Lasing na sina Megan at Ashley, ngunit sila ni Dawn ay hindi pa. Pinagtawanan nila tuloy ang dalawa. Ang yayabang na magyaya na uminom pero 'di naman kaya ng katawan nila.
Mabuti na lang, at inasikaso na ni Nay Debra ang dalawa niyang kaibigan. Kung hindi baka magwala pa ang mga iyon.
Umiinom pa sila pero sa mabagal na paraan. At dapat lang dahil sinusubaybayan nila si Mirabelle, na naglalaro mag-isa sa may dalampasigan.
Naawa si Abby kay Mirabelle. siguro, dahil sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang nananabik ito sa pagmamahal ng isang ama. Minsan nga tinatanong na siya ng bata kung kilala ba niya ang tunay nitong ama. At kahit nais niya man sagotin ang katanungan ng bata ay wala siya sa posisyon para gawin iyon. Ayaw niyang pangunahan ang kanyang kaibigan.
"Kamusta ka na pala? Balita ko dinalaw ka ni Ninang Daphne," tanong ni Dawn sa kanya.
Napakurap-kurap siya, at napailing sa winika ng kanyang kaibigan. "Wala talagang maitatago sa 'yo. You always know everything. Minsan nakakatakot ka."
Nagkibit-balikat lamang si Dawn. "Wala naman masama doon. Sinigurado ko lang naman na alam ko ang lahat na nangyayari sa kapatid ko. Hindi ba't nangako ako na hindi ko kayo pababayaan?"
"Yes, You did. Pero hindi naman pinasusundan mo kami lagi."
"What are you talking about?"
"You know what I mean, Strawberry Dawn," singhal niya sa kaibigan. "Pero salamat na din."
"Pasalamat ka sa mga magulang natin. Lagi silang nag-uusap sa phone."
Napangiti siya. "Alam mo nakakainggit sila. Ilang dekada na silang magkaibigan. Sana gaya nila ay tumagal din tayo."
Nilagyan ni Dawn ng alak ang baso niya. "Naku, sigurado akong tatagal tayo. Hangga't tinutupad natin ang ating mga pangako, nasa tamang landas tayo."
Sumimsim siya ng kanyang alak. "Sa tingin mo?"
"Oo naman, naniniwala ako. Saka ang dami ng naganap sa buhay natin. Pero magkasama pa din tayo."
Napabuntong hininga siya. "Sana matuldukan na ang lamat sa gitna nina Ninang Jasmine, at ni Mama Hera. Nami-miss ko na silang makitang magkasama, at nagkakausap."
"Kasalanan ito ng tarantado kong kakambal. Kung hindi lang siya naging makasaliri at duwag, hindi sana ito mangyayari." anini Dawn.
Napatitig siya sa kaibigan. Dama niya ang matinding galit sa ilalim ng boses nito. Sino nga ba ang hindi magagalit sa lalaking iyon. Lahat naman yata galit sa Kay Dusk, maging siya ay galit din.
"Nga pala, kamusta ang pakikitungo mo sa kanya?"
"Well, civil kami sa presensya ng ating mga magulang. Pero kapag wala sila, lagi kaming nagbabangayan. Nakakainis siya kais. Palagi niya akong tinatanong kung nasaan si Ashley. Kung ano na ang nangyari sa kanya."
"Ano ang sinabi mo?" puno ng kuryusidad na tanong niya.
"Siyempre, wala akong sinabi. Ano siya siniswerte? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya, sa palagay niya sasabihin ko sa kanya kung nasaan si Ashley. Manigas siya! At kahit lumuha pa siya ng dugo, wala siyang mapapala sa akin."
Nakahiga siya nang maluwag. "Tama lang na hindi niya malaman na may anak siya kay Ashley. Hangga't ngayon ay hindi ko pa din makakalimutan ang kahihiyan na ibinigay niya sa kaibigan natin. Dinurog niya ang puso ng kaibigan natin, at winasak ang kinabukasan nito ng walang kalaban-laban."
Pareho silang napatingin sa dako kung saan si Mirabelle.
"Alam mo ba minsan, magtatanong si Mirabelle kung kamukha ko ba daw ang aking kakambal."
"Do you think, she already know the whole truth?"
Nagkibit balikat si Dawn. "Wala akong ideya kung alam niya. Pero matalino siyang bata. Sa tingin ko malalaman niya din ang totoo kahit na pilitin pang itago ni Ashley sa kanya ang katotohan."
"Sabagay. Wala namang lihim man hindi nabubunyag. Ngunit kapag nabunyag ang lahat, tiyak ko na mahirap si Ashley pigilan si Dusk na 'wag maging malapit kay Mirabelle."
"Na kay Ashley iyon," sabi ni Dawn , at tinignan siya. "Ano pala ang sadya ni Mama Ganda sa 'yo? Pinakiusapan ka ba niya tanggapin ang pakikipag-ayos ni Xander?"
Napanguso si Abby. "No. You're wrong. Actually, hindi namin napag-usapan si Xander. Hiniling ni Ninang Daphne na gumawa ako ng endorsement para sa kanilang alak, pero tumanggi ako. Sabi ko sa kanya, hindi ako pwede mag-ingat model ng alak."
