Umuulan nang malakas, at kasabay nito ay ang paglipana ng kidlat sa kahit saang dako. Napapapikit si Abby hindi dahil takot siya sa kidlat kundi dahil sa malakas na tunog ng kulog. At sa tuwing kumikidlat, at kumululog ay napapapa-sign of the cross siya.
"Lord, keep me safe," bulaslas niyang wika.
Wala siyang pakiaalam kung napapatingin man ang mga tao sa kanya. Siya naman ay matapang na sinasalubong ang kanilang mga titig hanggang sa napilitan siyang umalis.
Naitanong niya tuloy sa saliri niya kung tama ba ang kanyang desisyon na makipagkita sa kanyang stalker sa gitna ng ulan, kidlat at kulog.
Pero wala eh, punong-puno siya ng kuryusidad kaya pumayag siya. Saka hindi naman siya nag-iisa kasama niya si Vladimir.
And speaking of Vladimir, "Nasaan na kaya iyon?" tanong niya sa kanyang isipan. "Kahit kailan talaga pasaway ang lalaking iyon," bulaslas niyang sabi.
Natatakot man siya kidlat, at kulog ay pinilit pa din ni Abby na maglakad patungo sa pinagkasunduang restaurant kung saan sila magkikita.
Hawak ang payong nang mahigpit ay maingat na inihakabang niya ang kanyang mga paa para tumungo sa restaurant na pinag-usapan nila ng secret admirer niya. Akma na siyang tatawid sa kalsada nang may nabunggo siyang tao. At hindi basta tao kundi isang multo. Isang multo ng kanyang nakaraan.
Kahit na halos dama, at dinig niya na ang t***k ng kanyang puso ay hindi siya nagpaapekto man lang. Blanko, at walang bakas ng anumang emosyon ang kanyang mukha, niilampasan niya ang lalaki, at umaktong na parang hindi niya ito nakita o kilala. Pinigil niya ang galit, at ang namumuong luha niya sa kanyang mata.
Wala siyang nakita! Wala siyang napansin.
Marahan na inihakbang niya ang kanyang mga paa, ngunit sa ibang direksyon, at hindi na patungo sa restaurant na dapat niya puntahan.
Kung titignan ay parang natural lang ang lahat ng kanyang kilos, subalit sa loob-loob ni Abby at parang sinasaksak ang kanyang puso.
Patungo ng kanyang kotse, sinabi niya sa kanyang saliri na kailangan niyang makaalis sa lugar. Dapat na lisanin niya ang lugar na iyon, iyon ang tanging nasa isip niya. Wala siyang pakialam kung may masasaktan siyang tao o may pangako siyang hindi matutupad.
Basta hindi siya maaring tumagal sa kanyang kinaroroonan. Period!
Hindi niya alam pero hinawakan niya ang pendant ng kanyang kwentas, at mariin na pinindot ito. Hindi man siya tiyak na may mga taong lumabas para protektahan siya. Ngunit ginawa niya, nais niyang maramdam na kasama niya sila.
Bago pa lang siya pumunta sa lugar ay kinausap niya na si Dawn, at sinabihan makikipagkita siya sa kanyang stalker, kaya kailangan niya ng back up plan, at proteksyon. Pinagbawalan siya ni Dawn na 'wag ituoy ang kanyang plano. Pero dahil matigas ang ulo niya, isinama niya si Vladimir, at ang kanyang mahiwagang kwentas kung saan may nakalagay na tracker na tanging sina Dawn at Ashley lang ang makakaalam.
Magaling siya sa mga bagay, at isa sa mga kakayahan niya ay ang gumawa ng tracking device. Kaya niya din alisin ang mga tinamin na tracking device sa kanyang katawan, at kotse.
Napahawak siya sa kanyang necklace, at ngumiti nang mapait. Sino ba kasi ang magsasabi na sa haba ng panahon ay gagamitin niya ito.
Sabagay, pagkatapos nang nangyari sa kanya, three years ago, gumawa siya ng tatlong necklace na may tracking device, at umiilaw kapag pinipindot ang gitna nito. Isa para sa kanya, isa kay Ashley, at isa kay Dawn.
Kapag ang sinuman sa kanila ay nasa panganib, ang kailangan lang nilang gawin ay pindutin ang gitna, at ito'y sisindi, at malalaman nilang tatlo na ang isa sa kanila ay nangangailangan ng tulong.
Ang ilaw ni Ashley ay berde, ang kay Dawn naman ay pula, at ang sa kanya ay asul, kaya alam ng bawat isa sa kanila, kung sino ang nangangailangan ng tulong. Mayroon din itong tracker.
Palapit na siya ng kanyang kotse, nang biglang may sasakyan na tumigil sa gilid niya.
"Sakay na!" singhal ng isang boses na kilala niya.
