Umiinom siya ng beer kasama si Travis nang makita niya si Rain, isa sa mga RGK, na papunta sa kanila. Tinaas niya ang kanyang mga kilay.
Ano kaya ang pakay ng kinakapatid niya para mapasugod kanilang lugar?
Oo, kinakapatid niya si Rain. Anak ito nina ng mga matalik na kaibigan ng kanyang magulang.
Ayaw na ayaw ni Drake na pumunta sa bahay nila dahil masyado itong allergic kay Jevie, ang anak ng kanilang mayordoma na si Jeniyah. Lagi kasi itong sinusungitan ni Jevie. Palagi din ang mga ito na nag-aaway tungkol sa kahit anong bagay, at mukhang walang anumang yatang paksa na mapagkasunduan ang dalawa. Kung hindi niya lang kilala si Rain ay baka sabihin niya na may gusto ito kay Jevie.
"Napasugod ka?" nagtatakang tanong niya kay Rain nang makalapit na ito sa kanya. Inabotan niya ito ng isang boteng beer, na tinanggap naman ni Rain.
"I have a message from Drake. He said, and I quote, 'She's coming to your house in two days'," sabi sa kanya ni Drake sabay ngumisi na parang aso. " Siguro naman ay hindi ka na bugnutin niyan." Tinapik-tapik n
pa nito ang kanyang balikat.
Nais niyang magdiwang sa kanyang narinig ngunit pinigilan niya ang magmukhang masaya. Mas lalo lamang siyang tutuksohin ni Rain. Kaya pinagsalubong niya ang kanyang kilay.
"Teka, bakit hindi siya ang pumunta rito, at personal na inihatid ang balitang iyan? Nasaan ba ang tarantadong iyon."
Napakibit-balikat si Rain, at tinignan nang maigi ang blankong mukha ni Xander. Ngunit kahit walang mapuna sa mukha ng kaibigan alam niya sa na masaya ito sa kalooban.
Mahal ni Xander si Abigail. Napakalalim ng pag-ibig niya sa dalaga. At alam nilang lahat iyon. Si Abigail ang hangin ni Xander. Hindi ito mabubuhay kapag wala ang dalaga.
“Aba'y malay ko. Hindi ko rin mga alam kung bakit niya ako inutusan na pumunta dito, eh pwede niya naman i-text o itawag sa 'yo ang kanyang pinasasabi. " Umupo siya sa tabi ni Xander. Ang isang kamay niya ay hawak ang beer, habang ang isa naman niyang kamay dinukot ang cellphone na nasa kanyang bulsa. "Gusto mong tawagan ko si Drake nang malaman mo ang sagot?" muling sabi ni Rain, at ngumisi nang malapad.
"Ako na ang sasagot," singit ni Travis sa usapan. "Nais lang ni Drake na sabihin mo ng personal sa kay Xander ang balita nang maawat mo itong pamangkin ko na lunurin ang saliri sa alak," paliwanag ni Travis sa kay Rain. "Alam mo bang mag-iisang linggo na itong kaibigan mo na nagpapakalasing dahil hindi niya mahagilap, at masilayan ang babaeng nilalaman ng kanyang puso?"
"Ganoon po ba?" pikyong saad ni Rain, at napakamot ng wala sa oras sa kanyang ulo nang tinignan siya nang masama ni Xander. "Kahit naman ho awatin ko iyan, hindi din naman iyan makikinig sa akin. Baka kapag si Abigail, ora mismo ay titigil siya. Pero hindi mangyayari iyon. Nasa Italy si Abigail ngayon, kasama ni Carlos."
"What the f**k! Nasa Italy siya kasama ni Carlos?" nanginginig ang panga na sabi ni Xander. Napatayo pa ito, at halos nangagalaiti sa galit, at nakakuyom ang mga kamay. "I will really kill that sonofabitch!"
Natatawang tinignan siya ni Rain. "Oh, you look livid," he said in amusement. "Joke lang iyon. Ang sarap mo talagang asarin. Ang totoo nasa New Jersey siya kasama si Tep-Tep."
Kumunot ang mukha ni Xander. " Tep-Tep?"
"Si Menggay.
"Magkasama sila ni Megan?" hindi makapaniwala na tanong ni Xander.
Ngumisi sabay tango si Rain sa kanya. "YES, at hindi lang si Menggay amg kasama niya. Kasama niya din si Ate Straw. At alam mo naman kapag nagkasama silang tatlo... "
"Bakit hindi ko natunugan iyan?" bumalik sa pagkakaupo si Xander, at nagbuntong hininga. "Could it be that they also have Ate Ashley with them?"
"I'm not sure, but it's possible, knowing Abigail doesn't travels in America more often."
"I must tell Kuya Dusk about this," sabi ni Xander, at tinignan si Travis, "What do you think, Tio?"
