MARAHAN KONG IMINULAT ANG MGA MATA KO. Ang una kong hinanap pagkagising ko ay ang asawa ko pero wala na siya sa tabi ko. Bahagyang kumunot ang noo ko sa pagtataka kung bakit mas nauna siyang nagising sa akin ngayon. Nasanay kasi ako na ako ang laging nauunang magising sa aming dalawa at papanuorin ko pa siyang matulog habang hinihintay ko siya na magising. I threw a glance at the wall clock and saw that it’s already 5:00 pm. Huminga naman ako ng malalim bago tumayo mula sa kama at nagtungo sa banyo para makapaghilamos na. Nang matapos ay agad akong lumabas, nakita ko naman sila sa poolside na masayang nagkukuwentuhan. Nakaupo sa mga silyang nakapalibot sa mesa ang asawa ko, si Joy at Luigi. Sina Lando at Mario naman ay nag-iihaw ng mga isda at barbecue. Hindi naman ako nagdalawang isip