Binigyan siya ni Dawn ng nakakatakot na titig. "Bakit parang dismayado ka? Don't tell me nananabik kang makita ang damuhong pinsan kong iyon!
Abigail? May kasunduan tayo. Baka nakakalimutan mo."
"Hindi ko nakakalimutan. Saka batid mo naman na abot-langit ang galit ko sa pinsan mo iyong. Kulang na lang ay isumpa ko siya. Siya ang pasimuno ng pustahan. Kung hindi dahil sa kanya, di sana nasa Pilipinas pa din tayong lahat."
"Mabuti naman kung ganoon," saad ni Dawn, at nakahinga nang maluwag.
"Maligo na tayo?"
"Sige ba!"
Itinigil na nila ang pag-inom, at nagpasyang na maligo ngunit bago sila lumusong ng dagat ay nakipaglaro pa sila kay Mirabelle. Tuwang-tuwa naman ang bata sa kanila.
"Ninang Pretty, Ninang Gorgeous, can I swim with you?"
Tumango si Abby, at nilahad ang kanyang kamay. "Come with us."
"Okey lang po ba talaga, Ninang Pretty?" tanong ni Mirabelle sa kay Dawn.
"Oo naman, little pony," sabi ni Dawn, at hinawakan ang isang kamay ng pamangkin saka inakay ito patungo ng tubig.
Masaya silang naligo, at lumangoy sa malawak na dagat. Mirabelle is a good swimmer for her age. Kaya tuwang-tuwa sila na makipagpaligsahan laban dito.
Napakasaya nila na parang may oras sila sa kanilang buhay. Noon lang din niya nakita si Dawn na napakasaya at walang pakialam.
Buti na lang at pinili niyang pumunta. Dahil baka pagsisihan niya.
Masaya silang lumangoy ng halos isang oras. Panay ang habol ni Mirabella sa kanila. Ayaw pa nga nito umahon ngunit pinilit nila ito.
Pagkaahon na pagkaahon nila ay agad nilang tinungo ang kanilang silid para magbanlaw. Humiwalay si Dawn sa kanya dahil babanlawan pa daw nito ang pamangkin.
Pagkatapos niyang magbanlaw, at magbihis ay agad siyang tumungo ng kusina para paglutuan ang kanyang mga kaibigan.
Nadatnan niya doon si Debra na hindi mapakali sa paghihiwa ng mga gulay.
"Tulungan ko po kayo, Nay," sabi niya, at kumuha ng isa pang kutsilyo. "Gagawa po ba kayo ng sopas?"
Ngumiti si Debra. "Oo, kailangan nina Ashley, at Mega ng sabaw nang mainitan ang kanilang bituka. Bakit kasi maglalasing kayp kapag nagkikita kayo? Hindi naman kayo mga lasingera dati."
Tumawa siya nang mahina. "Nay Debra naman kung makaakusa kayo wagas. Hindi kami lasingera. Umiinom kami dahil birthday ni Mirabelle. At wine lang ang ininom namin," sabi niya, at nagpatuloy sa paghiwa ng gulay. "Ang mabuti pa'y ako na ho ang magluluto. Alagaan na lang po ninyo si Mirabelle."
Binigyan siya ni Debra ng matamis na ngiti. "Katulad ka talaga ng nanay mo. Sobrang lambing, at mapag-alaga niya. Palagi siyang nagluluto ng pagkain tuwing bumibisita siya sa amin. Napakaswerte ni Jasmin na naging kaibigan niya ang nanay mo. At mukhang maswerte din si Ashley na kasama ka."
Ngumiti lang si Abby. "Hindi lang naman siya ang swerte sa kaibigan. Maswerte din ako na naging kaibigan ko siya. At 'yun naman ang dapat sa magkakaibigan, 'di na? Ang magkaroon ng taong palaging nakahanda na dumamay, at umunawa sa 'yo. Sinabi sa akin ni Mama na ang isang kaibigan ay parang isang bihirang bato. Minsan nilalampasan ka nila pero lagi silang nandiyan sa mga mahihirap mong oras. At gusto kong maging ganoong klaseng kaibigan para kay Ashley, at sa iba pa. Gusto kong iparamdam sa kanila na lagi nila akong maaasahan."
Napuno ng labis na kasiyahan ang puso ni Debra.Bihira ang magkaroon ng tapat, at maunawaing kaibigan. At masaya siya na natagpuan ni Ashley ang mga kaibigan nito.
Iniiwan ni. Debra si Abby sa kusina para asikasuhin si Mirabelle, at ang kanyang ina.
Mabilis, at maliksi ang kilos ni Abby sa kusina. Wala pang isang oras ay nakahanda na siya nang makakain nila. Gumawa din siya ng banana fretters, at nagtimpla ng ginger tea para maalis ang hang-over ng kanyang mga kaibigan.
Dagli naman ginising ni Debra sina Ashley, at Megan para mahimasmasan ang mga ito.
Naging masaya ang celebration ng birthday ni Mirabelle. Nanatili pa ng ilang araw sa New Jersey si Abby.
Sinulit nilang magkakaibigan ang libreng oras na mayron sila.