"Alam mo Dawn. Ayaw niyang ginugulo. Kaya kung ayaw mong maging kaaway niya, huwag kang makialam sa hidwaan nila ng kambal niya, sa halip ay harapin mo ang sarili mong problema. Understand?"
Napatango si Xander. "Iyon nga din ang payo ni Uncle Ethan. Hayaan ko daw si Ate Straw at Kuya Dusk. Ngunit naaawa na ako sa kay Kuya Dusk. Masyado na siyang nahihirapan."
Huminga siya nang malalim, at sinuklay ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok. ""Nakakadismaya ito. Gusto ko talaga siyang makita pero laban sa akin ang pagkakataon." Napahawak siya sa kanyang baso. Hindi niya alam kung ano ang nababagay na gawin niya.
"You're rushing things. Why don't you arrange a date for your meeting," Rain suggested.
Pinagmasdan siya ng kanyang tiyuhin. "Tama si Rain, pamangkin, siguro oras na para ayusin mo kung ano man ang conflict mo kay Abby, kung gusto mo talaga siya sa buhay mo."
"The problem is... Abigail's heart wasn't forgiving. Ang hirap din siyang kausapin. Ni hindi niya ako matingnan sa mga mata, o hindi man lang ako titigan. Hindi ko naman itinatanggi na karumal-dumal ang ginawa namin sa kanya at kay Ashley, pero sobra ang reaksyon niya. Mukhang galit siya sa akin hanggang sa kaibuturan niya."
Binigyan siya ni Rain ng isang habag na tingin. "Hindi mo siya masisisi. Kaibigan niya sila, at kung tratuhin nila ang isa't isa ay para silang magkapatid. Ang sakit ng isa ay ang sakit sa lahat. Siguro dapat ihanda mo na ang iyong saliri sa maaaring mangyari kapag nakipagkita ka sa kanya."
Huminga siya ng malalim bago uminom ng alak. "Sabi mo dadating siya dio sa loob ng dalawang araw?"
"Oo. Iyan ang sinabi ni Drake na sabihin ko sa 'yo. Binisita daw siya ng mama mo noong nasa France siya. Nabalitaan ko rin na may gagawin silang commercial ni Tep-Tep dito."
Pinagpatuloy nila ang pag-inom. Hating gabi na sila natapos kaya ipinagliban na lang ni Rain ang umuwi. Napagpasyahan nila na matulog sa cottage na nasa likuran ng kanilang ubasan.
Malawak ang ubasan nila. At sa isang likuran nito, mga kalahating kilometro ay makikita ang malawak na taniman ng peras, at mansanas.
"Sa tingin ko, itigil na natin ang pag-inom. Ang sakit ng ulo ko, at ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko. Inaantok na rin ako." Umuungol si Rain, at biglang bumagsak sa gilid niya.
Nakakatawang tumingin sa kanya si Xander.
"Lasing na lasing talaga siya para mahimatay siya," turo ni Travis, at mahinang tumawa. "Hindi siya kapares sa atin."
Pinagpatuloy nila ni Uncle Travis niya ang pag-inom hanggang sa inabutan na sila ng pagsikat ng araw.
***
Kumunot ang noo ni Daphne nang makitang nagluluto ng beef soup si Jevie, madaling araw pa lamang.
"Jev, anong ginagawa mo? 4am pa lang for Pete's sake. Bakit nagluluto ka ng beef soup, ha?" Tanong niya kay Jevie, pero nang hindi siya nakatanggap ng tugon ay tinignan niya ito na parang alam niya na ang dahilan. " Teka--- lasing na naman ba ang anak ko? Sagutin mo ako kung tama ang hinala ko."
"Parang ganoon na nga po, Tita," mahinang saad ni Jevie, at lumingon siya. "Inutusan po ako ni Sir Xander na magluto ng soup para may mahingop na sabaw sila ni Kuya Rain."
"Rain... ? As in Rain na ulan?"
"Tama po Tita. Si Kuya Rain po na anak ni Tita Sarah."
"Nandito si Rain?"nagugulumihang tanong ni Daphne. Ang kanyang mga mata ay nakatutok sa mukha ni Jevie. "Ano daw ang dahilan?"
Napanguso humarap sa kanya si Jevie. "Si Tita Daph talaga, nagiging ulyanin na kayo. Ang bata pa naman ninyo. Saka parang hindi naman ninyo kilala si Kuya Xander. Kahit naman dumating si Kuya Rain ay iinom at iinom pa din siya. Parte na yata niya ng buhay niya ang pag-inom ng alak," saas ni Jevie, at bungisngis.
Nagpakawala si Daphne nang malalim na hininga, at natagpuan ang saliri na nagtitimpla ng kape. "Sige, ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo. Pupunta lang ako ng harden."
Tumango si Daphne sa harden dala ang kape. Umupo siya pabilog, at pang-isahang sofa bago nag-face time sa asawa.
"Hi Mi Princesa," nakangiting sabi ni Austin. "Bakit ang aga mo gumising ha?"
