Ilang minuto din akong napatitig sa mga batang nag lalaro doon, kahalo ang tatlo kong anak. Maingay at magulo sila habang nag lalaro, naghahagikgikan, naisip ko na masarap palang maging bata dahil wala kang gaanong dapat alalahanin panay lang ang laro ang ginagawa at walang alalahanin. Hindi parin mawala saking isip ang tagpong naganap kaninang umaga na yakap yakap ni Kojic si Kleah may naramdaman kaya siyang lukso ng dugo ng mga oras na 'yung. Dahil binabagabag ako ng aking konsensya, marahil sa mga nakita at napanood ko. Inialis ko 'yung tingin ko doon at lumakad paakyat sa kwarto. Aayusin ko na ang ibang gamit ng mga bata, uuwi na kami ngayon. Ilalabas ko muna sila dahil magiging busy ako ulit sa trabaho ko at hindi ko na sila madalas makakasama, iiwanan ko na naman sila kila Auntie.

