I OPENED MY EYES SLOWLY AND WINCED. I can feel my head throbbing real bad. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko, maging ang kirot sa may ulo ko. Unang bumungad sa akin pagkamulat ko sa mga mata ko ay ang nakasisilaw na liwanag ng ilaw sa silid kung nasaan ako. I tried to move my body but it’s really hard. Nanghihina ako. “Brother, are you okay?” bahagya kong iginalaw ang ulo ko para sundan ang boses ni Jag. “W-Water, please…” mahinang pakiusap ko. Nakita ko naman si Jona na kumuha ng tubig tapos ay inalalayan niya ako sa pag-inom. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Parang tuyong tuyo ang lalamunan ko at hindi ko alam kung bakit. “W-What happened?” nanghihinang tanong ko pa pagkatapos kong uminom ng tubig. “May amnesia ka?” tanong ni Jag. “Aray!” dagdag pa niya nang makit