"I can't sleep soundly. I wish you were here, Hulk," sabi niya, at sumipsip ng kape. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kay Xander. He's responsible but he's careless too. He's getting worse day. Nagiging drunken master n siya."
"So he's drunk again," saad ni Austin, at napabuntong hininga.
"Yes, at nagagalit ako. Hindi niya ba alam na magkakasakit sa kakainom ng alak."
"Let her be, Mi Princesa. It's his own way to scoop with his broken heart."
Naningkit ang mata niya habang nakatingin sa screen ng kanyang phone. "Anong let him be ka diyan! Kapakanan ng anak natin ang pinag-uusapan natin diro, Hulk. Walang matinong Ina na hahayaan niyang masira ang buhay ng kanyang anak sa harapan niya."
"Hon, huminahon ka. Hindi sinisira ni Xander ang buhay niya. Masyadong malungkot lang siya, at wasak lang ang kanyang puso. "
Napabuntong-hininga si Daphne. "Hindi mo ba iniisip, na gumagawa din ang ako ng hakbang para maayos ang kanilang hidwaaan. Sa makalawa, nandito na si Abby. Pinahanda ko na sa katulong ang guest room."
"Sana dumating siya, at kausapin si Xander. If only would Abby would talk to him . If only she was more forgiving and understanding, Xander would not be hurting."
"Really, Austin? Huwag kang maglakas-loob na akusahan si Abby na kasalanan niya ang lahatm Ang anak mo ang pasimuno ng lahat. Sila ni Dusk ang nagsimula ng lahat. Pinagpustahan nila si Ashley at Abby. Tapos, iiyak at iinom siya. Kung hindi naging gago, at pabaya ang iyong anak, iba ang mangyayari."
"Hey, don't be mad, Mi Princesa. I'm just only saying the obvious. Masyadong bato ang puso ni Abby. Halos lahat na lang ay ginagawa ng ating anak, pero nagmamatigas pa rin siya."
"You can't blame her. Dahil sa dare na 'yun, nahiwalay si Abby sa mga kaibigan niya. Ang mga kaibigan na mas minahal, at pinahahalagahan niya kaysa sa kahit ano pa man sa mundo. Kahit naman ako ay magagalit din. Ang totoo galit din ako sa ginawa ng anak mo. Ang dating masayang mundo natin ay naging ubod ng lungkot. Dahil sa kagaguhan ni Xander, hindi na nag-uusap sina Ate Sarah, at Ate Hera. Hindi na din kami nagkikita lahat. Kaya 'wag kang magalit kay Abby."
"Nagpapakumbaba na ang anak natin, Daphne. Ano pa ba ang nais niya?"
"Hindi madali ang magpatawad, at lumimot, Austin. Masyadong malalim ang sugat na iniwan ng nakaraan. Abby is Abby. She not like me or Gwendolyn for that matter."
Austin exhaled shakily. "I know, but I can't help it."
Walang gatol-gatol na tinapos ni Daphne ang pag-face time sa asawa. Menasahe niya ang kanyang sentido bago siya nagpadala ng mensahe sa kanyang kaibigan.
Inaamin niyang hindi niya dapat pinakialaman ang ugnayan ng kanilang mga anak ngunit bilang ina, pakiramdam niya ay kailangan niya ng kumilos at gumitna.
'Sige, magkita tayo bukas. Same time, and place'
Napangiti si Daphne nang mabasa ang reply ng kaibigan. Kung ayaw ni Abby na lumimot, pwes gagawin niya ang lahat ng paraan para makita ni Abby na hindi nito matatakasan ang anak niya habangbuhay.
Ngumiti siya nang matamis bago inubos ang kanyang kape. Pagkatapos niyon ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan na si Sarah.
"Daphne, ikaw ba 'to?"
"Yes, ako nga," nakangisi niyang tugon.
"Aba! Aba! Napatawag kang Bruha ka! So tell me, Ano'ng sadya mo?" natatawang sabi ni Sarah.
Umayos siya ng upo. " Ah... Medyo nalulungkot ako diro. I need some loving... "
"Di yakapin mo si Austin na lumabas. Have a sexy time with him. I'm sure, mawawala iyang kalungkutan mo!"
"Wala siya dito. Nasa Greece siya, nag-attend ng conference kasama si Gabriel. Kaya pumunta ka rito, at tulungan mo akong mag-ani ng ubas sa ubasan," tuwang-tuwang sabi niya,a at nang umayaw ang kaibigan. "Sige na pumunta ka na, narito ang iyong anak."
"Ano'ng ginagawa diyan ni Rain?"
"Courting," nakakatuwa niyang sabi sa kaibigan.
"Ano ang sinabi mo?" Biglang nagbago ang tono ng kaibigan niya. Mas lalo siyang ngumisi.
"Sa tingin ko, may napupusuan siya dito," she said in very serious tone.
"No way! He's only seventeen!"