'di galit. At hindi ko alam kung paano kong papawiin ang galit na 'yon. Galit siya, dahil feeling niya ginago siya ni Rick. Galit siya dahil feeling niya nasayang lamang ang lahat ng sakripisyo niya. "Roiden…" Pumikit siya ng mariin at tinalikuran ako. Nagtungo siya sa pintuan at binuksan niya iyon. Isinenyas niya ang labas. Pinapalabas na niya ako. Tila nawalan ako ng lakas. Ang sakit pala kapag 'yong lalake na 'yong aayaw sa iyo no? Ang dali para sa ating mga babae ang umayaw sa kanila pero hindi natin naisip na sobrang sakit pala ng feeling na ayawan ka na mismo ng taong mahal mo. "Roiden gusto pa kitang kausap…" Nakita ko ang pag igting ng panga ni Roiden. Pumikit siyang muli at marahang hinilot ang kan'yang sintido. "Ayaw na k

