Nagmulat ako ng mata dahan dahan, ang sakit ng ulo ko kaya agad akong napasapo dito at marahang hinilot. Parang binibiyak iyon. Napapikit akong muli dahil sa sobrang sakit. Bigla akong napamulat ng pumasok sa isip ko kung anong nangyari kagabi. s**t ang mga anak ko! Kahit na masakit ang ulo ko, bumangon ako at lumabas sa silid kung saan ako nandoon. Lakas ng kabog ng dibdib ko. Nandito pa naman si Kojic baka makita niya ang mga anak namin. Tahimik na tahimik dito kaya bumaba ako agad. Nagmamadali ako sa pagbaba ng hagdan. “ANO JERGEN BAKA MALAGLAG KA!" natataranta na sigaw ni Auntie na nasa tapat ng hagdan. Tuluyan akong nakababa. Nasa tapat ko siya. “Auntie nasaan ang mga anak ko!" aligagang tanong ko sa kanya. Tiningnan niya muna ako. "Tulog pa ang mga bata, kung ako sayo wag kang m

