“Ma saan tayo pupunta?” napabaling akong muli sa kaniya, kanina pa kasi siya nangungulit sa akon, panay ang tanong niya kung saan daw kami pupunta, kung aalis daw ba kame. Inaayos ko kasi 'yung mga damit ko sa maleta ko dahil may lipad ako bukas. "Nanay answer me!" inis na sabi niya. Hindi ko kasi siya pinapansin kanina pa dahil alam kong mapipilitan akong sagutin at ipaliwanag sa kanya, matanong pa naman ang isang ito. Inilagay ko 'yung huling piraso ng damit at isinara ang maleta na nakapatong sa ibabang ng kama. Ibinaba ko na iyon at ginilid sa tabi. "Maaa! Si nang nang nandito." bungad ni Kj na kakapasok palang ng kwarto kasunod si Kwon at Siren. Hila hila siya ni Kwon. “Nako bata ka hinihingal ako sayo." habol hininga na sabi ni Ren nakahawak pa sa kanyang dibdib. Lumapit si Kle