"Dawny... ?" hindi makapaniwalang saad niya, at kumurap ng ilang beses, bago siya nagpakawala nang matamis na ngiti. "You came."
"Sakay na sabi, bilis!" banas na sabi ng kaibigan.
Paanong hindi ito maiinis sa kanya dahil nanatili siyang nakatayong lamang siya, at tulala habang pinagmamasdah nang maigi ang kanyang kaibigan na si Dawn na nasa loob ng isang itim na kotse. Nakababa ang mga bintana ng front seat kaya malinaw na nakikita niya ang salubong nitong kilay habang nasa harapan ng manibela.
"Abigail Fariza, sakay na!" bulyaw muli sa kanya ni Dawn, at agad na binuksan ang pintuan ng shotgun seat.
Napakurap si Abby ng ilang beses, bago tuluyang natauhan. Dali-dali siyang sumakay sa front seat, at isinarado ang pintuann nito.
Itinaas ni Dawn ang salamin ng bintana, bago pinaharorot ang kotse.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!"
"Sinabi ko sa 'yo na 'di ba?" kalmadong tugon niya.
"Oo sinabi mo, pero hangal ka ba? Alam mo naman masama ang panahon?" galit na balik ni Dawn sa kanya.
Hindi niya na ito sinagot sa halip nagpakawala siya ng ilang buntong hininga habang ang mga mata ay nakatuon sa labas ng kanyang bintana. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dawn habang nakatingin sa kanya.
"Talaga, Abby, 'wag mong sabihin na talagang buo ang loob mong makikipagkita ka sa stalker mo? My goodness, Abby?"
Patuloy siyang nakatingin sa kanyang bintana. At piniling hindi tumingin kay Dawn o sagutin ang ano mang binabato nito sa kanya.
"Tinatanong kita, Abigail Fariza, pwede bang sagutin mo ang tanong ko kahit papaano!" galit na sabi ni Dawn sa pagitan ng kanyang mga ngipin.
Huminga nang malalim si Abby, nakatingin pa rin sa bintana niya. “Oo, tama ka, gusto kong makita, kung sino ang stalker ko. Gusto kong makita ang mukha niya, at makilala siya."
"At ilagay ang iyong buhay sa panganib! Abby, nakalimutan mo na ba na hindi ka isang ordinaryong babae, isa kang prinsesa! Minsan nang nalagay sa panganib ang buhay mo, at may gana ka pang umasta na parang walang nangyari." sabi ni Dawn, at nagngangalit siya.
"Alam ko pero hindi na ako bata. Saka hindi ko naman pinili na maging prinsesa. Alam mo iyan. Alam mo na mas gusto ko ng simpleng buhay. Pagod na akong maging maingat. Gusto ko ng buhay na tulad ng meron kay Megan. Malayang gawin ang lahat." panaginip na sabi ni Abby. "At siyempre, hindi mo maiintindihan."
"Kung meron mang makakaintindi sa 'yo, ako 'yun. Sa palagay mo, hindi ko kailanman ginustong gawin ang lahat nang hindi kailangang matakot para sa aking kaligtasan? Gayunpaman, hindi ko magagawa iyon. Minsan, naiinggit din ako kay Megan, pero hindi natin mapipili ang mga magulang natin, Abby. At tulad natin, hindi rin mapipili ng ating mga magulang kung sino ang kanilang mga magulang, kaya't itigil mo na ang pag-asta na parang bata. Be matured enough. 'Wag mo ng dagdagan pa ang kalbaryo ng iyong ina."
Tumingin si Abby kay Dawn, at nginisian. "Sabi ng babaeng hindi pa napatawad ang kambal niyang kapatid."
Binigyan ni Dawn si Abby nang nakamamatay na tingin. "So, nakalimutan mo na rin ba ang lahat, at napatawad mo na rin si Xander?"
Agad na inikot ni Abby ang kanyang mga mata. "At bakit ko naman siya patatawarin?"
"See, hindi mo pa siya napapatawad. Kaya, huwag mo na akong tanungin kung bakit hindi ko pa pinapatawad si Dusk. Sinira niya ang lahat, ang pagkakaibigan natin, ang ating mga pamilya, at lalo na ang kinabukasan ni Ashley."
Hindi siya umimik. Pakiramdam niya ay mas mabuting huwag na lang magsalita. Hindi din siya maiintindihan ni Dawn.
Katahimikan ang bumalot sa kanila. Nang iliko ni Dawn ang sasakyan sa kaliwang bahagi ng kalsada saka muling nagsalita si Abby.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay ko," sabi ni Dawn.
"May bahay ka ba dito?"nagtatakang tanong niya.
"Oo." payak na sagot ni Dawn, habang ang mata ay nasa kalsada.
"Paano ka nagkroon ng bahay dito?" maang na tanong niya.
