Nakatihaya ako habang nakatingin sa puting kisame. I'm on my pajamas already at nagbibilang na lamang ako ng mga tupa. Pero naka singkwenta na ako ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nilingon ko si Roiden sa tabi ko. Katulad ko nakatihaya rin siya at nakatitig sa kisame. Gumalaw siya at humarap sa akin. "You can't sleep?" I pouted my lips and nodded. "Do I need to count more sheeps? What do you think?" Natawa siya sa sinabi ko. "Gusto mong uminom?" aniya. Umiling ako. "I'm not in the mood to get drunk. I just really want to sleep pero hindi ako makatulog, e." "I won't get you drunk. Iyong sakto lang para makatulog ka." Ilang sandali pa akong nag-isip bago ko nagawang tumango. Lumabas kami ni Roiden. Suhestiyon niya ay sa tabing dagat kami uminom. Pumayag na rin ako sa gusto niya