"Mahabang kwento. Ikwe-kwento ko sa 'yo minsan."
Liningon niya si Dawn, at sinamaan ng tingin. "Huwag mong sabihin sa akin, nakikisali ka pa rin ba sa mga Mafia?" itinukod niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib, at hinintay ang sagot ng kaibigan, "Strawberry Dawn, nangako ka sa amin! Nangako ka na iiwan mo na ang Mafia!"
Nagsalubong ang kilay ni Dawn. “Siyempre, hindi na. Umalis na ako, pero minsan nagpapakonsulta ako. "
"Pero Dawn, nangako ka!"
"Alam ko, Abby," sabi ni Dawn, at malungkot siyang tinignan. "Oo, nangako ako, ngunit hindi ganoon kadali ang makaalis sa Mafia. Kailangan mayroon kapalit. Sa mga nalalaman ko, hindi nila ako basta-basta na lang papayagang makalaya."
Narinig na niya iyon sa kanyang mga magulang. Napabuntong hininga siya, "Si Ashley ang dahilan ano? Kaya ka hindi makaalis sa Mafia?" sabi niya, at ibinalik ang kanyang mata sa bintana.
"Hindi lang si Ashley ang dahilan," sabi ni Dawn sa kaibigan. Nais pa niya sana na idugtong na kaya siya nanatili na may kaugnayan sa Mafia ay para protektahan ang mga kaibigan niya, lalo-lalo na siya. Ngunit hindi ito maintindihan ni Abby.
"Hindi ba't nasa air force ka? Bakit kailangan na ma-envolved ka sa Mafia? Kaya mo naman protektahan ang iyong saliri, " sabi ni Abby, at lumingon sa kanya. "Alam mo sa palagay ko, kaya ka nanatili sa Mafiq, dahil sa Mafia ay kaya mong talunin si Dusk. Dahil sa mundo ng ordinaryong tao, hindi mo siya kayang daigin. Siya pa din ang namamayagpag pagdating sa achievement."
"Ang sabihin mo, he is always the favored one, " mapait na sabi ni Dawn. "I'm always the black sheep."
Napahalakhak nang mahina si Abby sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Kung makapagsalita ka parang 'di mo siya kakambal."
"Iyon nga ang kinakainis ko, kahit ano'ng gawin ko, hindi ko mababago na may dugong nadududgtong sa amin. Kaya kahit nais kong patayin ang damuhomg iyon, hindi ko magawa," sabi ni Dawn, at marahas na nagpakawala ng isang buntong hininga.
"Hindi mo magawa, dahil mabuti kang tao, Dawn," sabi ni Abby. "Pero kung nais mong maging masama, at pinatay ng tao, pwede bang unahin mong patayin si Xander," seryosong sabi niya, at hindi man lang kumurap.
"Abigail, kailan ka pa nagsimula na mag-isip na ganyan ha? Hindi sa pinagtatanggol ko si Xander, pero mas higit na mabuting tao siya kea sa kakambal ko. Si Dusk ang may higit na atraso sa atin, hindi si Xander."
"Iyon ang pagkakaalam mo," sabi niya sa kanyang isipan. Sabagay, wala naman alam si Dawn na naging magkasintahan sila ni Xander. Ang alam ni Dawn nililigawan lamang siya ni Xander.
Hindi alam ni Dawn na tulad ni Ashley, ibigay niya din kay Xander ang kanyang sarili. Ang pinagkaiba lang ay hindi siya nabuntis. Masyadong mataas ang pride niya para aminin kina Ashley at Dawn na may nangyari sa kanila ni Xander.
At nang biglang nag-leak ang video ni Ashley ay doon niya nalaman na gaya ni Dusk, pinaasa lamang siya ni Xander. Ngunit pinagbigyan niya ng isang pagkakataon si Xander.
Naging patago ang kanilang relasyon, at ng mag-eigtheen na siya ay ibinigay niya ang kanyang saliri kay Xander.
Sumunod na araw ay parang bula na naglaho ito. Hindi na ito nakipagkita sa kanya, at hindi na din siya nito kinausap. Nagpalit na din ito ng numero kaya hindi niya makontak.
At nang magkita sila muli ay may kasama itong babae, at ni hindi siya nito pinansin, kinausap o tinapunan man lang tingin. Abala ito sa pag-aasikaso sa babaeng kasama. Habang siya wasak ang puso, at tulalang pinagmamasdan si Xander na nakikipaglampungan sa babae.
Halos dinamdam niya ang lahat. Ilang linggo niya din iniyakan iyon. Ngunit natauhan siya, at pinangako na kakalimutan niya si Xander.
Niloko siya nito, winasak, nasira at pinaglaruan.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya kailan man mapapatawad si Xander...
At wala siyang pinagsabihan kundi ang kanyang saliri, at ang salamin na nasa loob ng kanyang kwarto.